Sa mga dadalaw sa MNC, MSC PUNTOD ONLINE FINDER GAMITIN – MANILA LGU

PINAYUHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang mga dadalaw sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery na gamitin ang Puntod Online Finder upang madaling maghanap ang puntod ng yumao nilang mahal sa buhay.

Karamihan sa mga puntod ay matagal na ring hindi nabibisita kaya hinikayat ng Manila LGU ang publiko na hanapin ito sa pamamagitan ng nasabing online finder kapag sila ay maglilinis bago ang Undas 2026 o kaya sa kanilang pagbisita sa sementeryo sa Nobyembre 1.

Payo ng lokal na pamahalaan na Maynila na mas maiging gamitin ang Puntod Online Finder lalo na’t malawak ang Manila North Cemetery gayundin ang Manila South Cemetery sa Makati City.

Kailangan lamang mag-log in sa manilanorthcemetery.ph at manilasouthcemetery.com.

Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ng Manila LGU ang lahat na maging maingat sa pagdalaw at ugaliing panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa mga sementeryo.

(JOCELYN DOMENDEN)

92

Related posts

Leave a Comment