NAALARMA ang ilang residente sa Barangay West Crame nitong Lunes ng umaga makaraang matuklasan ang sangkap ng pampasabog sa basurahan.
Sa isinagawang phone interview ng PNP Press Corps kay PCol. Anthony Gantang, chief of police ng San Juan City Police Station, natuklasan ng isang garbage collector ang isang sako sa basurahan sa isang residential area sa Brgy. West Crame.
Nang buksan ang nasabing sako ay bumungad ang ilang explosive materials, tinatayang 300 metro ang layo sa Camp Crame.
Ayon pa kay Gantang, ang nadiskubreng explosive materials ay halos mga gamit sa training, mga granadang walang pulbura, dummy rifle grenade at shells ng ammunition.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Explosive Ordnance Disposal ang nasabing narekober na explosive materials habang sinusuri ng mga awtoridad ang mga CCTV para matukoy kung sino ang nag-iwan nito sa basurahan.
Paalala ni Gantang sa publiko, dapat i-turnover sa pulisya ang ganitong explosive materials para sa tamang disposal.
(TOTO NABAJA)
104 