4 PATAY SA NAIDLIP NA TSUPER

NEGROS – PATAY ang apat na katao kabilang ang dalawang matanda na magpapagamot sana sa albularyo matapos araruhin ng sinasakyan nilang kotse ang motorsiklo saka sumalpok sa gate nang makaidlip umano ang driver, iniulat kahapon ng umaga sa Bacolod City. Kinilala ang mga namatay na sina Angeles Salmorin, 83; Dolores Granada, 83, at Delina Abana, 56, at Jeljuredi Labrador, 15; habang sugatan naman sina Anabelle Estil, 39, at Rolinda Barte, 77, at drayber ng Mitsubishi Mirage na si Froilan Samillano. Batay sa report ng Manapla Municipal Police Station (MPS),dakong alas-2:45…

Read More

NAGHAMON NG AWAY BINATA INARESTO SA SUMPAK

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang 18-anyos na lalaki nang maaktuhang armado ng improvised shotgun o sumpak  matapos manghamon ng away sa kalsada sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Ang suspek na si Joren Mesa, ng Barangay 105, District 1, Tondo ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and ammunitions at alarm and scandal. Ayon sa ulat ng District Police Intelligence Operation Unit (MPD-DPIOU), bandang alas-11 nang maispatan si Mesa na nagwawala sa Road 10, Barangay 101 sa tapat ng Katuparan, Vitas, Tondo.…

Read More

ESTUDYANTE UMAKYAT SA TUKTOK NG GUSALI SAKA TUMALON SUICIDE SA MALABON CITY HALL

BASAG ang bungo at walang buhay nang bumagsak sa semento ang isang isang binatilyong estudyante matapos tumalon sa pinakatuktok ng gusali ng Malabon City hall kamakalawa ng hapon. Bukod sa pagkabasag ng bungo, durog-durog din ang mga buto sa katawan ng senior high school student na si Jefferson Dela Torre, ng Ninoy Aquino National High School sa Barangay Longos, matapos tumalon at bumagsak sa kalsada ng F. Sevilla St., Barangay San Agustin dakong alas-2:16 . Sinabi ni Malabon City Police Station Chief P/Col. Jessie Tamayao, unang namataan ng mga tao sa labas…

Read More

AMONG CHINESE, BODYGUARD NAKALIGTAS DRIVER PATAY SA AMBUSH SA PASAY

NALAGUTAN ng hininga noon din sa lugar ng krimen ang driver ng van nang tambangan ng hindi nakilalang mga suspek habang himalang nakaligtas ang amo nitong Chinese at kasamang bodyguard sa Pasay City Biyernes ng gabi. Minamaneho ni Jose Rubia ang itim na Mercedez Benz na van (MO A237) kung saan lulan ang kanyang among Chinese at bodyguard nitong Pinoy sa St. Escolastica St. bandang alas-7:46 nang biglang sumulpot sa gawing likuran ang dalawang lalaking lulan ng Yamaha Mio I 125 (NF-85980) at armado ng hindi pa matukoy na kalibre…

Read More

PINAGTAKSILAN NG NOBYA, NABARIL NG NANULOT PULIS BIKTIMA NG DOBLE -MALAS

PINAGTAKSILAN na ng kanyang nobya, nabaril pa ng lalaking nanulot sa kanya ang isang miyembro ng Manila Police Distirct sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga. Nagtamo ng tama ng bala sa hita at ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC) ang biktimang si P/MSgt Edgardo Palabay, nakatalaga sa MPD-Abad Santos Police Station. Kinilala ang suspek na si Geraldo Millares, driver, subalit nakakalaya pa ito. Sa report ng MPD-Raxabago Police Station, naganap ang insidente sa Rawis St., Road 10, Barangay 123, Tondo bandang alas-2 nang puntahan ng pulis ang kanyang…

Read More

2 LALAKING NANGGULPI SA EX-COP, HULI

HIMAS rehas ang dalawang lalaki habang pinaghahanap ang walong iba pa na nanggulpi sa isang retiradong pulis sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Nahaharap sa kasong attempted homicide ang mga naarestong sina Richard Mahilom, 33, mekaniko at Jonel Bentor, 37,  kapwa ng 36 B. Serrano Corner Asistio, Barangay 89, ng lungsod. Ang mga suspek pa ang nagsoli ng baril ni Ariel Benzon, 54, ng Asistio St., East Grace Park, nang madala ang mga ito sa presinto. Sa imbestigasyon, kinompronta umano ni Benzon ang isang grupo ng jeepney drivers nang biglang…

Read More

P.7-M shabu nakumpiska NEGOSYANTE, APAT PA HULI SA DROGA

DRUGS TAGUIG

UMAABOT sa mahigit  P700,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa magkahiwalay na operasyon laban sa  isang negosyante at apat na iba pa na naaresto sa loob ng isang apartelle sa Marikina City. Nakilala ang mga suspek na sina Eduardo Javier, 26, tindero ng prutas; Ed Vergel Luna, 38; Joyce Ann Pascual, 20 at Armando Jaso Jaso Jr., 41, pawang walang mga hanap buhay. Naaresto ang mga suspek sa buy-bust operation sa  Room  No. 7B Aga Apartel sa 23 Martilyo St., Midtown…

Read More

PNP NAGHIHIGPIT SA DROGA, SUGAL

OKAY O OKRAY

MAGANDA ang resulta sa ngayon nang paghihigpit ng Philippine National Police(PNP) sa ilegal na droga at sugal dahil makikitang nagtratrabaho ang mga pulis upang makaaresto ng mga lumalabag sa batas. Okay ang performance ng mga tauhan ng Quezon City Police District na pinangungunahan ni P/BGen. Ronnie Montejo sapagkat halos lahat ng labingdalawang (12)  stations ay kumikilos upang manghuli ng mga pasaway na tulak at adik. Okay na okay na maging ang ilegal na sugal ay hindi pinalalampas ng QCPD kung kaya’t ang mga financier at operator ay halos hindi makalutang…

Read More

BAKIT DI PINAKANTA ANG 5 “PASTILLAS” BOYS?

PUNA

HINDI lang dapat matapos sa pagsibak sa limang (5) tauhan ng Bureau of Immigration na nasangkot sa “Pastillas” scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Dapat ay nag utos ng malalimang imbestigasyon si BI Commissioner Jaime Morente sabay pakanta sa mga sangkot kung sinu- sino pa ang kanilang kakutsaba. Impossible kasing walang nga utos sa kanila dahil hindi naman lalakas ang loob ng mga sangkot kung wala sila ng ipinagmamalaking padrino. Sino nga ba ang talagang nakikinabang sa P10,000 lagay bawat ulo ng mga dayuhan? Sa dami nang nakapasok eh…

Read More