PINAGTAKSILAN NG NOBYA, NABARIL NG NANULOT PULIS BIKTIMA NG DOBLE -MALAS

PINAGTAKSILAN na ng kanyang nobya, nabaril pa ng lalaking nanulot sa kanya ang isang miyembro ng Manila Police Distirct sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Nagtamo ng tama ng bala sa hita at ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC) ang biktimang si P/MSgt Edgardo Palabay, nakatalaga sa MPD-Abad Santos Police Station.

Kinilala ang suspek na si Geraldo Millares, driver, subalit nakakalaya pa ito.

Sa report ng MPD-Raxabago Police Station, naganap ang insidente sa Rawis St., Road 10, Barangay 123, Tondo bandang alas-2 nang puntahan ng pulis ang kanyang nobya.

Nadatnan ni Palabay na magkatabi sa higaan ang kanyang nobya at si Millares na umano’y live-in partner ng babae kaya’t sag alit ay kaagad na bumunot ng baril at pinaputukan ang lalaki subalit nagmintis kung kaya’t nagkaroon ito nang pagkakataon at naagaw ang baril sa pulis.

Pinaputukan nito ang biktima na tinamaan sa hita bago mabilis na tumakas. RENE CRISOSTOMO

245

Related posts

Leave a Comment