BUKOD sa kasong panggagahasa, nahaharap din sa kasong child abuse ang isang 27-anyos na tricycle driver matapos pagsamantalahan ang isang 16-anyos na dalagita sa Intramuros, Manila, iniulat ng pulisya nitong Linggo. Kinilala ang suspek na sumuko makaraan ang insidente, na si Danilo Aranas, binata, ng Blk. 9, Lot 46, Old Site, Baseco Compound, Port Area, Manila. Base sa ulat na nakarating kay P/Lt. Col. Ariel Caramoan, station commander ng Manila Police Station 5, bandang alas- 7:00 ng gabi nang mangyari ang panggagasa sa biktimang si alyas Amor, Grade 9 student,…
Read MoreMonth: May 2020
PALASYO KUMAMBYO SA SCHOOL OPENING
WALA pang pinal na desisyon kung magbubukas ang public schools sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Agosto 24 ng taong ito. Kailangan pa kasing tingnan ng gobyerno ang data kung mataas o mababa na ang kaso ng COVID-19. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesman Harry Roque ay matapos na ianunsyo ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na in- adopt nito ang Basic Education Learning Continuity Plan of the Department of Education (DepEd) na kinailangan para sa muling pagbubukas ng klase sa…
Read MoreCOVID-19 PROBLEMA NA NG LAHAT
KUNG mayroon mang apektado ng pandemia na COVID-19 na ito, hindi lang ang mga Chinese na pinagmulan nito subalit lahat kabilang na tayong mga nasa lahi ni Juan Dela Cruz. Maging ang lahi ni Uncle Sam, maging ang tinatawag na Holy Land na kinalalagyan ng mga Israeli ay kasama sa pineperwisyo ng veerus (virus) na tinatawag na coronavirus. At dahil walang kinikilalang kalagayan sa buhay, kasarian at edad ang COVID-19, walang nakaliligtas dito kung kaya ang tanging makalulutas ng problema ay tayo rin sapagkat hanggang ngayon ay wala pa ring…
Read MoreNAPC DAPAT NANG BUWAGIN NG KONGRESO
INILABAS ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Disyembre nang nakalipas na taon ang paghihimay, pagbusisi at pag-aaral nito sa nakuhang magkakaibang buhay ng 110 milyong Filipino. Ang sabi ng istatistika ng PSA noong 2015 ay pumalo sa 21.9 milyon ang kabuuan ng pamilyang Filipino na nabubuhay sa ‘ilalim ng guhit ng kahirapan.’ Kaya, itinuring o inilagay sila sa kategoryang ilalim ng guhit ng kahirapan ay dahil hindi pa umaabot sa P9,452 ang pinagsamang kita kada buwan ng mag-asawang pasok sa nasabing mahirap na kalagayan sa buhay noong 2015. Nang sumapit…
Read MoreJUDAY: ‘HARAPIN PO NATIN ANG TUNAY NA KALABAN!’
NOONG isang gabi ay nakasama naming mag-host si Bianca Gonzalez para sa online event na ‘Laban, Kapamilya’ sa pamamagitan ng Facebook Live. Nakapanayam namin ang ilang Kapamilya stars at mga empleyado upang magbigay ng kanilang mga opinyon tungkol sa pagpapasara sa ABS-CBN. Nagsara ang Kapamilya network dahil sa kautusan ng National Telecommunications Commission dahil sa pagkapaso ng prangkisa nito. Isa si Judy Ann Santos sa nagpahayag ng kanyang mga saloobin tungkol sa mga nangyari. Itinuturing ng premyadong aktres na pangalawang tahanan ang Kapamilya network. “Ano ang nangyari? Ang bawat isang tao, may…
Read MoreBALIK-PROBINSYA HINDI SAPILITAN
NILINAW ni Senador Christopher Bong Go na hindi magiging sapilitan ang pagpapatupad ng Balik Probinsya Program ng pamahalaan. Sinabi ni Go na kung sino lang ang gustong umuwi sa kanyang lalawigan ay siya lamang tutulungan na makabalik. Dagdag pa ng senador na hindi naman maaaring sapilitang pauwiin sa probinsya ang mga ayaw at may trabaho sa Metro Manila. Kaugnay nito, kinumpirma ni Go na nagkaroon na ng mga pagpupulong si Executive Secretary Salvador Medialdea, DILG officials at iba pang departamento para makabuo ng executive order na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo…
Read MorePAGKILALA SA FRONTLINERS, ESSENTIAL WORKERS INIHAIN SA KAMARA
INIHAIN ni KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo ang resolusyong kumikilala sa ambag ng mga frontliner at essential workers sa gitna ng paglaban sa COVID-19 pandemic. Ani Salo, “Despite the clear and present danger to their own health and safety, these frontliners and essential workers valiantly performed their duties and rose above and beyond the call of duty so as to ensure that our people are cared for.” Kabilang sa mga essential worker at frontliners ang mga doktor, nurses, medical staff, barangay health workers, barangay tanod, pulis at sundalo. Ang mga…
Read MoreGURO BIGYAN NG SAPAT NA ORAS SA PAGTUTURO – SOLON
ISINUSULONG ni ACT-CIS Party-list Representative Jocelyn Tulfo na mabigyan ng sapat na oras sa pagtuturo ang mga guro. Ayon sa mambabatas, tinatambakan ang mga guro ng trabahong walang kinalaman sa pagtuturo kaya nababawasan ang oras ng mga ito sa kanilang mga estudyante. Giit ng mambabatas, trabaho ng guro ang mag-lecture, maghanda sa pamamagitan ng paggawa ng lesson plan at i-evaluate ang kanyang trabaho sa pamamagitan ng pagsusumite ng monitoring and evaluation reports kaya hindi dapat itong haluan ng ibang trabahong hindi angkop sa pagtuturo. Irerekomenda rin ni Rep. Tulfo sa…
Read MoreECQ O GCQ SA NCR, DEPENDE SA KASO NG COVID-19
NAGPAHIWATIG na si Presidential spokesperson Harry Roque na hindi lahat ng lugar sa Metro Manila ay mananatili sa enhanced community quarantine (ECQ) sa May 16. “Hindi mananatili sa ECQ ang buong Metro Manila after May 16. Hindi rin naman magiging GCQ. It will be granular, it will be surgical,” ayon kay Sec. Roque sa Laging Handa press briefing. Ang ibig sabihin aniya nito ay may ilang lungsod sa National Capital Region ang mananatili sa ilalim ng ECQ habang ang ibang lungsod naman ay ibababa na sa GCQ. Ang pahayag na…
Read More