GUSTONG rebisahin ni Department of Education Sec. Leonor Briones ang mga materyales na ginamit sa paggawa ng mga gusali ng mga pampublikong paaralan sa bansa. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni Sec. Briones na base sa kanilang report ay lumalabas na pare-pareho ang naging sira ng mga public school building makaraan ang pananalasa ng mga nagdaang kalamidad. Aniya pa, marahil ay kailangan na ring tingnan at suriing mabuti ang disenyo ng pagkakatayo ng mga gusali upang malaman kung pulido at de kalidad ba ang mga materyales na ginamit…
Read MoreMonth: November 2020
ROQUE SA MGA ESTUDYANTE NG ATENEO DE MANILA: BABAGSAK KAYO
MAWAWALAN ng kinabukasan at hindi makaga-graduate ang mga estudyante ng Ateneo de Manila na nagbanta na hindi sila magsusumite ng academic requirements hangga’t hindi pinakikinggan ng pamahalaan ang demand ng mamamayang Pilipino para sa tamang calamity aid at pandemic response. Nanawagan kasi ang mga estudyante ng naturang unibersidad ng mass strike laban sa anila’y “criminally neglectful response” ng pamahalaan sa kamakailan lamang na pananalasa ng mga bagyo. Sa kalatas ng grupo ng mga estudyante ay nakasaad na nangangako silang iwi-withhold ang pagsusumite ng anomang school requirements simula Miyerkoles, Nobyembre 18.…
Read MoreNIA NANINDIGANG NAG-ABISO SA PAGPAPAKAWALA NG TUBIG SA MAGAT DAM
NILINAW ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) officials na gamit ang tri-media ay binalaan nila ang mga residente na naninirahan sa low-lying areas lalo na iyong mga nasa malapit sa Magat River at Cagayan River na lumikas sa mas mataas na lugar simula November 9 bago pa ang pananalasa ng bagyong Ulysses. Nagpaliwanag ang NIA-MARIIS sa kanilang naging paghahanda para sa bagyong Ulysses kasunod ng samut saring batikos na kanilang natanggap mula sa mamamayan dahil sa malawakang pagbaha sa Isabela at Cagayan. Ayon sa pamunuan ng NIA,…
Read MoreVALENZUELA CITY UMAYUDA SA KABIKULAN
PERSONAL na nagtungo sa Catanduanes, Albay, at Camarines Sur si Senador Win Gatchalian upang maghatid ng tulong mula sa Valenzuela City at masaksihan ang kalagayan ng lugar at mga apektadong residente. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na namigay sila ng tulong sa naturang lalawigan upang makabangon sila sa tindi ng kanilang sinapit mula sa magkakasunod na dumaang bagyo. Kasama ng senador sina Valenzuela City Congressman Wes Gatchalian, Valenzuela Vice Mayor Lorie Natividad-Borja at Councilor Rovin Feliciano na nakatakdang makipagpulong sa mga lokal na opisyal upang pag-usapan ang recovery efforts sa…
Read MoreMalawakang dayaan sa 2022 presidential elections, pinangangambahan SMARTMATIC UTAK NG DAYAAN?
NELSON S. BADILLA PINANINIWALAANG magkakaroon muli ng malawakang dayaan sa eleksyong presidensiyal at bise presidensiyal sa 2022 dahil vote counting machines (VCMs) ng kumpanyang Smartmatic pa rin ang gagamitin sa nasabing pampulitikang aktibidad. Ayon sa impormasyong galing sa Senado, walang kahilingan ang pangulo ng mataas na kapulungan ng Kongreso na si Senador Vicente Sotto III, o sinomang senador, sa Department of Budget and Management (DBM) na dagdagan ang P14.56 bilyong badyet ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2021. Wala ring impormasyon na nagkasundo ang mga senador na itaas pa…
Read More“#NasaanAngPangulo”, galawang ‘Team Leni’ at kaliwa? PASAKALYE SA 2022 POLLS
NELSON S. BADILLA NAGSIMULA nang umatake ang Liberal Party (LP) o dilawang puwersa, bilang bahagi ng operasyon nito laban sa mga kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte sa eleksyong 2022. Sa pamamagitan ng “#NasaanAngPangulo”, nakitang ito ang layunin ng LP, partikular ang “Team Leni” ni Bise Presidente Maria Leonor Robredo, sa pinakahuling magkakasunod na banat laban kay Duterte sa panahon ng pananalasa ng mga bagyong “Rolly” at “Ulysses”. Maging ang ilang kaliwang organisasyon ay ipinakalat sa social media ang #NasaanAngPangulo. Biglang sumulpot ang #NasaanAngPangulo habang rumaragasa ang bangyong Rolly sa maraming…
Read MorePAGBANGON NG CAGAYAN TINIYAK NI PDU30
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga flood-hit residents sa Cagayan Valley na hindi tumitigil ang pamahalaan at gagawin nito ang lahat para ibangon ang kanilang buhay mula sa pagkawasak nang manalasa ang bagyong Ulysses. “I want to personally assure our fellowmen here that the government will continue its rescue operations until all families are saved, all casualties and missing persons have been accounted for, and all affected individuals and communities have received their needed relief and other assistance,” ayon sa pangulo. Nagpaabot din ng pakikiramay ang pangulo sa…
Read MoreFLASH FLOODS DULOT NG LUMANG DAM – SOLON
KUMBINSIDO si Senador Imee Marcos na deka-dekadang kapabayaan sa mga dam at iba pang mga imprastraktura sa tubig ang dahilan para madale ng mga flash flood ang Cagayan at Isabela. “Ibinalik lang ng bagyong Ulysses ang karanasan ng Ondoy. May natutunan naman ang ating gobyerno na paghahanda nang mas maaga pero kinulang pagdating sa lawak ng sakuna,” giit ni Marcos. “Ang 38 taon nang Magat Dam at iba pang mga lumang dam ay deka-dekada nang hindi na-upgrade o nagkaroon ng improvement, nakalbo na rin ang mga watershed sa paligid nito…
Read MoreSa pagtatanggol sa Makabayan bloc sa red-tagging KREDIBILIDAD NG MILITAR MASISIRA
NABABAHALA ang isang abogado na posibleng makaapekto sa kredibilidad ng militar ang pagtatanggol ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso sa kanilang mga kasamahan na kabilang sa tinaguriang Makabayan bloc. Itinuturing ni Atty. Trixie Angeles na panghihimasok at pangmamaliit sa kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawa ni House Speaker Lord Allan Velasco nang tahasan nitong ipagtanggol ang Makabayan bloc sa akusasyon ni AFP Southern Luzon Command Chief Gen. Antonio Parlade na nag-uugnay sa mga ito sa Communist Party of the Philippines (CPP). Para kay Angeles, sinira…
Read More