NANANATILING halos 200 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Caloocan City, habang 37 na lamang ang active cases ng pandemya sa Navotas City, 44 sa Malabon City at 74 naman sa Valenzuela City. Ayon sa mismong ulat ng pamahalaang lungsod ng Caloocan na may petsang Nobyembre 12, nabatid na 11,992 ang confirmed cases ng pandemya sa lungsod, 11,463 ang gumaling at 330 na ang namatay. Kung ibabawas mula sa bilang ng kumpirmadong kaso ang mga gumaling at namatay, lilitaw na 199 ang nanatiling aktibong kaso, at lumabas na tumpak ang…
Read MoreMonth: November 2020
Imbestigasyon sa paglabag sa health protocols patuloy SINAS ‘GUILTY’ – DOJ
“GUILTY” si General Debold Sinas sa ‘krimeng’ nagawa niya noong Mayo 8, 2019. Ganito ang paniniwala ni Justice Secretary Menardo Guevarra na dapat ipataw kay Sinas sa dalawang kasong isinampa laban sa kanya upang mag-isyu ng presidential pardon si Pangulong Rodrigo Duterte. Sabi ni Guevarra, patuloy pa ring iniimbestigahan ang dalawang kasong isinampa laban kay Sinas at iba pang opisyal ng Philippine National Police (PNP) makaraang maganap ang “mañanita” sa kanyang ika-55 taong kaarawan noong Mayo 8, 2019. Ani Guevarra: “The DOJ (Department of Justice) prosecutor has to complete the…
Read MoreTAUNANG PAROL FESTIVAL SA LAS PINAS UMARANGKADA
PORMAL nang inilunsad ni Senadora Cynthia A. Villar ang parol-making competition sa Las Pinas City para matulungan ang industriya sa paggawa ng parol sa siyudad sa gitna ng COVID-19 pandemic. “While COVID-19 may have prevented us from doing the festivities to celebrate our 15th Parol Festival this year, this should not stop us from honoring our annual tradition of showcasing the most colorful and creative Christmas lanterns made by Las Pineros,” pahayag ni Villar. Alinsunod sa kanyang patuloy na adbokasiya para isulong ang recycling ng basura at mas epektibong solid…
Read MoreGOV’T TROOPS NAKASAGUPA NG NPA
QUEZON – Nakasagupa ng tropa ng gobyerno ang ilang miyembro ng New People’s Army habang nagsasagawa ng post-disaster response makaraan ang Bagyong Ulysses sa bayan ng Gen. Nakar noong Linggo. Ayon sa report ni Capt. Jayrald Ternio, chief ng Public Information Office ng 2nd Infantry Division, habang nag-iikot ang tropa ng militar bandang alas-9:15 ng umaga sa Brgy. Pagsangahan ng nasabing bayan, muling naispatan ng mga sundalo ang pitong rebelde na nangingikil ng pagkain sa mga residente roon. Nang kanilang sitahin ay nagpaputok umano ang mga rebelde na nauwi sa…
Read MorePinuna ni Lacson ‘DI PATAS NA BUDGET ALLOCATION SA KAMARA
PINUNA ni Senator Panfilo Lacson ang “disparity” o unfair na hatian ng alokasyon sa mga infrastructure budget ng mga kongresista kung saan tinukoy nito ang bilyun-bilyong pisong inilaan sa isang distrito sa Davao, Benguet, Albay at Abra habang sa ibang distrito ay ilang milyon lamang. Sa paghimay ng Senado sa proposed P4.5 Trillion national budget ay sinabi ni Lacson na kitang-kita ang malaking diperensya sa laki ng budget sa ilang distrito habang kakarampot naman sa iba. Inihalimbawa ni Lacson ang isang distrito sa Davao na may budget sa infrastructure na…
Read MoreNOGRALES NAIS PROTEKSYUNAN ANG SIERRA MADRE
IPINANUKALA ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang pagtatayo ng Sierra Madre Development Authority (SMDA) upang maproteksyunan ang kabundukan ng Sierra Madre. Sa kanyang House Bill (HB) 5634, sinabi ni Nograles na panahon na para pagtuunan ng pansin ang pagpoprotekta sa 500 kilometrong kabundukan na unti-unti na umanong nakakalbo dahil sa walang habas na illegal logging activities. Ginawa ni Nograles ang nasabing panukala kasunod ng malawakang pagbaha na naranasan ng Marikina, Rizal hanggang sa Isabela at Cayagan matapos manalasa ang bagyong Ulysses. Ayon sa mambabatas, dahil nauubos ang mga…
Read MoreDENR EMPLOYEE PINATAY SA TULAY
LAGUNA – Patay ang isang empleyado ng lokal na tanggapan ng DENR matapos barilin ng hindi kilalalang suspek sa kanilang project site sa Biñan City sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Kinilala ng Biñan City Police ang biktimang si Oliver Reyes, job order employee ng Laguna PENRO. Ayon sa report ng pulisya, nasa tulay sa Barangay San Vicente ang biktima, dakong alas-7:30 ng umaga nang dumaan ang hindi kilalang mga suspek at malapitan itong pinagbabaril. Tinamaan ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima at namatay…
Read MoreRELIEF GOODS INIHATID NG TEAM POE SA CAGAYAN VALLEY
INORGANISA ni Senador Grace Poe ang ilang team ng volunteers na mag-impake at magdala ng relief goods sa mga biktima ng baha sa CagayanValley, isa sa pinamatinding hinagupit ng Bagyong Ulysses. “Kailangan maibigay natin ang lahat ng kailangang tulong na kaya natin ngayon dahil ito ang pinakakritikal na oras sa mga nakaligta sa kalamidad. Bawat donasyon na nakakarating sa kanila ay naghahatid ng mensahe na hindi sila kinalilimutan at paparating ang tulong,” ayon kay Poe. Naging catch basin ang Cagayan Valley, tahanan ng 4,100 megawatt na Magat Dam, ng rumaragasang…
Read MoreCOVID-19 CASES SA BANSA, HIGIT 400K NA
UMAKYAT na sa 407,838 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, nakapagtala ng panibagong 1,530 kaso ng COVID-19. Karamihan umano sa mga kasong ito ay mula sa Cavite na mayroong 90. Iniulat din ang 11,290 bagong recoveries kaya sa kabuuan ay nasa 374,329 ang bilang ng mga gumaling. Ang mga nasawi naman ay 7,832 na matapos madagdagan ng 41 kahapon. Nasa 25,677 na lamang umano ang total active cases sa bansa. (DAVE MEDINA) 192
Read More