DAPAT lamang na dagdagan ang calamity fund ng mga lokal na pamahalaan sa gitna ng pananalasa ng nagdaaang mga bagyo at patuloy pang pagharap sa laban kontra COVID-19. Ito ang binigyang-diin ni Senate Majority Leader Migz Zubiri subalit tutol na ilaan ang buong P19 bilyon na proposed fund para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). “Nakita ko pangangailangan ng mga kababayan natin, if there is funding for rehabilitation, welcome ‘yan sa akin pero di naman buong halaga dahil may barangays din na nangangailangan ng development…
Read MoreMonth: November 2020
TULONG SA MGA BIKTIMA NG BAGYO AT BAHA SINIGURO
TINIYAK ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na lahat ng asset ng gobyerno ay nakakalat o naka-mobilize para rumesponde sa mga apektado ng bagyo at pagbaha upang magbigay ng tulong at saklolo. Kasama ni Sen. Go si Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa Cagayan para tingnan ang pinsala ng baha at para matukoy ang mga pangangailangan ng mga residente. “Ang opisina ko naman ay tuloy-tuloy ang pag-iikot at paghahatid ng immediate assistance. Pagkatapos magbigay ng tulong sa Catanduanes, kasalukuyang nasa Albay na sila upang rumesponde sa mga pangangailangan doon,” dagdag…
Read MorePAGTULONG SA TUGUEGARAO, CAGAYAN, ISABELA PATULOY – MALAKANYANG
PATULOY ang pamahalaan sa rescue operations nito sa Tuguegarao, Cagayan Valley at Isabela matapos manalasa at bayuhin ng bagyong Ulysses. Sa katunayan, ang Department of Transportation (DOTr), sa pamamagitan ng Philippine Coast Guard (PCG), ay nagtatrabaho “round-the-clock”, at nakapagligtas ng 15 indibidwal sa Modelro, Sitio Pantalan, at Pantabangan sa Tumauini, Isabela; 50 indibidwal naman sa Barangay 12, Tuguegarao City; 47 indibidwal sa Pengue Ruyu, Tuguegarao City; 13 katao sa Caritan Norte, Diversion Road, at Anufuan West, Tuguegarao City; habang 70 indibidwal sa Linao East, Tuguegarao City. Sinabi ni Presidential spokesperson…
Read MoreSEARCH, RESCUE & RETRIEVAL OPS SA CAGAYAN TODO NA
ITINODO ng government forces ang nalalabi nilang puwersa na maaaring ideploy sa hilagang bahagi ng Luzon kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gamitin ang lahat ng available assets ng gobyerno para saklolohan ang libo-libong residente na nabulaga sa nangyaring flash flooding at landslide sa mga lalawigan. Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 67 bayan at siyudad na sakop ng Region 2 ang nakaranas ng malawakang pagbaha bukod pa sa serye ng mga landslide na kumitil ng 16 katao habang 20 ang…
Read More‘MANGKOK NG PAG-ASA’ HANDOG SA MGA BINAHA SA MARIKINA
BINIGYANG-DIIN muli ni Sen. Grace Poe ang importansya ng ibayong kahandaan ng pamahalaan sa harap ng mga bagyo at iba pang sakuna na nananalasa sa bansa taun-taon. “Kailangan nating kumilos agad at mamuhunan para sa mga programang makakatulong sa atin sa pag-iwas sa mga sakuna at panganib na dulot ng mga kalamidad, gayundin sa pagharap natin sa mga pagbabagong dulot ng climate change,” mariing sambit ni Poe. Nauna nang naghain si Poe ng Senate Bill No. 124 o ang panukalang “Philippine Disaster Risk Reduction and Management System Act” na naglalayong…
Read MoreP175.9-M AYUDA NG DA SA MAGSASAKANG BULAKENYO
BINISITA ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang lalawigan ng Bulacan kasama sì Governor Daniel Fernando upang alamin ang lawak ng napinsalang mga pananim dulot ng mga bagyong dumaan at nagkaloob ng seeds and fertilizers na nagkakahalaga ng P175.9-million para sa magsasakang Bulakenyo nitong Biyernes sa bayan ng Pulilan. Matapos ang inspeksyon, ang kalihim at gobernador ay dumiretso sa Command Center ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) upang makita ang iba pang agricultural lands na naapektuhan ng bagyo. Sinundan ito ng dayalogo kasama ang mga…
Read More3 BUHAY IBINUWIS SA UMAPAW NA ILOG
LAGUNA – Patay ang magkapatid na menor de edad at isang lalaking nagtangkang sumagip sa mga ito nang malunod sa umapaw na ilog sa Calamba City sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga. Ayon sa report ng Calamba City Police, nangyari ang insidente sa San Cristobal River, Brgy. Banlic, alas-8:00 ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Jessie Lalap, 16; Jhone Ashly Lalap, 12, at Dennis Espinosa, 30, pawang taga Barangay Banlic. Una umanong tumawid ang magkapatid sa ilog upang sumunod sa kanilang tatay na nanghuhuli ng isda sa kabilang…
Read MoreMAGTIYO NAMANGKA SA BAHA, NALUNOD
QUEZON – Patay ang isang 22-anyos na binata at 5-anyos nitong pamangking babae makaraang lumubog ang sinakyan nilang bangka sa baha sa bayan ng Lopez sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga. Kinilala ang Lopez PDRRMO ang mga biktimang sina Allan Florido at Ayiesha Rose, parehong residente ng Barangay Tan-ag Ibaba. Ayon sa report, huling nakitang buhay ang dalawa dakong alas-7:00 ng umaga noong Biyernes habang sakay ng isang maliit na bangka at tumatawid sa isang binahang latian dahil sa bagyong Ulysses. Galing umano sa evacuation center ang dalawa at…
Read MoreMAY P6.15-M PATONG SA ULO, PATAY SA ENGKWENTRO
ISANG itinuturong pinuno ng communist New People’s Army ang napatay nang makasagupa ang tropa ng mga sundalo sa Zamboanga del Norte, ayon kay Western Mindanao Command chief, Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr. Sa natanggap na ulat ni Lt. Gen. Vinluan, kinilala ang napatay na rebel leader na si Leonardo Nabong, alyas Otik/Berto/Bonie, dating secretary at kasalukuyang 1st Deputy Secretary ng NPA Western Mindanao Regional Party Committee. Ayon sa kay 102nd Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Leonel Nicolas, si Nabong ay naging Executive Committee member ng Komisyon Mindanao (KOMMID). Nabatid na…
Read More