NEGOSYANTE ITINUMBA SA HARAP NG KAPITBAHAY

PATAY ang isang 46-anyos na negosyante matapos pagbabarilin ng hindi kilalang gunman habang nakikipag-usap sa kanyang kapitbahay sa Navotas City nitong Sabado ng umaga. Ayon kay Navotas Police chief, P/Col. Rolando Balasabas, ang biktimang si Gualberto Arizala, Jr. ng Blk. 38, Lot 10, Phase 2, Area 4, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) Dagat-dagatan, ay hindi umabot nang buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan. Nabatid sa imbestigasyon ni P/Cpl. Florencio Nalus, dakong alas-6:00 ng umaga, kausap ng biktima ang kanyang kapitbahay na si…

Read More

NADULAS NA RIDER PATAY SA SUV

HINDI naisalba sa pagamutan ang isang 21-anyos na binata makaraang masagasaan ng isang Toyota Revo nang madulas ang motorsiklo ng biktima matapos iwasan ang lalaking biglang tumawid sa kalsada sa Sampaloc, Manila nitong Biyernes ng hapon. Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Tondo General Hospital ang biktimang si Earl Vince Espino, ng #239 Josefina St., Sampaloc. Samantala, inasistehan naman ng miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang driver ng Toyota Revo na kinilalang si Jesnyr Jay Dela Calzada, 23, ng Alcan Nasipit, Agusan Del Norte, sa…

Read More

BAYANIHAN BUHAYIN -DUTERTE

NGAYON ang tamang panahon para maipakita ang bayanihan spirit. Ito ang iginiit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kasunod ng ginawa nitong inspeksiyon sa lawak ng pinsalang idinulot ng bagyong Ulysses. Ayon sa Pangulo, ang pagtutulungan ang kailangan ngayon ng mga Pilipino sa gitna ng pagbangon mula sa delubyo na idinulot ng bagyo. Siniguro naman ng Chief Executive na naririto ang gobyerno para sa mga nasalanta kasabay ang paninigurong hindi magpapabaya ang pamahalaan at gagawin ang lahat para sa recovery efforts. Nauna nang inatasan ng pangulo ang lahat ng ahensya ng…

Read More

SEARCH, RESCUE AND RELIEF OPS PATULOY

PATULOY ang pamahalaan sa pagtulong sa mga sinalanta ng magkakasunod na bagyo sa bansa. Sinabi ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na abala ngayon ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa mga search, rescue and relief operations. Aniya, pinaka-tinamaan nang husto sa Greater Manila Area ang NCR, Montalban, San Mateo, Cainta at ang may pinakamataas na flooding incident ay ang Marikina. Isa aniya ang Metro Manila sa pinaka tinututukan ngayon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan partikular na ng iba’t ibang attached agencies ng Office of…

Read More

MALUNGGAY MUNGKAHI NI IMEE LABAN SA MALNUTRISYON

SUPER FOOD na maituturing ang malunggay na makatutulong para maibsan ang malaking problema ng malnutrisyon sa Pilipinas. Ito ang sinabi ni Senador Imee R. Marcos kung saan nasa 33.4% ng mga bata na may edad lima pababa ang malnourished o patpatin. Ayon kay Marcos, dahil sa kulang sa nutrisyon, napipigilan ang pagtangkad at halos 30% na mas maliit ang utak ng bata sa habambuhay. Ito aniya ang dahilan ng inilunsad niyang #Imeelunggay project bunga ng high demand ng malunggay sa bansa dahil masustansya ito at pampalakas pa ng immune system…

Read More

SOLON: EKSTENSYON NG VFA ABROGATION, GOOD MOVE

ITINUTURING ng isang mambabatas sa Kamara na “good move” ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ng anim na buwan ang pagbasura ng gobyerno sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos. “I think it is a good move for the government to extend the suspension to give time for the new US administration to settle in and possibly pursue talks with the Philippines on issues concerning the VFA,” ani House defense and security committee vice chairman Ruffy Biazon. Ayon sa mambabatas, magkakaroon ng bagong administrasyon ang Amerika…

Read More

PRICE FREEZE SA MGA BINAGYONG LUGAR, TINIYAK

TINIYAK ng Malakanyang na walang magaganap na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity dahil sa matinding pananalasa ng bagyong Ulysses. “Pinapaalalahanan din ang Department of Trade and Industry na base sa Republic Act 7581 o ang Price Act, ang presyo ng mga bilihin [sa mga lugar under state of calamity] ay frozen sa kanilang prevailing prices sa ilalim ng automatic price control sa loob ng 60 araw,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque sa isinagawang National Disaster Risk…

Read More

Malakanyang sa trending #NasaanAngPangulo KALOKOHAN NG OPOSISYON

PARA sa Malakanyang ay kalokohan lamang ng oposisyon ang “#NasaanAngPangulo.” Pilit kasing hinahanap ng oposisyon at mga kritiko ng administrasyon si Pangulong Duterte sa mga panahon na may natural disasters sa bansa. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, isang opposition gimmick ang nasabing hashtag. Ani Sec. Roque, dahil sa makabagong teknolohiya ay nagagawa ng pangulo na palaging i-monitor ang mga kaganapan kahit na hind ito bumiyahe tungo sa isang lugar. Bukod dito, palagi naman aniyang nagbibigay ng  instructions ang pangulo sa mga ahensiya ng pamahalaan. “Hindi po dapat tanungin ‘Nasaan…

Read More

TULONG MUNA BAGO SISIHAN

MEDYO nakakairata ang ilan sa mga influencer kuno na may ganang manisi sa gitna ng unos na pinagdaanan ng mga kababayan natin sa bagyong ­Ulysses imbes na tumulong muna. May mga panahon ang paninisisi pero huwag sana isabay habang ang marami nating kababayan sa Marikina, Pasig at Rizal ay nasa bubungan ng kanilang bahay na nilalamig, nagugutom at takot na takot sa kanilang buhay. Mas matutuwa ako kung ang mga influencer kuno na ito ay magluto sana ng makakain ng mga evacuees mula sa sarili nilang  pera imbes na gamitin…

Read More