2 patay, 4 missing, 8 sugatan sa .. BAGSIK NI ‘ULYSSES’

DALAWA na ang kumpirmadong namatay habang apat katao ang nawawala at walo naman ang iniulat na nasaktan sa pananalasa ng Bagyong Ulysses na pumaralisa sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan at maraming lugar ang kasalukuyang lubog sa baha. Ayon sa ulat, maraming lugar ang na-isolate dahil sa kawalan ng komunikasyon at halos 3.8 milyong consumers ng Meralco ang nawalan ng supply ng kuryente bunsod ng magdamag na pananalasa ng Bagyong Ulysses na ikinukumpara sa Bagyong Ondoy na inilubog din ang maraming lalawigan sa malalim na baha. Sa inisyal…

Read More

HIGIT17K PAMILYA SA QUEZON INILIKAS

UMAABOT sa 17,358 pamilya na binubuo ng 65,005 indibidwal ang inilikas sa lalawigan ng Quezon dahil sa pananalasa ng bagong Ulysses. Ayon kay Quezon PDRRMO head Melchor Avenila, pinakamaraming inilikas sa mga islang bayan na bumubuo sa Polillo group of islands, na siyang tinumbok ng bagyong Ulysses. Ganoon din sa Quezon northern towns sa REINA area, (Real-Infanta-General Nakar) na siyang ikatlong landfall ng bagyo. Unang tumama sa kalupaan ang mata ng bagyo sa islang bayan ng Patnanungan bago muling naglandfall sa isla ng Polillo sakop ng bayan ng Burdeos. Naitala…

Read More

SUSPENDIDONG OPISYAL NAMUMURONG MASIBAK SA SERBISYO

HINDI magdadalawang-isip si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sibakin sa puwesto ang mga opisyal ng pamahalaan na sinuspinde ng Tanggapan ng Ombudsman. Binalaan ng pangulo ang mga suspended government officials na huwag nang gumawa ng panibago pang kasalanan kahit ito’y simpleng ‘neglect of duty’ dahil siguradong sibak sila sa puwesto. ‘Next time, I will dismiss you from the service. All of you who are suspended, the next time you have [a case] of even simple neglect of duty or whatever, if it falls as a ground for dismissal, I will…

Read More

RELIEF, RESCUE AGAD IKINASA

PATULOY na kumikilos ang mga concerned department at agencies ng Ehekutibo para magbigay ng “relief, rescue and assistance” sa mga apektado ng bagyong Ulysses. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, nag-deploy na ang Philippine National Police ng 3,261 Search and Rescue personnel bago pa nanalasa ang Typhoon Ulysses, kabilang na ang 291 mula NCRPO, “as of November 8, 2020, 10AM.” Nai-deploy na rin ang mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel sa iba’t ibang lugar gaya ng Cavite, Manila, Marikina, Montalban at Rodriguez sa Rizal para tulungan ang local government units…

Read More

Pagtiyak ni PDu30, habang nananalasa si ‘Ulysses’ GOV’T AGENCIES NAKATUTOK SA SITWASYON

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mamamayang Pilipino na habang bumabayo at nananalasa ang bagyong Ulysses ay “on top of the situation” ang pamahalaan. Sa public address nito ngayong araw ay sinabi ng pangulo na mula sa simula, ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay kumikilos na para tugunan ang sitwasyon sa ground. Muli namang nanawagan ang Pangulo sa lahat ng LGUs at concerned agencies na tiyakin na ang kapakanan at ķaligtasan ng mamamayan ay nananatiling “top priority” ng mga ito. Bilang pangulo, ginagarantiya naman niya na gagawin lahat…

Read More

PANGALAN NG MGA AWOL AT SINIBAK NA PULIS DAPAT ILABAS

HINDI ko masisisi ang isang mambabatas sa Kamara na irekomenda sa bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) na si General Debold Sinas na isapubliko ang mga pangalan ng mga pulis na sinibak na sa serbisyo o kaya ay absent without official leave o AWOL dahil marami sa kanila ang nasasangkot sa mga krimen. Wala kasing ideya ang publiko kung yung pulis na kalugar nila ay wala na sa serbisyo o hindi na ­nare-report sa trabaho dahil ayaw niya ng kanyang assignment o mayroong kinakaharap na kaso. Aminin na natin,…

Read More

BI-NAIA OFFICERS BINIGYAN NG PASTILLAS NI DUTERTE

TINABLAN kaya ng kahihiyan ang mga opisyal ng Bureau of Immigration na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport na umanoy mga miyembro ng tinaguriang “Pastillas Gang” matapos na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang? Yan ang katanungan ng maraming taga-subaybay ng PUNA. Kung hindi sila tinablan ng kahihiyan talagang pader na sila sa kapal ng mga mukha. Sampal sa kanilang lahat na inisa-isa silang pinakuha ng perang nakarolyo sa balat ng pastillas at sinabihan ng Pangulo na isubo nila ito. Sa pagtitipon ay naroon si ­Secretary Menardo Guevarra na…

Read More

HINDI ‘MAN TO BEAT’ SI ISKO MORENO

NAGLALABASAN na ang mga pangalan ng mga politikong tatakbo sa pagkapangulo sa halalang 2022. Nariyan sina Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio, Senador Christopher Lawrence Go at Senador Emmanuel Pacquiao, Bise – Presidente Maria Leonor Robredo at ­dating Senador Ferdinand Marcos, Jr. Ang pinakabago ay si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Ang totoo, kamakailan ay nagpahiwatig na si Moreno na iiwan na niya ang Maynila. Sabi pa nga niya, tiwala siyang ipagpapatuloy ni Bise – Alkalde Honey Lacuna – Pangan ang kanyang mga nasimulan sa Maynila. Walang masama…

Read More