AGAD binawian ng buhay ang isang lady presiding judge ng Manila Regional Trial Court (RTC) matapos barilin ng kanyang chief clerk of court na kalaunan ay nagbaril din sa sarili sa loob mismo ng kanilang tanggapan sa ikalimang palapag ng Manila City Hall, sa Ermita, Manila hapon ng Miyerkoles. Bagaman naisugod pa sa Manila Doctors Hospital ay hindi rin naisalba ang buhay ni Manila RTC Branch 45 Presiding Judge Maria Theresa Abadilla dahil sa tama ng bala sa katawan. Nasawi rin ang suspek na si Atty. Amador Rebato, 42, na…
Read MoreMonth: November 2020
Ikinasa ng PNP-NCRPO OPLAN LITIS VS POLICE SCALAWAGS
INIHAYAG ni bagong talagang Philippine National Police-National Capital Regional Police Office (PNP-NCRPO) chief P/BGen. Vicente Danao na may paglalagyan sa kanyang pamumuno ang mga balatubang pulis o police scalawags. Inihayag ni BGen Danao kahapon sa kanyang unang araw ng panunungkulan bilang NCRPO chief, na istrikto niyang ipatutupad ang kanyang programang “OPLAN LITIS” na ang ibig sabihin ay linisin o litisin ang mga iskalawag na miyembro sa hanay ng pulisya. Babala pa ni Danao sa mga pasaway na pulis na magbago na at huwag nang hintayin na sila ay mahuli dahil…
Read More2 TULAK NABITAG NG MARIKINA COPS
WALANG kawala ang dalawang hinihinalaang drug pusher matapos na maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Block 16-69, Ampalaya Street, Brgy. Tumana, Marikina City. Kinilala ang mga suspek na sina Mabeth Fernandez y Sta. Ana alyas “Fujiko,” 32, at Jovito Jogno y Sevidal alyas “Jojo,” 46-anyos. Batay sa imbestigasyon ng Marikina PNP, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Marikina City Station Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. Nakuha sa mga suspek ang 20 pirasong plastic sachet hinihinalaang shabu na tumitimbang ng 25…
Read MoreCAREGIVER LUMIPAD SA CONDO, PATAY
PALAISIPAN sa mga awtoridad kung nahulog o sadyang nagpatihulog sa condominium ang isang 53-anyos na caregiver nitong Miyerkoles sa Tondo, Manila. Basag ang bungo ng biktimang si Victoria Salandron, caregivert sa Great Link condominium sa #1221 Mayhaligue St., Tondo. Batay sa ulat ni Det. Arvin Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-5:40 ng umaga nang mangyari ang insidente mula sa ika-8 palapag ng nasabing condominium sa nabanggit lugar. Isang Edison de Los Reyes, 21, ang nagbigay ng salaysat sa pulisya na umano’y natutulog siya sa harap ng gusali nang…
Read MorePET muling naglabas ng gag order vs BBM, Leni 110M PINOY DEHADO SA ‘NEWS BLACKOUT’
NELSON S. BADILLA WALA nang mababalitaan ang tinatayang 110 milyong Pilipino hinggil sa mahigit apat na taong kinukuwestyong pagkapanalo ni dating kongresista Maria Leonor “Leni” Robredo bilang pangalawang pangulo ng bansa noong halalang 2016 makaraang maglabas ng panibagong kautusan ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na nagpapatigil sa “parties” sa protestang elektoral ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na talakayin ito sa publiko. Inilabas ng PET ang utos nitong Nobyembre 10, isang araw makaraang maghain ng magkahiwalay na mosyon si Marcos at ang Office of the Solicitor General (OSG) na…
Read More2 TAONG MORATORIUM SA UTANG NG LGUs, APRUB
INAPRUBAHAN ng House committee on banks and financial intermediaries ang panukalang batas na magbibigay ng dalawang taong moratorium sa mga utang ng Local Government Units (LGUs). Walang tumutol nang isalang sa botohan ang House Bill 6900 o LGU (Local Government Unit) Loan Moratorium Act” na inakda ni Navotas City Rep. John Reynald Tiangco sa nasabing komite na pinamumunuan ni Quirino Rep. Junie Cua. Ginawa ang nasabing panukala upang magkaroon ng sapat na panahon ang LGUs na magrekober sa pandemya sa COVID-19 kung saan apektado rin ang income ng mga ito…
Read MoreJEEPNEY MODERNIZATION KONTRA SA KONSTITUSYON
INIREKLAMO ng samahan ng mga tsuper at opereytor ng dyip sa Korte Suprema ang programang “jeepney modernization” ng administrasyong Duterte. Sa kanilang petisyong inihain, hiniling ng Bayyo Association Inc., sa pangunguna ng pangulo nito na si Anselmo Perweg, na ipatigil ang programa na nakasaad sa Department Order No. 2017 – 11 dahil nilabag nito ang Konstitusyon ng bansa. Ani Perweg, ang D.O. 2017-11 ay lumabag sa karapatan ng mga tsuper ng dyip na magkaroon ng legal na propesyon at kumita sa pamamagitan ng pagmamaneho ng dyip na isang pampublikong sasakyan.…
Read MoreGOBYERNO UUTANG NG $300-M PAMBILI NG COVID VACCINE
HIHIRAM ang gobyerno ng Pilipinas ng $300 million para bumili ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Martes ng gabi ay sinabi nito na prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan ang mahihirap. “[Finance Secretary Carlos Dominguez III] says that he can borrow money of $300 million plus… Makapamili tayo but I think it would do as well to also realize that unahin talaga nila (vaccine manufacturers), ‘yung mga tao nila,” ayon sa pangulo. “Sa ngayon, magbili ka. Mahal. As I have promised,…
Read MoreKLASE, TRABAHO SUSPENDIDO SA BAGYONG ULYSSES
SINUSPINDE ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa lahat ng antas sa Region II, III, Calabarzon, MIMAROPA, V, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region simula kaninang alas-3 ng hapon. Ito ay nang magsimulang maramdaman ang pagkilos ng bagyong Ulysses. Naglabas ng Memorandum Circular No. 82 ang Malakanyang na may lagda ni Executive Secretary Salvador Medialdea para sa naturang suspensyon. Nakasaad sa MC na inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at bunsod na rin ng patuloy na pagsama…
Read More