CAVITE – Humandusay na walang buhay ang isang 64-anyos na senior citizen makaraang mabundol ng isang truck habang tumatawid sa kalsada sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Elizabeth Macale, hiwalay sa asawa, ng Rosario, Cavite, habang hawak na ng pulisya ang driver ng Hino truck na si Juminit Aborita, 41-anyos. Ayon sa ulat ni Corporal Ahvegail Darang ng Rosario Municipal Police Station, dakong alas-10:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa kalsada sa Marcella St., Bagbag 2, Rosario. Ang labi ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa…
Read MoreMonth: December 2020
39 PA NALAMBAT SA CAVITE
CAVITE – Dinakip ng Cavite police ang isang umano’y miyembro ng Alberto Fernando drug group at 39 iba pa sa ikinasang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Maragondon, Cavite. Kinilala ang arestadong na si Rjhan Asuncion, binata, 26-anyos. ng nasabing lugar. Ayon sa ulat ni Pat. Rolando Periodico Jr., ng Maragondon Municipal Police Station, dakong alas-2:40 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Maragondon MPS sa Brgy. Bucal 2 sa Maragondon, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay Asuncion at nakumpiskahan…
Read MoreDOH, DTI, DOLE PINAGLALABAS NG ADVISORY SA TAMANG PAGSUSUOT NG FACE SHIELD
INATASAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang ahensiya ng pamahalaan na magpalabas ng pinagsamang advisory sa publiko ukol sa tamang paggamit ng face shield sa oras na lumabas na ng bahay kabilang na ang exclusions o exemptions, “as may be appropriate.” Umapela rin ang IATF sa local government units (LGUs) na mag-provide ng regulatory relief assistance, subalit hindi sa pagpapaliban ng pagbabayad sa deadlines…
Read MoreNakaamba sa pagtaas ng covid cases MAS MAHIGPIT NA QUARANTINE SA 2021
MALAKI ang posibilidad na magpatupad ng mas mahigpit na quarantine protocol sa pagpasok ng taon sa iba’t ibang mga lugar sa bansa. Ito’y sa oras na makitang hindi maganda ang Health System Capacity Indicator dahil sa naiuulat na unti- unting pagsipa ng kaso ng COVID-19. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, may ilang mga lugar na palapit na nang palapit sa moderate ang estado ng Health System Capacity gaya ng Region 10, Region IV-A, Region 2 gayundin ang CAR. Kaya ang paalala ni Sec. Roque, kapag umabot sa critical ang…
Read MoreAbogado, hukom, doktor ang target ngayon ASSASSINS PINALAKAS NI DUTERTE – SOLON
BERNARD TAGUINOD LUMAKAS ang loob ng mga assasssin dahil sa ‘culture of violence” ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang inihayag ni Albay Rep. Edcel Lagman sa gitna ng magkakasunod na patayan sa bansa kung saan kabilang sa mga huling biktima ay abogado at doktora. “Whatever are the motives and whoever are the assailants, the rampant and brazen killings of lawyers, media practitioners, politicians, physicians, and ordinary citizens are the result of the culture of violence wittingly created by the Duterte administration,” ani Lagman. Ayon sa mambabatas, maraming pagkakataon na nai-rekord…
Read MoreMALAKANYANG DEDMA SA IRINGANG DUQUE AT LOCSIN
PARA sa Malakanyang, walang bearing kay Pangulong Duterte kung may namamagitan mang conflicting opinion sa pagitan nina DFA Secretary Teddy Boy Locsin at DOH chief Francisco Duque III. Ito’y sa gitna ng “dropped the ball” tweet ni Locsin na patama sa isang opisyal ng pamahalaan na naging dahilan para maunsiyami umano ang pagkakaruon na sana ng Pfizer covid vaccine ng Pilipinas. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, mag-away na ang lahat kung gusto nila pero malinaw naman aniya ang posisyon ni Pangulong Duterte na iisa lang ang itinalaga niyang mangasiwa…
Read More3 HOLDAPER NAPATAY SA QC
INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Danilo P. Macerin ang pagkakapatay sa tatlong hinihinalang mga holdaper at karnaper makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU), sa pamumuno ni P/Maj. Sandie Caparroso, at Batasan Police Station (PS-6), sa pamumuno ni P/Lt. Col. Romulus Gadaoni, nitong Biyernes ng umaga sa Quezon City. Ayon sa report, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nitong Biyernes, binabagtas ng biktimang taxi driver ang Batasan Hills, Commonwealth, Quezon City nang dalawang hindi kilalang lalaki ang sumakay at nagpahatid sa Fairview…
Read MoreCovid positive nag-party, nakapanghawa COMPOUND SA QC, NI-LOCKDOWN
MAKARAANG alisin ang lockdown sa ilang mga lugar, ang Quezon City local government ay inanunsyo na isang compound sa Brgy. Tandang Sora ang isinailalim sa special concern lockdown. Ang special concern lockdown areas ay ang tinukoy na mga kalye o compound na may kumpol ng mga kaso at pahirapan sa pagpapatupad ng quarantine protocols. “We had to place this area under lockdown so as to stop further infections. From an index case, she has infected more people because of a social gathering,” ani Mayor Joy Belmonte. Ang itinuturing na index…
Read More24/7 sa Quezon City MINORS BAWAL PA SA PUBLIC PLACES
IPINAGBABAWAL pa sa mga pampublikong lugar sa Quezon City ang menor de edad, nag-iisa man o may kasamang nakatatandang nagbabantay sa kanya, nang walang dahilan, para protektahan sila mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang pagbabawal sa mga menor de edad sa pampublikong lugar ay ipatutupad matapos aprubahan ni Mayor Joy Belmonte ang Ordinance No. SP-2985, S-2020, o ang “Quezon City Special Protection of Children against COVID-19,” na direktang tumutukoy sa below 18 years old, dapat na manatili sa kanilang mga bahay sa tinaguriang “Children Protection Hours” o 24 oras…
Read More