DOH, DTI, DOLE PINAGLALABAS NG ADVISORY SA TAMANG PAGSUSUOT NG FACE SHIELD

INATASAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang ahensiya ng pamahalaan na magpalabas ng pinagsamang advisory sa publiko ukol sa tamang paggamit ng face shield sa oras na lumabas na ng bahay kabilang na ang exclusions o exemptions, “as may be appropriate.”

Umapela rin ang IATF sa local government units (LGUs) na mag-provide ng regulatory relief assistance, subalit hindi sa pagpapaliban ng pagbabayad sa deadlines para sa local government business fees, sa micro, small, and medium business establishments.

“Abovementioned business establishments were those which were not permitted to operate or adversely affected by the restrictions imposed under the different community quarantine classifications,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Ang IATF, sa ika- 89 na miting nito ay pinayagan ang re-entry ng foreign nationals sa Pilipinas na may valid at existing visas sa ilalim ng Section 9(e) at 9(g) ng Commonwealth Act No. 613, gaya ng naamiyendahan, na kasalukuyan nang nasa bansa at aalis ng bansa simula Disyembre 17, 2020.

Dahil dito, inatasan ang Bureau of Immigration na magpalabas ng guidelines para ipatupad ang IATF resolution on foreign nationals.

o0o

TAO NG PNOY AT ARROYO
ADMIN IPAPASOK SA TRB

NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kumuha ng mga ipapalit na tao sa Toll Regulatory Board mula sa mga tauhan ng dating administrasyon.

Ito’y matapos ihayag ng pangulo na nais niyang mapalitan na lang ang mga taga-TRB dahil sa pagiging incompetent.

Sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang pakialam kung ang kunin niya mang pamalit sa mga matatanggal sa TRB ay mga nakapaglingkod sa panahon ng Aquino o Arroyo Administration.

Ang importante aniya ay may karanasan sa pagpapatakbo at hindi lang basta nakapag-take oath nang hindi naman pala alam kung paano ang pagiging regulator.

Giit ng pangulo na hinding-hindi niya matatanggap ang incompetence lalo’t ang bagsak o sumasalo ng sisi ay nasa kanilang nagtitimon sa bansa. (CHRISTIAN DALE)

137

Related posts

Leave a Comment