Abogado, hukom, doktor ang target ngayon ASSASSINS PINALAKAS NI DUTERTE – SOLON

BERNARD TAGUINOD

LUMAKAS ang loob ng mga assasssin dahil sa ‘culture of violence” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Albay Rep. Edcel Lagman sa gitna ng magkakasunod na patayan sa bansa kung saan kabilang sa mga huling biktima ay abogado at doktora.

“Whatever are the motives and whoever are the assailants, the rampant and brazen killings of lawyers, media practitioners, politicians, physicians, and ordinary citizens are the result of the culture of violence wittingly created by the Duterte administration,” ani Lagman.

Ayon sa mambabatas, maraming pagkakataon na nai-rekord ang pang-eengganyo at pagsuporta aniya ni Duterte sa extrajudicial killings (EJKs) kaya palakas nang palakas ang loob ng mga killer.

Inihalimbawa ng mambabatas ang pahayag umano ni Duterte noong nangangampanya pa lamang ito na papatay siya ng 100,000 kriminal at ipakakain sa isda sa Manila Bay.

“A few days after being sworn into office in July 2016, he literally gave police officers the license to kill when he told them he would pardon them if they killed drug dealers and addicts: “Do your duty, and if in the process you kill 1,000 persons… I will protect you.” Ani Lagman.

Noong Marso 2017 aniya sa Cebu, sinabi umano ni Duterte na hindi tao ang mga kriminal at idinugtong umano nito na “….When you kill criminals, it is not a crime against humanity. The criminals have no humanity, goddamn it”.

Sinabi rin aniya ni Duterte noong September 2017 na kung nakapatay si Adolf Hitler ng 3 million Jews, “…I’d be happy to slaughter them. At least if Germany had Hitler, the Philippines would have me.”

“Only this month on December 3, 2020, the President himself stated without ambiguity and remorse that he does not care about human rights and that, “The game is killing…I say to the human rights (defenders), I don’t give a shit with you. My order is still the same,” pahayag ni Lagman patungkol sa isa umano sa mga statement ng pangulo.

 

HINDI TATAHIMIK

Samantala, hindi tatahimik ang mga progresibong organisyon kahit panay umano ang banta sa kanila ni Pangulong Duterte.

Ito ang tiniyak ng Makabayan coalition matapos ang huling banta ni Duterte sa kanilang organisasyon partikular na kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.

“Threats will not deter us from speaking out,” ayon kina dating Reps. Rafael Mariano at Liza Maza na kabilang sa mga gabinete ni Pangulong Duterte noong 2016.

Hindi inaprubahan sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si Mariano kaya tinanggal ito bilang secretary ng Department of Agrarian Reform (DA) habang si Maza ay dating chairperson ng Anti-Poverty Commission subalit kumalas nang suspendihin ng pangulo ang peace talks sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ayon sa dalawa na dati ring mambabatas, patuloy umanong magsasalita ang kanilang organisasyon laban sa mga maling polisiya ng gobyerno, paglala ng kahirapan at paglabag sa karapatang pantao.

Hindi rin umano tatahimik ang mga ito sa usapin ng pagbili ng gobyerno ng bakuna na nangangamoy sa katiwalian at kabiguan ng administrasyon na makontrol ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa kaya lalong nalugmok ang mga Pilipino sa kahirapan.

Gayunpaman, aminado ang nasabing grupo na nangangamba ang mga ito sa kanilang kaligtasan lalo na kay Zarate na direktang binantaan umano ni Duterte.

“We condemn the direct threats made by Pres. Duterte against Bayan Muna Rep. and Deputy Minority Leader Carlos Zarate: “Ikaw Zarate, magbantay ka.” Such a pronouncement by no less than the president and commander-in-chief cannot be taken lightly, in view of the worsening attacks on human rights defenders, including arbitrary arrest and detention on trumped up charges, as well as brazen extrajudicial killings, following their red-tagging by the security sector,” ayon pa sa mga ito.

131

Related posts

Leave a Comment