Covid positive nag-party, nakapanghawa COMPOUND SA QC, NI-LOCKDOWN

MAKARAANG alisin ang lockdown sa ilang mga lugar, ang Quezon City local government ay inanunsyo na isang compound sa Brgy. Tandang Sora ang isinailalim sa special concern lockdown.

Ang special concern lockdown areas ay ang tinukoy na mga kalye o compound na may kumpol ng mga kaso at pahirapan sa pagpapatupad ng quarantine protocols.

“We had to place this area under lockdown so as to stop further infections. From an index case, she has infected more people because of a social gathering,” ani Mayor Joy Belmonte.

Ang itinuturing na index case ay isang empleyada ng government agency na may ilang kaso ng COVID-19 cases, at nakaranas ng mga sintomas sa unang linggo ng Disyembre.

Sa kabila ng nararanasang mga sintomas, nagdiwang ng kanyang kaarawan ang biktima kasama ng mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan sa kanilang compound.

Siya ay naging positibo sa isinagawang testing para sa COVID-19 noong Disyembre 9.

Umabot sa 81 individuals ang naitalang naging close contacts ng biktima, kabilang ang isang buntis, pitong senior citizens at anim na menor de edad.

Habang sa 44 individuals na na-swab test, sampu sa mga ito ang naging positibo na nagdulot ng alarma at dahilan ng implementasyon ng special concern lockdown sa kanilang lugar.

Ang iba pang naging close contacts na isinailalim sa testing ay kasalukuyan pang hinihintay ang resulta.

“This is a perfect example of why it is important not to engage in any social gathering such as parties and reunions because one can get infected just by co-mingling with a symptomatic individual,” pahayag pa ni Mayor Belmonte. (JOEL O. AMONGO)

145

Related posts

Leave a Comment