CAVITE – Humandusay na walang buhay ang isang 64-anyos na senior citizen makaraang mabundol ng isang truck habang tumatawid sa kalsada sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktimang si Elizabeth Macale, hiwalay sa asawa, ng Rosario, Cavite, habang hawak na ng pulisya ang driver ng Hino truck na si Juminit Aborita, 41-anyos.
Ayon sa ulat ni Corporal Ahvegail Darang ng Rosario Municipal Police Station, dakong alas-10:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa kalsada sa Marcella St., Bagbag 2, Rosario.
Ang labi ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa Salinas Funeral. (SIGFRED ADSUARA)
