HINATULAN ng anim (6) na buwang pagkakakulong at multang 120,000 pisong halaga ni Judge Allan B. Ariola ng Pasay City Metropolitan Trial Court ang isang wildlife smuggler na kinasuhan ng Bureau of Customs noong nagdaang taon. Ang nasabing wildlife smuggler ay napatunayang guilty sa pagi-import ng 757 piraso ng Tarantulas na paglabag sa Section 27 ng Republic Act No. 9147 o mas kilala bilang Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001 at Section 1401 na may kaugnayan naman sa Section 117 ng Republic Act No. 10863 o mas kilala…
Read MoreMonth: December 2020
TRAINING NG MGA ATLETA SA 2021 TOKYO OLYMPICS PWEDE NANG IBALIK
MAAARI nang mag-resume ng pagsasanay ang mga atleta na lalahok sa 2021 Tokyo Olympics. Ito, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay sa pamamagitan ng bubble set-up upang masiguro na ligtas sila sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Sec. Roque na nitong Lunes nang pumayag ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa request ng Philippine Olympic Committee kaugnay sa pagpapatuloy ng pagsasanay. “[T]he conduct of the training in a ‘bubble-type’ setting shall be made in coordination with the Regional Task Force where the…
Read MoreBanat ng multisectoral group kay PBA party-list rep. Nograles SAGABAL SA NAIA REHAB
“NO-GRALES, No Progress.” Ito ang sigaw ng Kapatirang Isip Malaya, o KAISMA sa umano’y panghaharang ng isang kongresista sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Kalat sa social media ang PBA Party-list representative na si Jericho Nograles na ginagamit umano ang kanyang posisyon upang siraan at pigilan ang pag-unlad ng proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbuo ng isang world class International airport para sa Maynila bilang “premier” gateway ng bansa. Ang KAISMA ay nagpahayag ng kanilang galit at tinawag na “Anti-progress” at “Anti-Filipino” ang mambabatas pati na rin…
Read MoreICC nakakita ng basehan sa reklamo CRIMES AGAINST HUMANITY SA DRUG WAR NI DIGONG
IKINATUWA ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang resulta ng preliminary examination ng International Criminal Court (ICC) na may basehan ang crime against humanity sa giyera ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra droga. “We are vindicated,” ani Zarate kaugnay ng pahayag ng ICC na “there is a reasonable basis to believe that the crimes against humanity of murder, torture and the infliction of serious physical injury and mental harm as other inhumane Acts were committed on the territory of the Philippines”. Nangyari umano ang krimen sa giyera ni Pangulong Duterte…
Read MoreGURO, ESTUDYANTE DELIKADO SA FACE-TO-FACE CLASSES
NAGBABALA si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go sa panganib hindi lamang sa mga estudyante kundi maging sa mga guro at iba pang tao kung tuluyan nang bubuksan ang mga eskwelahan. Ginawa ng senador ang pahayag kasunod ng approval ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad na ang pilot implementation ng face-to-face classes sa mga low risk areas sa susunod na buwan. “Pilot lang po yun, pinaaprubahan ito ng ating Secretary of Department of Education. Susubukan nila sa low risk area. Dapat with consent po ng local government units. may consent ng…
Read MoreSa lahat ng public places PAGSUSUOT NG FACE MASK, FACE SHIELD MANDATORY NA
REQUIRED na ngayon ang mga mamamayang Pilipino na magsuot ng face mask at face shield kahit saan man sila magpunta o sa oras na lumabas na sila ng kanilang bahay. Layon kasi ng pamahalaan na pabagalin ang pagkalat ng COVID-19 ngayong holiday season. Ang anunsyong ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matapos magpulong ang policy-making Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). Matatandaang, ang ni-require lamang ng pamahalaan ay ang pagsusuot ng face shield sa loob ng establisimyento. Samantala, hinikayat ng OCTA Research ang national…
Read MoreMuling kinapitan ng virus MALABON COVID SURVIVOR, NAMATAY
BINAWIAN ng buhay noong Disyembre 14 ang isang pasyenteng unang naitalang gumaling sa COVID-19 makaraang muling kapitan ng virus sa Brgy. Tonsuya, Malabon City. Sa kabuuan ay umabot na sa 226 ang bilang ng mga namamatay sa lungsod dahil sa pandemya Ayon sa City Health Department, 12 naman ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 5,992 na ang positive cases sa lungsod at 86 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso ay naitala mula sa Barangays Ibaba (4), Panghulo (1), Potrero (6) at San Agustin (1). Habang…
Read MoreMANGINGISDA MISSING SA LUMUBOG NA BANGKA
LAGUNA – Nawawala ang isang mangingisda habang nasagip ang apat nitong kasamahan makaraang lumubog ang isang fishing boat sa Laguna de Bay sa Calamba City sa lalawigang ito, noong Lunes. Ayon kay Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) head Jeffrey Rodriguez, ang nawawalang biktima ay kinilalang si James Laude ng Barangay Paciano, Calamba City. Nasagip naman sina Florante Obciara, 50, boat operator; Mervin Villapano, 35; Polinar Casipit, 25, at Zaure Denver Norte,11, pawang mga residente ng nabanggit na barangay. Ayon sa ulat, bandang ala-una ng hapon nang pumalaot…
Read MoreCOVID-19 infections tumaas ISABELA PROVINCE ISINAILALIM SA GCQ
ISINAILALIM ng Inter-Agency Task Force ang Isabela province sa mahigpit na lockdown bunsod ng pagtaas ng COVID-19 infections. Ang Isabela province, maliban sa Santiago City, ay isasailalim sa general community quarantine (GCQ) o sa itinuturing na 3rd strictest ng 4 lockdown levels, hanggang Disyembre 31. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito’y base sa kahilingan ng local government ng Isabela dahil sa virus’ attack rate. Ang nasabing lalawigan ay kasalukuyang nasa modified GCQ, itinuturing na “least stringent” ng lockdown levels. Ang Metro Manila at pitong iba pang mga lugar ay…
Read More