HINDI na puproblemahin pa ng mga taong may sakit sa bato na mula sa malalayong probinsiya at mga liblib na barangay kung saan sila kukuha ng pambayad para magpa-dialysis. Ito ay matapos pumirma sa isang memorandum of agreement ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Pitmaster Foundation Inc. para sa isang kasunduan na ipagbibigay-alam ng DILG sa bawat barangay ang libreng dialysis treatment na handog ng nasabing foundation. Ayon kay Pitmaster Foundation Executive Dir. Caroline Cruz, ” ito po ay commitment ng aming grupo na tumulong sa…
Read MoreDay: January 17, 2021
3 SUNDALO PATAY SA ‘NPA AMBUSH’
NALAGASAN ng tatlong sundalo ang AFP Southern Luzon Command nang tambangan ng hinihinalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) nitong Linggo ng umaga sa bahagi ng Banquerohan, Legazpi City, Albay. Ayon sa inisyal na ulat, pawang kasapi ng 31st Infantry Battalion, sa ilalim ng AFP Southern Luzon Command (SOLCOM), na pinamumunuan ni Lt. Gen. Antonio Parlade, ang napatay na mga sundalo. Lumilitaw sa pagsisiyasat, makikipag-ugnayan ang mga sundalo sa kanilang PNP counterpart para sa pagpasok ng heavy equipment ng Sunwest Corporation kaugnay sa gagawing road opening mula sa Barangay…
Read MoreLACSON BINANATAN SI GARBIN
“PATAWARIN uli natin si Cong. Garbin dahil talagang hindi niya alam ang sinasabi niya”. Ito ang reaksiyon ni Senador Panfilo Lacson sa paggamit ni House Committee on Constitutional Amendments chairman Alfredo Garbin Jr. sa isang resolusyon na isinulong ng senador noon pang 17th Congress. Una nito, iginiit ni Garbin na ang pagtalakay sa pagbabago sa Saligang Batas na kanilang ginagawa ay batay sa Senate Resolution 580 na inihain ni Lacson noong Enero 2018. “Under Senate Resolution 580, which I filed in 2018, proposed changes are to undergo the regular lawmaking…
Read MoreREFUND HIRIT NG SENADOR SA VECO
IGINIIT ni Senador Win Gatchalian na kailangang ipag-uutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pag-refund sa ibinayad ng mga consumer sa Visayan Electric Company (VECO) dahil mataas ang naging singil nila sa kuryente. Ayon sa senador, kung mapatutunayan na may mga paglabag na nagawa ang nasabing kumpanya ay dapat itong parusahan ng ERC. Ginawa ni Gatchalian ang panawagan matapos maglabas ng kautusan noong ika-4 ng Enero 2021 ang ERC sa VECO upang ipaliwanag ang mataas nitong singil ng kuryente mula Enero hanggang Oktubre ng nakaraang taon. Sa nasabing 10 buwan,…
Read MoreKOOPERASYON MAHALAGA SA PAGBILI NG LIGTAS NA BAKUNA
NANAWAGAN si Senator Christopher ‘Bong’ Go ng kooperasyon at kolaborasyon sa lahat para maresolba ang mga isyu sa pagbili ng sapat, ligtas at mabisang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa idinaos na hearing ng Senate Committee of the Whole nitong Biyernes, iginiit ni Go sa kaniyang manipestasyon na lahat tayo ay bahagi ng solusyon sa public health issue na ito kaya’t dapat lahat tayo ay may responsibilidad kung nais makarekober mula sa pandemyang ito. Binalaan din niya ang mga nagsasamantala sa kapwa ngayong panahon ng pandemya na maparurusahan…
Read MoreBOMBA NATAGPUAN SA SUBDIBISYON
CAVITE – Isang bomba ang natagpuan sa loob ng isang subdibisyon sa bayan ng Naic sa lalawigang ito. Ayon sa salaysay ni Al Lorenzo Bancolita, security officer, nagsasagawa siya ng roving patrol sa loob ng Echauz Subdivision sa Brgy. Sabang sa Naic, dakong alas-3:00 ng hapon noong Biyernes nang mapansin niya ang isang bomba sa isang bakanteng lote sa lugar. Agad niya itong ipinaalam sa Naic Municipal Police Station (MPS) na siyang nag-report sa Provincial Explosive Ordnance Division (EOD). (SIGFRED ADSUARA) 261
Read MoreAKYAT-BAHAY NAKORNER
HINDI pa man nailalayo ang ninakaw na cellular phone sa loob ng bahay, natimbog agad ang isang 22-anyos na binata nang makahingi ng saklolo sa nagpapatrulyang barangay tanod ang biktima nito sa Parola Compound, Tondo, Manila nitong Sabado ng madaling araw. Nahaharap sa kasong robbery sa ilalim ng Art. 295 ng Revised Penal Code, ang suspek na kinilalang si Jerome Serrano, tambay, ng Gate 52 Parola Compound, Tondo. Desidido namang magsampa ng kaso ang biktimang si Erwin Corran, 33, binata, ng Gate 58, Area H, Parola Compound, Tondo. Base sa…
Read More