NITONG nakaraang Biyernes, ay nakatanggap kami ni katropang Alden Estolas ng report sa aming programang Bantay OFW sa DWDD 1134 KHz mula sa aming Qatar Correspondent na si Joseph Rivera. Inihatid ni ka-tropang Joseph Rivera ang sumbong ng grupo ng mga kababaihan na nasa Qatar na biktima diumano ng Human Trafficking. Ayon sa salayasay ng mga biktima na aking itatago sa mga pangalang Aida, Lorna, Fe, Magdalena, Janet at Alexis, sila ay nakarating sa bansang Qatar na hindi dumaan sa anumang legal na proseso sa Philippine Overseas Employment Adminsitration (POEA).…
Read MoreDay: February 9, 2021
ANO PROBLEMA MO GENERAL PARLADE?
MUKHANG sumosobra na yata sa kalikutan ng kaniyang pag-iisip itong si Army Lt. General Antonio Parlade, ang hepe ng Armed Forces Southern Luzon Command o AFP-Solcom na nakabase sa lalawigan ng Quezon. Hindi lang isa o dalawa na sablay sa pagbanat sa media itong si Parlarde. Sa sobrang gigil mo ay tila baga ‘over-acting’ o OA ka na sa mga hinaing mo sa amin na nasa industriya. Naturingan pa man din na Tagapagsalita itong si Parlarde ng National Task Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Sino ba sa…
Read MoreBata pa lang sangkot na sa nakawan LALAKI ITINUMBA NG TANDEM
RIZAL – Tinambangan noong Lunes ng gabi ng riding in tandem ang lalaking dating nakulong sa Bahay Kalinga dahil sa pagkakasangkot sa pagnanakaw sa kanilang lugar. Kinilala ng Antipolo City Police ang biktimang si Arjay Garcia Padiragao, nasa hustong gulang, ng Barangay Dalig, Antipolo City, Rizal Bandang alas-6:30 ng gabi, habang nagkukumpuni ang biktima ng kanyang motorsiklo sa harap ng kanilang bahay ay bigla siyang pinagbabaril ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo. Agad na dinala sa Rizal Provincial Hospital Annex ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. Nabatid sa Antipolo…
Read MorePEKENG VETERINARIAN ARESTADO
CAVITE – Hindi nakaporma ang isang babaeng pekeng veterinary doctor nang dakmain ng Cavite police sa aktong tinuturukan ng anti-rabies vaccine ang isang aso sa Imus City. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9268 (The Philippine Veterinary Medicine Act of 2004) ang suspek na si Marissa Verino, 57, ng Block 41, Lot 39, Phase 3, ACM Woodstock Homes, Alapan 1-A, Imus City dahil sa reklamo ni Maribel Depayso ng Imus Veterinary Office. Sa ulat ni Pat. Ray Ann Romano ng Imus City Police, nakarating sa tanggapan ng Imus Veterinary Office…
Read MoreNakipagsuntukan sa kapitbahay NALAGLAG SA TULAY PATAY
PATAY ang isang 42-anyos na lalaki nang mahulog mula sa tulay na kahoy habang nakikipagsuntukan sa kanyang kapitbahay sa gitna ng pagtatalo sa Malabon City noong Lunes ng gabi. Hindi umabot nang buhay sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Ruel Asignado, 42, ng #38 C. Arellano St., Brgy. San Agustin habang arestado naman ng nagrespondeng mga tauhan ng Sub-Station 6 ang suspek na kinilalang si Richard Dagumo, 36, helper. Ayon sa imbestigasyon nina P/SMSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Ernie Baroy, naglalakad pauwi ang biktima dakong alas-7:50 ng gabi nang…
Read More616 MOTORISTA, DRIVERS HULI SA QC BIKE LANES
UMABOT sa 616 motorista o mga driver ang nahuli sa Quezon City dahil sa ilegal na paggamit at pagparada ng kanilang sasakyan sa road lanes na nakalaan para sa mga bisikleta sa unang dalawang buwan ng kasalukuyang taon. Ayon sa Bike Lane Apprehension Report na isinumite sa tanggapan ni Mayor Joy Belmonte, 524 lumabag ang nahuli at pinamulta mula Enero 1 hanggang 31, habang ang 94 lumabag ay hinuli mula Pebrero 1 hanggang 6. “Gusto nating igiit sa publiko na ang bike lanes ay para sa mga bike lang. Kung…
Read MoreP38-M FAKE COPPER MASK NASABAT NG NBI
NASABAT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang P38 milyong halaga ng mga pekeng Copper mask sa pagsalakay sa ilang mga tindahan sa lungsod ng Maynila, Pasay City at sa Biñan, sa lalawigan Laguna. Ayon kay NBI Officer-in-Charge Eric Distor, dumulog sa kanilang tanggapan ang mga opisyal ng JC Premiere Business International, ang opisyal na distributor ng Copper mask sa bansa. Humingi ang kumpanya ng tulong upang masawata ang pagkalat ng mga pekeng Copper mask sa lokal na merkado at maging sa online selling platforms. Natukoy sa…
Read MoreGrupo ng riders kay Galvante PMVICs SUSPINDEHIN
NANAWAGAN ang samahan ng mga may-ari ng motorsiklo sa pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) na kagyat nitong isuspinde ang Private Motor Vehicle Inspections Centers (PMVICs) dahil masyadong mataas ang bayarin sa pagpaparehistro ng mga sasakyan. Sa isinagawang kilos-protesta, sa pamamagitan ng motorcade mula University of the Philippines – Diliman hanggang sa tanggapan ng LTO sa East Avenue sa Quezon City, nanguna ang Kapatiran sa Dalawang Gulong (KAGULONG), sa paghahain ng liham sa hepe ng LTO na si Assistant Secretary Edgar Galvante. Nakasaad sa liham ang solidong pagtutol ng KAGULONG…
Read MoreBuwis bago mag-operate ABS-CBN HAHARANGIN NI DUTERTE
“KALOKOHAN” kung pababayaan ng pamahalaan na muling ibalik ang operasyon ng ABS-CBN Corporation kung hindi babayaran ng pamilya Lopez ang buwis na matagal nang utang sa pamahalaan. Ito ang pinakabagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ABS-CBN. Sa kanyang media briefing noong Lunes ng gabi, tiniyak ni Duterte na uutusan niya ang National Telecommunications Commission (NTC) na huwag bigyan ng “permit to operate” ang ABS-CBN. Ang NTC ang mayroong kapangyarihang magbigay ng permiso o lisensya, upang legal na makapagnegosyo ang mga kumpanya ng telebisyon, radyo at telekomunikasyon at hindi…
Read More