(Exclusive Photos By: Jhay Jalbuna) Pray for Myanmar. This is the cry of the different religious organizations who gathered in the International Baptist Church of Manila located in Makati City, in relation to the present situation and chaos going on in Myanmar. They held a candle lighting and offered a prayer for peace and justice. 295
Read MoreMonth: February 2021
PALASYO NAKIRAMAY SA PAGPANAW NI EX-MAYOR GORDON, JR.
IKINALUNGKOT ng Malakanyang ang pagpanaw ni dating congressman at Olongapo Mayor James “Bong” Gordon Jr. noong Pebrero 9 dahil sa cardiac arrest. “As we honor the life of former Mayor Bong Gordon, we express our sincerest condolences to his family, relatives, friends, and loved ones. May his soul rest in happiness and peace,” ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador S. Panelo. Nagsimula ang political career ni Gordon bilang Subic Bay volunteer at Olongapo City councilor. Ang pagiging masigasig at lakas ng loob ni Gordon ang naging pasaporte nito para…
Read MoreECO CHA-CHA OKAY, AMENDMENTS NG POLITIKO NO WAY
SINASANG-AYUNAN ng isang senador ang constitutional amendments ng economic provisions ng Saligang Batas dahil sa kasalukuyang sitwasyong pang-ekonomiya ng bansa. Reaksyon ito ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go kaugnay ng panawagan na amiyendahan ang 1987 Philippine Constitution. Sa kanyang pagdalo sa paglulunsad ng Malasakit Center sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital sa Laoag City, Ilocos Norte nitong Pebrero 11, sinabi ni Go na napapanahon ang charter change sa economic provisions dahil sa pangangailangan na makaakit ng mas maraming foreign investors ngayong bagsak ang ekonomiya ng bansa at maraming Pinoy…
Read MorePNP-NCR TUMANGGAP NG 1 TRUCK NA BIGAS
BILANG pakikiisa sa nakaugaliang paghahatid ng tulong ng kapulisan sa mahihirap na mga residente sa Metro Manila, nagbigay ng sako-sakong bigas ang isang foundation para sa mga ito. Lingid sa karamihan, taon-taon ay naghahatid ng tulong ang PNP-National Regional Command mula sa mga private sector at kontribusyon na rin ng mga pulis para sa mga kapus-palad. Ngayong taon, nagpadala ng isang trak na bigas ang Pitmaster Foundation bilang ambag sa charity drive ng NCRPO sa pangunguna ng kanilang hepe na si Maj. Gen. Vicente Danao. Ani Pitmaster Foundation Executive Dir.…
Read MoreP3K para sa VIP treatment ‘MAYOR’ SA KULUNGAN TIKLO SA KOTONG
CAVITE – Arestado ang “mayor” sa Bacoor City Custodial Center matapos na mabuking sa panghihingi ng P3,000 sa mga dumadalaw sa nakapiit nilang kaanak kapalit ng “VIP treatment,” sa isinagawang entrapment operation. Kinilala ang inarestong suspek na si Jonathan Sumastre, 39, binata, mayor/bastonero sa Bacoor City Custodial Center sa Brgy. Molino 2, Bacoor City, dahil sa reklamo ni Rody Palma, 52, isang preso na may kinakaharap na kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Ayon sa ulat ni Pat. Marco Romero Cupo ng Bacoor City Police,…
Read MoreMVIS IPABUBUSISI RIN SA SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE
IREREKOMENDA ni Senador Grace Poe ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa naunsyaming operasyon ng mga Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs) na pinayagan ng Department of Transportation (DOTr). Sinabi ni Poe na sa ilalabas na committee report ng Senate Committee on Public Services, kukuwestyunin ang delegasyon ng DOTr ng motor vehicle testing sa private entities. “Iyong magiging recommendation namin unang-una ay kung meron ba talagang legal na batayan iyong privatization ng MVIS (Motor Vehicle Inspection System). Ito ba ay naayon sa private emission testing centers under…
Read More2 SENADOR, MAY TAKOT SA PAGBUBUKAS NG MGA SINEHAN
AMINADO sina Senate Majority Leader Migz Zubiri at Senador Grace Poe na nangangamba sila sa desisyon ng Inter-Agency Task Force na buksan na ang ilang establishments upang makabawi na ang ekonomiya. Partikular na pinangangambahan ng dalawang senador ang pagbubukas ng mga sinehan kung saan papayagan ang 50 percent capacity. Sinabi ni Zubiri na ang mas dapat gawin ng gobyerno ay ang madaliin na ang vaccination program rollout para mabigyan na ng katiyakan ang kalusugan ng mamamayan. “Ang akin talaga wag muna 50% capacity nakakatakot pa rin, sa sinehan 50% capacity…
Read MoreBETERANONG SIKLISTA PATAY SA SUV
CAMARINES Norte – Dead on the spot ang isang beteranong siklista nang mabangga ng SUV na minamaneho ng isang lasing na BFP personnel sa bayan ng Daet sa sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ng Daet Police ang biktimang si Roberto Malacas, 56, tinaguriang ‘Pride of Camarines Norte cycling’ at beterano ng Marlboro Tour noong 1980’s at 90’s. Ayon sa report ng Daet police, nakasakay sa kanyang biseklita ang biktima nang masalpok ito ng Toyota Fortuner na minamaneho ni Jo Edward Francisco Mojal, 31, personnel ng BFP-Daet, sa…
Read MoreNoong Chinese New Year MALABON, NAVOTAS NAGTALA NG TIG-ISANG PATAY SA COVID-19
TIG-ISA ng binawian ng buhay dahil sa COVID-19 ang mga lungsod ng Malabon at Navotas noong Pebrero 12, Chinese New Year. “Mula sa 33 noong February 6, naging 80 na ang active cases natin matapos madagdagan ng apat na nagpositibo ngayon. Isa sa kanila ay binawian na ng buhay. Dalawa naman na dating mga pasyente ang gumaling,” ani Mayor Toby Tiangco. “Pagod na po tayo sa pandemya. Gusto na nating mamuhay nang normal kaya siguro marami na ang nagiging kampante at hindi na sumusunod pa sa mga safety measures. Ngunit…
Read More