RIDER PATAY SA HIT AND RUN

LUCENA CITY – Dead on the spot ang isang lalaking nakamotorsiklo makaraang mabangga at takbuhan ng van sa Maharlika Highway sa lungsod na ito, noong Sabado ng gabi. Knilala ng Lucena City Police ang biktimang Rex Tibar Maac, 34-anyos, residente ng Barangay Talipan sa bayan ng Pagbilao. Batay sa report ng Lucena Police, bandang alas-10:20 ng gabi nang salpukin ito ng isang puting van sa tapat ng isang gasolinahan sa Barangay Ibabang Dupay. Matapos masalpok, tumakbo ang van patungo sa direksyon ng bayan ng Pagbilao at iniwan ang naghihingalong biktima.…

Read More

‘PISKAL’ HULI SA EXTORTION

BULACAN – Isang babaeng nagpakilalang piskal sa Office of the Provincial Prosecutors sa Malolos, ang dinakip ng pulisya dahil sa kasong extortion makaraang hingian ng halagang P20,000 ang kapatid ng isang drug suspect kapalit ng kalayaan nito, sa entrapment operation sa Barangay Pulong Bayabas, sa bayan ng San Miguel sa lalawigang ito, noong Sabado. Kinilala ni P/Col. Lawrence B. Cajipe, Bulacan Police director, ang suspek na si Hazel Victoria, nakatira sa Barangay Balite, San Miguel. Nabatid na bandang alas-4:20 ng hapon noong Sabado nang maglatag ng entrapment operation ang San…

Read More

Habang nagpapahinga sa seawall MAG-BFF ITINUMBA SA BASECO

MASUSING iniimbestigahan ng Manila Police District ang motibo ng pagpatay sa magkaibigang bading at babae na pinagbabaril habang nagpapahinga sa dalampasigan sa Baseco Compound, Port Area, Manila, iniulat ng pulisya. Kinilala ang mga biktimang sina Leif Erickson Parama y Dolfo, 29, residente sa Block 2, Baseco Compound, at Jennifer Legazpi, na umano’y dayo lamang sa lugar. Base sa ulat ni Det. Dennis Suba, ng MPD-Homicide Section, bandang alas-3:30 ng hapon noong Sabado nang mangyari ang pamamaril sa seawall ng Block 8, sakop ng Barangay 649, Zone 68 sa Baseco Compound.…

Read More

Walang ebidensiya sa kaso MIYEMBRO NG MEDIA, LABOR LEADER HILING PALAYAIN

NARARAPAT nang palayain ng korte ang isang mamamahayag at lider-manggagawa na dinakip ng mga pulis ilang linggo na ang nakalilipas, dahil ibinasura na ang kanilang mga kaso. Ito ang iginiit ng mga abogado nina Lady Ann Salem at Rodrigo Esparago, na kabilang sa Public Interest Law Center (PILC), at sinabing hindi na dapat pang manatili sa kulungan ang dalawa dahil wala namang sapat at matibay na ebidensya laban sa mga ito. Hiniling ni Atty. Rachel Pastores kay Judge Monique Quisumbing-Ignacio ng Mandaluyong City Regional Trial Court, na maglabas ito ng…

Read More

VIRTUAL MEETING SA COVID VACCINE ISASAGAWA SA CALOOCAN

MAGSASAGAWA ang pamahalaang lungsod ng Caloocan ng Virtual Town Hall meeting on COVID-19 Vaccination Awareness upang maipaliwanag ang mga tamang kaalaman at impormasyon hinggil sa bakuna kontra COVID-19, Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, makakasama sa nasabing webinar sina Dr. Jason Dela Cruz, Infectious Disease Specialist sa San Lazaro Hospital; Dr. Ronald Cantilang, Infectious Disease Specialist; at Dr. Manolito Marciano, head ng COVID-19 team ng Caloocan City Medical Center. “Nais nating masagot ang mga katanungan ng ating mga mamamayan at magkaroon sila ng tamang impormasyon upang mahikayat na magpabakuna. Sa tulong…

Read More

NAPRANING SA ALAK SA SELDA ANG BAGSAK

KALABOSO ang isang lasing na 72-anyos na lolo makaraang magwala at maghamon ng away habang armado ng patalim sa Tondo, Manila noong Sabado ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RO 844 (breach of peace), RO 7498 (drunk and disorderly) at BP 6 (illegal possession of bladed and pointed weapon) ang suspek na si Sergio Jugo y Regunan, jobless, ng #1988 G. Perfecto St., Tondo. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Harry Lorenzo III, station commander ng Manila Police District- Jose Abad Santos Police Station 7, bandang alas-7:30 ng gabi…

Read More

57 nagpositibo sa COVID-19 NAVOTAS ACTIVE CASES, SUMIPA SA 134

BIGLANG sumipa sa 134 ang active COVID-19 cases sa Navotas matapos na 57 ang magpositibo noong Pebrero 13, habang tatlo lamang ang gumaling Ayon kay Mayor Toby Tiangco, simula Pebrero 6 ay pataas na nang pataas ang mga kaso sa lungsod at marami ang nadadagdag na bagong kaso ngunit kakaunti lamang ang gumagaling. “Hanggang maaari, ayaw na po nating maghigpit ulit dahil pare-pareho lang po tayong mahihirapan. Kaya kailangan po natin ang tulong ng bawat isa para mapigilan natin ang pagdami pa ng mga nahahawaan. ‘Wag nating sayangin ang 11…

Read More

CINEMA OPENING TINUTULAN NG METRO MAYORS

TINIYAK ng pinuno ng Metro Manila Council (MMC) na si Parañaque City Mayor Edwin Olivares, sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na aapela sila ukol sa pagbubukas ng mga sinehan sa National Capital Region (NCR) dahil laganap pa rin ang COVID-19 sa rehiyon. Ang pahayag ni Olivares ay reaksiyon sa desisyon ng IATF-EID na buksan na ang mga sinehan at pasyalan, at luwagan ang mga simbahan sa mga tao simula ngayong Pebrero 15 upang makatulong sa pagbangon ng ekonomiya. Tugon pa nito, tinututulan ng…

Read More

NEGOSYO, PAMILYA GAMIT NG TERORISTA SA MONEY LAUNDERING

NATUMBOK ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa pag-aaral nito na ang mga teroristang grupo sa bansa ay gumagamit ng legal na mga negosyo at pamilya ng mga opisyal at kasapi ng nasabing mga organisasyon upang magkaroon ng pera ang nasabing mga pangkat na kalaban ng estado. Bukod dito, ipinadaraan din ng mga teroristang grupo ang kanilang mga pera mula sa maraming bansa patungo sa Pilipinas, sa pamamagitan ng mga “non-stock non-profit organization,” saad sa ulat ng AMLC. Ang AMLC ay ahensiya ng pamahalaan na pangunahing nagpapatupad ng batas laban sa…

Read More