‘PRIORITY’ SA COVID VACCINE TIKLO SA SHABU

HABANG naghihintay na mabakunahan kontra COVID-19, ibinalibag sa selda ang isang 63-anyos na lolo nang makumpiskahan ng umano’y shabu sa Navotas City noong Biyernes ng madaling-araw. Swak sa hoyo si Efren Dela Cruz, ng Lacson St., Brgy. North Bay Boulevard North. Alas-12:20 ng madaling araw, nagsasagawa ng covert patrolling sa kahabaan ng Lacson St. ang mga parak nang maispatan at makumpiskahan ang suspek ng 12 sachet na naglalaman ng 2.1 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P14,280 ang halaga. Bunsod nito, binitbit sa presinto ang suspek na mahaharap sa kasong…

Read More

MOTORSIKLO SUMALPOK SA POSTE, ANGKAS TODAS

PATAY ang isang binata habang kritikal ang kasama nito nang bumangga sa kongkretong poste ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Caloocan City. Kinilala ang namatay na biktimang si Rogelio Hermogenes Purugganan, 28, dental technician, ng #68-C, Karuhatan Road, habang nakaratay naman sa Caloocan City Medical Center dahil sa pinsala sa ulo at katawan si Alemer Ponce, 27, seaman, ng #6106 Santos Compound, Gen. T. De Leon, kapwa ng Valenzuela City. Ayon sa ulat, alas-10:45 ng gabi, minamaneho ni Ponce ang isang motorsiklong ‘for registration’ habang angkas si Hermogenes, at tinatahak ang…

Read More

Epekto ng pandemya 62% NG PINOY LALONG NAPURDOY

BAGAMAN halos 70 porsyento ng mga Pilipino ang naniniwala na nalagpasan na ng bansa ang pinakamasamang epekto ng COVID-19 pandemic, lumalabas naman sa ginawang pag-aaral ng isang survey firm na 62% ng mga Pinoy ang nagsasabing lalong humirap ang kanilang pamumuhay. Ayon sa Social Weather Station (SWS), nasa pito sa sampung Pilipino ang naniniwalang tapos na ang pinakamalalang yugto ng nararanasang krisis dahil sa coronavirus disease 2019. Base pa rin sa survey ng nasabing kumpanya noong Nobyembre, lumalabas na 69% ng mga respondent ang nagsabing “the worst is behind us”…

Read More

Kababaihan nangalampag P30K AYUDA BAWAT PAMILYA

NANGALAMPAG ang grupo ng kababaihan sa pangunguna ng Gabriela party-list group para gisingin ang gobyerno at iprotesta ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain lalo na ang mga gulay, karne ng baboy, manok at iba pa at humirit ng ayuda sa bawat pamilyang Pinoy. Tinawag ng nasabing grupo na Kalampagan ng Kababaihan Kontra Kagutunan ang nasabing protesta kahapon (Biyernes) kung saan nagsuot ang mga ito ng pulang damit bilang simbolo ng kanilang Red Friday Protest. Bukod sa mga palengke tulad ng Nepa-Q Mart sa EDSA, Quezon City at Marikina,…

Read More

Paalala ng Palasyo sa motor vehicle registration MVIS KAILANGAN PA RIN

KAILANGAN pa ring magsumite ng mga private vehicle ng certificate mula sa emission centers o private motor vehicle inspection para irehistro ang kanilang sasakyan. Ang paglilinaw ay inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na huwag gawing mandatory ang MVIS na ang ibig sabihin aniya ay kinakailangan na walang bagong singil o karagdagang singil para sa pagpaparehistro ng mga sasakyan. “Ito po ang naging desisyon ng presidente kung saan ay binalanse ng pangulo ang pinagdadaanan ng ating mga kababayan sa gitna ng krisis na…

Read More

P110M HALAGA NG MEDICAL EQUIPMENT, PPEs IBINIGAY SA DOH

MAHIGIT P100 milyon ang halaga ng medical equipment kabilang ang personal protective equipments (PPEs) ang ibinigay ni Senador Manny Pacquiao sa Department of Health (DOH) bilang tulong sa pagtugon ng pamahalaan sa corona virus 2019 (COVID-19) pandemic. Sa pahayag, sinabi ni Pacquiao na katulong ng Manny Pacquiao Foundation ang Jack Ma Foundation sa pagbili ng naturang kagamitan na ikatlong wave ng kanilang pamimigay ng tulong sa pamahalaan. Pagkatapos mamigay ng medical equipment, agad namang nagtungo si Pacquiao sa Baseco Compound sa Tondo, Maynila upang mamudmod ng ayuda sa mahihirap na…

Read More

CPP member din? PINUNO NG PAMALAKAYA SA CARAGA, INARESTO NG PNP

KINUMPIRMA ni General Debold Sinas na inaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ng North – Eastern Mindanao, ang pinuno ng Pambansang Lakas ng mga Mamalakaya sa Pilipinas (Pamalakaya) sa Rehiyong Caraga, na si Rogelio de Asis. Si De Asis ay inaresto dahil sa kasong murder bunsod ng pagpatay umano kina Datu Bernardino Astudillo at Zaldy Ybañez. Ang PAMALAKAYA ay organisasyong nagsusulong ng pambansang demokrasya para sa Pilipinas upang guminhawa ang buhay ng mga mangingisda at namamalakaya. Inuugnay ng PNP at ng Armed Forces of the Philippines ang…

Read More

MPD NUMBER 1 MOST WANTED, ARESTADO

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District ang isang 31-anyos na helper, sa bisa ng arrest warrant dahil sa kasong murder, nang mamataan ito sa lungsod ng Caloocann noong Huwebes ng gabi. Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa suspek na si Danbert Reyes y Cordova, 21, binata, ng #2101 Lico St., Tondo, itinuturing na no. 1 most wanted sa Maynila. Batay sa ulat ni MPD-Intelligence Section of District Mobile Force Batallion chief, P/Lt. Col. Julius Anoñuevo, bandang alas-10:30 ng gabi nang mamataan si Reyes sa Jacob Industrial Shop…

Read More

NANGHOLDAP SA JEWELLER SA MAYNILA TIMBOG

ILANG araw pa lamang ang nakararaan, natimbog ang isa sa dalawang holdaper na nambiktima ng may-ari ng jewelry shop at tumangay ng halos P1.5 milyong halaga ng alahas at cash sa Claro M. Recto Avenue sa Sta. Cruz, Manila. Sa isinagawang follow-up operation ng mga operatiba ng MPD-Theft & Robbery Section, sa pangunguna ni P/Capt. Jerry Campo, sa tulong ng isang “asset,” natimbog ang mismong nangholdap na kinilalang si Ken Marbella, 45, alyas “Kembot,” residente sa #924 Martinez St., Paso De Blas, Valenzuela City, bandang alas-11:00 ng gabi. Samantala, patuloy…

Read More