NASAKOTE ng mga operatiba ng Makati City Police ang isang 23-anyos na lalaki sa anti-illegal drug operation dakong alas-8:38 ng gabi noong Biyernes sa Cattleya St., Brgy. Rizal, Makati City. Ayon kay SPD Director, P/BGen. Eliseo DC Cruz, ang operasyon ay magkatuwang na ikinasa ng SDEU at SIS operatives sa nabanggit na lugar sa pamamagitan ng isang police poseur buyer na positibong nakabili ng umano’y shabu sa suspek. Kinilala naman ni Makati City chief of police, Col. Harold P. Depositar, ang suspek na Michael Tumaliuan, residente ng No. Block 157,…
Read MoreMonth: February 2021
CAMANAVA ACTIVE COVID CASES, HALOS 1K NA
DALAWA ang patay sa lungsod ng Navotas dahil sa COVID 19 nitong Pebrero 26 at sumirit sa 319 ang active cases, samantalang umalagwa naman sa 347 ang active cases sa Malabon at 287 naman sa Valenzuela para sa kabuuang 953 aktibong kaso sa tatlong lungsod. Nabatid na ang 98 nagpositibo sa isang araw, ang pinakamarami para sa taong ito sa Navotas, samantalang 16 lamang ang gumaling. Kabilang sa mga nagpositibo ang mga kawani ng city hall, kanilang close contacts, at mga nagpapa-test para makapag-apply o makapasok sa trabaho. Umabot na…
Read MorePara walang dead spot sa Valenzuela INTERNET PROVIDERS HINIMOK SA COMMON POLE PROJECT
WALANG puwang ang tinatawag na “dead spot” o lugar na walang signal saan mang lugar sa lungsod sa panahong online classes at work from home setup na ang “new normal,” ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian. Bunsod nito, sa pulong upang lutasin ang isyu ng internet connectivity na matagal nang suliranin ng mga kostumer sa siyudad, hinimok ng alkalde ang internet providers sa lungsod na lumahok sa Common Pole Project. Sa nasabing proyekto, mapapalawak ng internet providers ang kani-kanilang network sa pamamagitan ng pagkakabit ng mga kable sa mga…
Read MorePAGBILI AT PANGANGASIWA SA COVID VACCINES MAPABIBILIS NA
KUMPIYANSA ang Malakanyang na mas mapabibilis na ngayon ang pagbili at pangangasiwa ng bakuna para sa proteksyon laban sa COVID-19. Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021. “We are confident that the signing of this landmark piece of legislation would expedite the procurement and administration of vaccines for the protection against COVID-19. It covers the creation of an indemnity fund to cover compensation for those who would experience serious adverse effects to the vaccine,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Sa katunayan,…
Read MoreSUNDALONG ‘CHOOSY’ MAGBABAYAD SA KANYANG BAKUNA
MAGBABAYAD ang sundalong mamimili ng bakunang ituturok sa kanya. Ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na si Maj. General Edgard Arevalo, pinuno ng AFP Education Training and Doctrine Command bagaman hindi sapilitan ang pagpapaturok ng Sinovac o anomang brand na mayroon sa national stockfile ngunit babalikatin ng sundalong hindi magpapaturok nito ang gastusin kung ibang brand ang nais nila. Ngunit sa kasalukuyan ay imposibleng mamili umano ang mga sundalo dahil bukod sa inaasahang papararting na Sinovac ay wala pang commercially available na bakuna sa bansa. Kasabay nito,…
Read MorePAGPAPAGAMIT NG SINOVAC SA HEALTHCARE WORKERS WELCOME SA MALACANANG
WELCOME sa Malakanyang ang naging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na gamitin ang Sinovac vaccine para sa healthcare workers. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, gaya ng palagi nilang sinasabi sa maraming okasyon, ang mga healthcare worker ay itinuturing na “most critical frontliners” sa pakikipaglaban sa COVID-19. Nananatili rin ang mga ito bilang pinakauna sa priority list para sa pagbabakuna. “The IATF’s approval of the recommendation of the National Immunization Technical Advisory Group and the Department of Health’s Technical Advisory Group is an assurance that the use of Sinovac…
Read MoreCOVID-19 VACCINATION PROGRAM ACT PIRMADO NA NI DUTERTE
TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 o “An Act Establishing the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Vaccination Program Expediting the Vaccine Procurement and Administration Process, Providing Funds Therefor, and for other purposes”. Layon nitong mapabilis ang pagbili ng COVID-19 vaccines at paglalaan ng indemnity fund na P500 million. Makikita sa mga larawan na ipinamahagi ni Senador Bong Go sa media ang pagpirma ng pangulo sa nasabing panukalang batas upang maging ganap na batas. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang dapat ipag-alala ang…
Read MoreNograles sa QCPD-PDEA shootout DAPAT MAY MANAGOT
SINUPORTAHAN ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang inuumang na imbestigasyon ng Kamara hinggil sa shootout sa pagitan ng PNP at PDEA. “How did this happen and how can incidents like these be prevented?” ang nais malaman ni Nograles sa isasagawang imbestigasyon sa Marso 1. Tulad ng marami, dismayado si Nograles sa insidente na ikinamatay ng dalawang pulis at dalawa rin sa hanay ng PDEA at ikinasugat ng iba pa. “Sana’y magkaroon ng liwanag sa isyu. As it is, there are a lot of unanswered questions that could cast…
Read MoreHUWAG MAWALAN NG PAG-ASA
PINAGLALARUAN sa social media ang kapalpakan ng Βgobyerno sa pagbili ng sapat na bakuna laban sa COVID-19 at kung bibigyan mo ng kahulugan ito, ang kanilang pang-aasar sa pamahalaan ay parang nawawalan na sila ng pag-asa. Tulad ng lamang ng mga kumalat na message sa social medial na nagsasabing dumating ang COVID-19 vaccines sa Indonesia noong Disyembre 6, 2020, sa Singapore ay noong December 21, 2020, ΒMyanmar ay January 22, 2021 at Cambodia ay February 7, 2021. Dumating naman ang bakuna sa Laos noong February 8, 2021, sa Β Brunei noong…
Read More