PATAY ang isang 42-anyos na lalaki nang mahulog mula sa tulay na kahoy habang nakikipagsuntukan sa kanyang kapitbahay sa gitna ng pagtatalo sa Malabon City noong Lunes ng gabi. Hindi umabot nang buhay sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Ruel Asignado, 42, ng #38 C. Arellano St., Brgy. San Agustin habang arestado naman ng nagrespondeng mga tauhan ng Sub-Station 6 ang suspek na kinilalang si Richard Dagumo, 36, helper. Ayon sa imbestigasyon nina P/SMSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Ernie Baroy, naglalakad pauwi ang biktima dakong alas-7:50 ng gabi nang…
Read MoreMonth: February 2021
616 MOTORISTA, DRIVERS HULI SA QC BIKE LANES
UMABOT sa 616 motorista o mga driver ang nahuli sa Quezon City dahil sa ilegal na paggamit at pagparada ng kanilang sasakyan sa road lanes na nakalaan para sa mga bisikleta sa unang dalawang buwan ng kasalukuyang taon. Ayon sa Bike Lane Apprehension Report na isinumite sa tanggapan ni Mayor Joy Belmonte, 524 lumabag ang nahuli at pinamulta mula Enero 1 hanggang 31, habang ang 94 lumabag ay hinuli mula Pebrero 1 hanggang 6. “Gusto nating igiit sa publiko na ang bike lanes ay para sa mga bike lang. Kung…
Read MoreP38-M FAKE COPPER MASK NASABAT NG NBI
NASABAT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang P38 milyong halaga ng mga pekeng Copper mask sa pagsalakay sa ilang mga tindahan sa lungsod ng Maynila, Pasay City at sa Biñan, sa lalawigan Laguna. Ayon kay NBI Officer-in-Charge Eric Distor, dumulog sa kanilang tanggapan ang mga opisyal ng JC Premiere Business International, ang opisyal na distributor ng Copper mask sa bansa. Humingi ang kumpanya ng tulong upang masawata ang pagkalat ng mga pekeng Copper mask sa lokal na merkado at maging sa online selling platforms. Natukoy sa…
Read MoreGrupo ng riders kay Galvante PMVICs SUSPINDEHIN
NANAWAGAN ang samahan ng mga may-ari ng motorsiklo sa pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) na kagyat nitong isuspinde ang Private Motor Vehicle Inspections Centers (PMVICs) dahil masyadong mataas ang bayarin sa pagpaparehistro ng mga sasakyan. Sa isinagawang kilos-protesta, sa pamamagitan ng motorcade mula University of the Philippines – Diliman hanggang sa tanggapan ng LTO sa East Avenue sa Quezon City, nanguna ang Kapatiran sa Dalawang Gulong (KAGULONG), sa paghahain ng liham sa hepe ng LTO na si Assistant Secretary Edgar Galvante. Nakasaad sa liham ang solidong pagtutol ng KAGULONG…
Read MoreBuwis bago mag-operate ABS-CBN HAHARANGIN NI DUTERTE
“KALOKOHAN” kung pababayaan ng pamahalaan na muling ibalik ang operasyon ng ABS-CBN Corporation kung hindi babayaran ng pamilya Lopez ang buwis na matagal nang utang sa pamahalaan. Ito ang pinakabagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ABS-CBN. Sa kanyang media briefing noong Lunes ng gabi, tiniyak ni Duterte na uutusan niya ang National Telecommunications Commission (NTC) na huwag bigyan ng “permit to operate” ang ABS-CBN. Ang NTC ang mayroong kapangyarihang magbigay ng permiso o lisensya, upang legal na makapagnegosyo ang mga kumpanya ng telebisyon, radyo at telekomunikasyon at hindi…
Read MoreLeni, Sara, Bong Go supporters kanya-kanyang gimik ATAT PALITAN SI DUTERTE
PINAGMUMUKHANG lame duck at mistulang atat nang palitan ng mga supporter nina Vice President Leni Robredo, Davao City Mayor Sara Duterte at Sen. Bong Go si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ilunsad ng mga ito ang presidential bid ng mga nabanggit na personalidad sa 2022. Ganito ang basa ni House finance committee chairman Joey Salceda sa mga petisyon ng mga supporter ng mga nabanggit na humihikayat sa mga ito na tumakbo sa susunod na presidential election. “My only comment is that it should not lead people to believe that we are…
Read More39 PARTY-LISTS ‘IBABASURA’ NA NG COMELEC
KIKILOS na ang Commission on Elections (Comelec) laban sa mga party-list na hindi pumasa sa pamantayan ng batas hinggil sa sistemang party-list sa bansa. Sa paglilinis ng listahan ng party-list, ginamit at idiniin ng Comelec ang kapangyarihang ibinigay sa kanya ng “Party-List System Act” na nagsasabing awtorisado ang ahensiya na magtanggal o magkansela, ng rehistrasyon ng party-list group kapag hindi nasunod ang mga pamantayan sa sistema nito tulad ng pagkabigong lumahok sa nakalipas na dalawang magkasunod na halalan, o kabiguang makakuha ng dalawang porsyentong boto mula sa kabuuang boto sa…
Read MoreDA, NATAMEME SA PORK HOLIDAY
(NELSON S. BADILLA) MISTULANG natameme ang Department of Agriculture (DA) sa pagkakaisang ginawa ng mga negosyante ng baboy at manok nang marakating sa tanggapan ni Secretary William Dar na malaganap ang pork holiday. Ito’y dahil hindi raw inaasahan ng DA ang pork holiday. Simula kahapon ay maraming palengke ang walang tindang baboy at manok dahil itinuloy ng mga negosyante ang “pork holiday”. Ang pork holiday ang itinapat ng mga negosyante ng baboy at manok sa unang araw ng implementasyon ng Executive Order 124 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte noong…
Read MoreDUTERTE PRIORITY SA BABAKUNAHAN
KASAMA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa priority list para sa COVID-19 inoculation drive dahil sa kanyang edad. Si Pangulong Duterte ay 75 taong gulang na ngayon. “Ang presidente will enjoy priority dahil nga po siya ay senior citizen. Pero siyempre, importante na magbakuna rin siya para sa vaccine confidence. Inaasahan po natin na isa siya sa mga pinakauna,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. “Whether it is done privately or publicly will be his decision,” dagdag na pahayag nito. Hindi naman kasama sa priority list ang pamilya ni Pangulong…
Read More