Security ni DG Villanueva kasama sa shootout QCPD OPS LABAN SA PDEA NINJAS?

(BERNARD TAGUINOD) MAGIGING bahagi ng mga imbestigasyong isasagawa kaugnay ng madugong engkwentro ng mga tauhan ng Quezon City Police District at ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamakalawa ang anggulong ‘sell-bust’ at ang posibilidad na ‘ninja’ o otoridad na sangkot sa droga ang totoong target sa operasyon. Bukod dito, nabatid ng SAKSI Ngayon mula sa isang source na humiling na huwag siyang pangalanan dahil wala siya sa posisyong magsalita kaugnay sa insidente, na nakatalaga umano bilang security ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang isa sa mga kasama sa…

Read More

IMBESTIGASYON SA BI OFFICIALS, IKINASA NI BELGICA

NANGINIG sa takot at nagtago raw sa kanilang opisina ang ilang tauhan ng Bureau of Immigration makaraang may namataan na tatlong ahente ng NBI ang Β­umaaligid sa ahensya na tila Β­nagmamasid umano sa paligid at nagtungo sa Legal Division kung saan may nahuling Liaison officer ng law office na matagal na umanong nakikipagΒ­transakyon sa ilang opisyal ng legal division na nasa 4th floor. Bukod sa mga NBI agent’s ay umugong din na darating ang Director General ng Anti Red Tape Authority na si Atty. Jeremiah Belgica kung kayat dinaga ang…

Read More

BAKIT HUMANTONG SA PATAYAN ANG PNP AT PDEA?

MARAMING mga naglabasan na PUNA sa naganap na barilan sa pagitan ng mga kagawad ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Nababalot ito ngayon ng kontrobersiya at maraming katanungan kung bakit daw humantong sa barilan ang magkabilang panig. Bakit nga ba? Sinasabi ng PDEA sa pamamagitan ni PIO chief Derreck Carreon na ang kanilang operasyon ay legit. Ito naman ang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major Β­General Vicente Danao, “we have a very unfortunate incident that happened. This is a legitimate…

Read More

PGH HINDI ‘CHOOSY’ SA BAKUNA

HANDA ang Philippine General Hospital (PGH) na tumanggap ng kahit anong brand ng coronavirus vaccine. “Kung anoman ang unang bakunang darating ay tatanggapin namin at ang aming batayan sa pagtanggap nito ay ang EUA (emergency use authorization) na ibibigay ng ating FDA (Food and Drug Administration),” ayon kay PGH director Dr. Gerardo Legaspi. “We all know that if the FDA gives any vaccine the EUA, the safety and efficacy are assured,” dagdag na pahayag ni Dr. Legaspi. Nauna rito, sinabi ni Dr. Legaspi na 94% ng PGH personnel ay nagpahayag…

Read More

DEAL SA SINOVAC APRUB SA PALASYO

IKINATUWA ng Malakanyang ang ulat na lumagda ang ilang grupo ng negosyante ng kasunduan sa Sinovac para umangkat ng bakuna. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, wala siyang ideya sa umano’y signing of agreement sa pagitan ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry at Sinovac subalit nakatutuwa aniya itong hakbang. Sa kasalukuyan ay nasa 25 milyon ang vaccine allocation subalit kung mas madaragdagan pa aniya ay mas maigi. Isa rin aniyang welcome development kung mas maraming supply ang makukuha pa sa Sinovac na uubra naman talaga sa pamamagitan…

Read More

PINSALA NG BAGYONG AURING SINURI

PINANGUNAHAN ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang ginanap na 1st quarter meeting ng Caraga Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) noong Miyerkoles, upang masuri ang pinsalang dulot ng Bagyong Auring at alamin din ang kahandaan ng LGUs sa pagpapatupad ng vaccination program ng gobyerno at iba pang kagyat na suliraning pang-lokal. Si Nograles ang Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) na nakatalaga sa Caraga region. Ang pagpupulong, na isinagawa via teleconference, ay dinaluhan nina NSC Deputy Director General Damian Carlos, Agusan del Norte Governor…

Read More

PAGDATING NG SINOVAC SASALUBUNGIN NI PDU30

MAKIKIISA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa welcome ceremony sa pagdating sa bansa ng kauna-unahang awtorisadong COVID-19 vaccine shipment, na donasyon ng gobyernong Tsina. “It’s in his sched,” ang pagtiyak ni Presidential spokesperson Harry Roque sa isang text message. Dahil dito, makikita ang presensiya ng pangulo sa darating na Linggo, Pebrero 28 sa arrival program para sa 600,000 COVID-19 shots mula Beijing-based vaccine maker Sinovac Biotech. Nauna nang sinabi ni Sec. Roque na nais ni Pangulong Duterte na saksihan ang pagdating ng bakuna sa bansa bilang pagpapakita ng pasasalamat sa…

Read More

COVID-19 VACCINATION ACT AGAD PIPIRMAHAN NI DUTERTE

BAGAMA’T hindi siya makapagsasalita para sa pangulo, umaasa naman si Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na agad mapipirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang COVID-19 Vaccination Actof 2021. Sa pahayag, sinabi ni Go na minadali na ng Senado at Kongreso ang panukala kaya umaasa siyang oras na makarating ito sa lamesa ni Pangulong Duterte ay malalagdaan agad. Ipinaliwanag ni Go na hinahanap na rin ng pangulo ang panukala kaya batid niyang hindi aabutin ng ilang oras pagkatapos niya itong mabasa ay mapipirmahan at magiging ganap…

Read More

P10K AYUDA BILL PINAAAPURA

MULING nanawagan si Taguig City Congressman Allan Peter Cayetano at ang mga miyembro ng powerful BTS Balik sa Tao ang Serbisyo sa kasalukuyang liderato ng mababang kapulungan na bilisan ang pagpasa sa kanilang inihaing panukala na magbigay ng P10k ayuda sa mahihirap na pamilya. Ayon sa dating pinuno ng Kamara, nakahanda ang kanilang grupo na tanggalin ang kanilang pangalan sa inihaing bill at hayaang i-adopt na ng House leadership upang sila na ang makipag-usap sa MalacaΓ±ang dahil ang importante ay maihatid ang P10k sa bawat pamilyang Pilipino. Bukod kay Cayetano,…

Read More