PAGDATING NG SINOVAC SASALUBUNGIN NI PDU30

MAKIKIISA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa welcome ceremony sa pagdating sa bansa ng kauna-unahang awtorisadong COVID-19 vaccine shipment, na donasyon ng gobyernong Tsina.

“It’s in his sched,” ang pagtiyak ni Presidential spokesperson Harry Roque sa isang text message.

Dahil dito, makikita ang presensiya ng pangulo sa darating na Linggo, Pebrero 28 sa arrival program para sa 600,000 COVID-19 shots mula Beijing-based vaccine maker Sinovac Biotech.

Nauna nang sinabi ni Sec. Roque na nais ni Pangulong Duterte na saksihan ang pagdating ng bakuna sa bansa bilang pagpapakita ng pasasalamat sa China.

“Pilipino tayo. Tumatanaw tayo ng utang na loob. Sa ating panahon ng pangangailangan, talaga naman iyong kaibigan nating Tsina ang nagpadala ng unang bakuna sa atin,” ayon kay Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

178

Related posts

Leave a Comment