NANGINIG sa takot at nagtago raw sa kanilang opisina ang ilang tauhan ng Bureau of Immigration makaraang may namataan na tatlong ahente ng NBI ang Βumaaligid sa ahensya na tila Βnagmamasid umano sa paligid at nagtungo sa Legal Division kung saan may nahuling Liaison officer ng law office na matagal na umanong nakikipagΒtransakyon sa ilang opisyal ng legal division na nasa 4th floor.
Bukod sa mga NBI agent’s ay umugong din na darating ang Director General ng Anti Red Tape Authority na si Atty. Jeremiah Belgica kung kayat dinaga ang dibdib ng ilang lawyers sa legal division na sila’y ma iimbestigahan sa nangyaring entrapment operation kamakailan.
Dapat din sigurong imbestigahan ni Director ΒBelgica ang talamak na ginagawa umano ng Huayi Group Inc. at mga kasabwat nito sa BI makaraang nagawa nilang Βbaliktarin ang exclusion order ng pitong tsekwa sa NAIA ΒTerminal 1 upang maglabas ang Office of the ΒCommissioner ng Reclusion of Exclusion Order upang makapasok sa bansa ang pitong Chinese nationals na nauna nang Βhinarang ng immigration officers at siningil ng P350k bawat isa taliwas sa Βnaunang usapan na P250k kada ulo.
Bakit kaya nagpatong pa ng P100k ang Huayi sa Pitong Intsik na nagtiis ng anim na araw sa NAIA, mayroon pa kayang opisyal ang member ng Korean o Magkanukorean?
Kaugnay nito, may nagbigay ng impormasyon sa ΒBistador na sangkot din Βumano ang Huayi sa paggamit ng mga pekeng endorsement galing DFA upang makapasok sa bansa ang mga Intsik na fake investors at papasok Βbilang employee ng POGO.
Samantala, Abangan ang ating pasabog kaugnay sa 200 to 300 Chinese Βnationals na nahuli umano noong nakaraang taon ng BI na karamihan ay pinaniniwalaang pinayagang makapagpiyansa
imbes na ipa-deport at Βkumita ng halos 30M ang mga Βsangkot. Sino kaya ang mga nakinabang dito? Abangan!!
Para sa inyong Sumbong at Reaksyon maari ninyo akong itext sa 09158888410.
264 