COVID-19 cases tumaas QC HEALTH PROTOCOLS HINIGPITAN

IPINAG-UTOS ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa city’s health department, law and safety enforcement teams at mga barangay na palakasin ang kanilang pagsisikap sa pagtitiyak na maipatutupad ang lahat ng health protocols laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lahat ng panahon sa buong lungsod. Ang panawagan ni Belmonte ay matapos malaman na ang positive cases ng siyudad ay mabilis na dumarami sa nakalipas na dalawang linggo. “We have observed that the public is becoming lax in taking COVID precautions. But we’d like to remind them that the virus…

Read More

PNP, PDEA, PINAGLARUAN NG DRUG SYNDICATE?

HINIHINALA ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na napaglaruan ng sindikato ng droga ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) na nasangkot sa misencounter sa Quezon City. “Sa suspetsa natin sana naman hindi ito ang totoong nangyari baka they are being played by syndicate. Sila na ang pinag-aaway. Baka diskarte ito ng sindikato,” saad ni dela Rosa. Nanindigan naman ang senador na kapag ganito na ang sistema ng sindikato ay maituturing na epektibo ang kampanya laban sa droga dahil nasasaktan na ang mga…

Read More

KAMPANYA VS ILLEGAL ANTENNAS, REPEATERS PINAIGTING NG GLOBE

ISANG empleyado ng isang third-party contractor ang inaresto kamakailan makaraang tangkaing magbenta ng Globe booster antennas. Dinakip ng mga miyembro ng CIDG Lapu-Lapu PNP, sa pakikipagtulungan sa Globe Security, ang isang technician na inempleyo ng isa sa contractors ng Globe sa isang entrapment operation sa Hoops Dome, Barangay Gun-ob, Lapu-Lapu City, Cebu. Narekober sa suspek ang siyam na booster antennas na tinangka niyang ibenta sa isang undercover cop na nagpanggap na bibili. “We are very serious in our campaign against the use of illegal boosters only to find out that…

Read More

‘Move over Eumir Marcial,’ heto na si Ej Obiena

HUWAG tayong magtaka kung ang ating pole vaulter na si Ernest John Obiena, bukod sa boksingerong si Eumir Marcial, ang lumabas na pinaka-preparadong atletang Pilipinong makapagbibigay ng kauna-unahang gintong medalya sa bansa pagdating ng XXXII Games of The Olympics sa Β­Hulyo hanggang Agosto sa Tokyo. Sa kabila ng Β­pandemyang dala ng COVID-19, linggo-linggo ang kompetisyon sa Β­Europa ng 25-anyos na si Obiena, na humakot ng dalawang medalyang ginto, isang pilak at dalawang tanso sa anim na palarong sinalihan niya. Inilarawan ni Emerson Obiena, tanyag na pole vaulter din noong kanyang…

Read More

HUAYI GROUP BAGYO RAW SA BI?

PITONG Chinese nationals na lumapag sa NAIA Terminal 1 galing China sakay ng China Southern Airlines CZ 3091 noong February 18 taong kasalukuyan ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration. Ayon sa ating reliable source, matapos ang anim na araw na pamamalagi ng Chinese nationals sa Terminal 1 ay binawi umano ng Office of the Commissioner ang reclusion order? Bakit anyare? May bagyo ba na mas malakas pa sa Yolanda ang nakiusap sa Commissioner? Isang Huayi Group Inc. diumano ang umayos sa papel ng pitong Tsekwa upang payagan…

Read More

OWWA ON WHEELS MATAGUMPAY SA REGION 4A

NAPUNO ang basketball court ng bayan ng Victoria sa lalawigan ng Laguna nitong nakaraang Miyerkoles dahil sa ginanap na kauna-unahang OWWA on Wheels na kung saan ay binitbit ni OWWA Region 4A Director Allan Ignacio ang kanyang mga piling mga tauhan upang magbigay ng serbisyo para sa mga OFW at kanilang pamilya. Maaga pa lamang ay dumating na ako sa lugar na pag-gaganapan ng programa dahil talagang excited ako na makita ang mga serbisyong ipagkakaloob sa ating mga OFW. Ibig ko kasing makita ang magiging reaksyon ng mga OFW at…

Read More

HERBERT NAGSIMULA NANG MANGAMPANYA SA QC

MALINAW ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na sa Enero 2022 hanggang Hunyo pa ang “election period”, bagamat mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8 ngayong 2021 ang panahong ibinigay sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa mga tatakbo sa halalang nakatakda sa Mayo 2022. Napakasimple nang itinakda ng Comelec na kayang unawain ng kahit sinong Filipino. Maging ang mga taong hindi mataas ang pinag-aralan nauunawaan ito dahil sinadya ng Comelec na huwag pahirapan ang mga kakandidatong politiko. Ngunit, hindi ko maintidihan si dating Mayor Herbert Bautista na nakapagtapos…

Read More

ESTAFA SA MAGBEBENTA NG COVID-19 VACCINES

NAGBABALA ang Malakanyang laban sa mga posibleng magsamantala at pagkaperahan ang COVID-19 vaccine. Kaya pinaalalahanan ni Presidential spokesperson Harry Roque ang publiko na libre ang bakuna at hindi ito ibinebenta. Aniya, walang bayad ang bakuna sabay panawagan sa publiko na ipagbigay-alam sa kanila ang anomang impormasyon na may nagbebenta ng covid vaccine. Sinuro ni Sec. Roque na kanilang ipaaaresto ang sinomang maniningil kapalit ng bakuna dahil ito’y mahigpit na ipinagbabawal. Tiniyak ni Sec. Roque na babagsak ito sa kasong estafa na kanilang ipupursige laban sa kaninomang magbebenta ng mga paparating…

Read More

SINOVAC DARATING SA LINGGO

INANUNSYO ng Malakanyang na inaasahan nilang darating na sa bansa sa Linggo, Pebrero 28 ang 600,000 doses na COVID-19 vaccines na donasyon ng China’s Sinovac Biotech. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kapag nangyari ito ay kaagad ikakasa ang pag-rollout ng nasabing bakuna, kinabukasan, Marso 1. Ani Sec. Roque, mangangailangan lamang ng isang araw ang pamahalaan para maghanda sa rollout ng bakuna pagdating nito sa bansa. Nauna rito, pinagkalooban na ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang Sinovac vaccine, ito ang pangatlong vaccine manufacturer na…

Read More