MALINAW ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na sa Enero 2022 hanggang Hunyo pa ang “election period”, bagamat mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8 ngayong 2021 ang panahong ibinigay sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa mga tatakbo sa halalang nakatakda sa Mayo 2022.
Napakasimple nang itinakda ng Comelec na kayang unawain ng kahit sinong Filipino.
Maging ang mga taong hindi mataas ang pinag-aralan nauunawaan ito dahil sinadya ng Comelec na huwag pahirapan ang mga kakandidatong politiko.
Ngunit, hindi ko maintidihan si dating Mayor Herbert Bautista na nakapagtapos ng A.B. ΒPhilosophy sa San Beda College at Master in Public
Administration (MPA) sa University of the ΒPhilippines β National College of Public Administration (UP-NCPAG), kung bakit hindi niya inintindi.
Biglang nabalitaan ng mga residente ng Quezon City at netizens ang pag-iikot ni Bautista.
Mayorya sa kanila ang nagalit kay Bautista dahil ang ginawa niya ay maituturing na “ka-epalan”.
Pokaragat na ‘yan!
Ilang araw na ang nakalipas, namataan daw si Bautista na nag-ikot sa ilang barangay sa lungsod.
Walang problema.
Ngunit, kung mga residente ng QC at netizens ang tatanungin natin ay masama ang ginawa ni Bautista dahil mistulang nangangampanya na si Mang Herbert habang mahigpit na Βipinatutupad ng pamahalaang Βlungsod sa lahat ng mga barangay ang batas at mga alituntunin upang matiyak na ligtas ang mga Βresidente mula sa COVID-19.
Sa sobrang galit, binira nila si Bautista ng ganitong mga salita: “Hindi na siya nahiya kay Mayor Joy Belmonte na hirap na hirap at walang tigil sa pagtratrabaho upang makontrol ang pagkalat ng virus”.
Pokaragat na ‘yan!
Ang ikinagalit nang husto ng mga residente at netizens ay kampanya nang masasabi dahil “full-blast” na raw ang larga ni Bautista.
Nababastusan din sila sa mga post ni Bautista dahil bumati raw ito noong “Chinese New Year” na nagsabing mula kay “Mayor Herbert Bautista”.
Natural, nabanas sila dahil hindi magandang idikit niya ang salitang “mayor” sa pangalan niya, samantalang hindi na siya ang alkalde ng QC.
Makaraang maganap ito, mayroon daw tumawag kay Bautista na mataas na opisyal ng pamahalaan na diretsahan siyang pinagsabihan na huwag kamadang epal ang kanyang aksyon sa panahong napakatindi pa ng suliranin ng bansa sa COVID-19.
Sa totoo lang, marami talagang mababanas sa ginawa ni Bautista dahil maling mangampanya siya sa panahong ang prayoridad ng pamahalaan ay siguraduhing mabakunahan ang lahat ng nararapat na bakunahan upang maging ligtas mula sa pananalasa ng COVID-19.
Nag-ikot daw si Bautista habang inilalarga ni Mayor Belmonte ang kanyang 40 proyekto na nakatuon sa COVID-19 at programang baksinisasyon sa mga residente ng lungsod.
Siyempre, hindi kasama si Herbert Bautista dahil hindi na siya alkalde.
Tapos na ang panahon niya.
Kung tutuusin, marami namang proyektong inilunsad si Mayor Belmonte, hindi lang tungkol sa proteksyon at kaligtasan ng mga residente laban sa COVID-19, kundi maging sa iba pang pangangailangan ng mga residente ng QC.
Hindi nga lang ito nababalita dahil bagito at hindi malikhain ang mga tao ni Belmonte sa larangan ng pamamahagi ng balita.
Pokaragat na ‘yan!
Para sa akin, magandang malaman na pinagpapahalagahan ng administrasyon ni Mayor Belmonte ang kaligtasan ng mga residente sa QC laban sa ΒCOVID-19 dahil walang saysay ang pagiging taga-QC niya kung magpapabaya siya sa kanyang mga trabaho, tungkulin at Βobligasyon sa lahat ng mga residente.
Kahit wala na ako sa QC, hindi nawala ang pagmamahal ko rito dahil sa QC ako lumaki.
Sa QC ko tinapos ang Βelementarya at sekondarya.
Nang magkolehiyo ako sa Maynila, sa Barangay Bagong Pag-asa pa rin kami nakatira.
Kaya, hindi lang ako nalulungkot na mistulang namatayan, kundi labis akong nadidismaya kapag nakababalita ako na isang politiko na walang takot at hiya na nangangampanya sa panahong nakatatakot ang virus tulad ng COVID-19.
Kung kampanya na ay pihadong wala tayong pagtatalunan dahil karapatan naman nilang mangampanya.
Tiyak, walang aawat kay Herbert Bautista.
160 