HINDI maaaring gamiting palusot ng mga pasaway ang paggamit sa 2nd home address sa mga lugar na labas sa bubble area para lamang makaiwas sa ipinatutupad ngayong paghihigpit ng pamahalaan. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kailangang matiyak dito kung ano ang 2nd home sa primary residence. Aniya, maaaring ikatwiran na may tirahan ang isang indibidwal o pamilya sa probinsiyang hindi sakop ng bubble area kaya’t ang konsepto ng domicile and resident ang magiging basehan sa naturang argumento. Sa pagkakataong ito aniya ay bibigyang bigat ang pagiging residente lalo na’t…
Read MoreMonth: March 2021
GYMS, SPAS, INTERNET CAFES 2 WEEKS ISASARA
INANUNSYO ni Presidential spokesperson Harry Roque na sarado sa susunod na dalawang linggo ang mga gym, spa at internet cafe. Ani Sec. Roque, alinsunod sa guidelines o alituntunin na ipinalabas ng Department of Trade and Industry (DTI), may kapangyarihan ang mga LGU na isara ang gyms, spas at internet cafes. Sinabi pa ni Sec. Roque na nagbotohan na ang mga Metro Manila (MM) mayor at napagkasundan na isara ang mga nasabing establisimyento na tatagal ng 2 linggo. (CHRISTIAN DALE) 323
Read MorePasok sa pastillas gang at human trafficking BI OFFICIAL BINUKING
UTAK din ng human trafficking na pakana sa Bureau of Immigration (BI) ang mga namuno sa P40 bilyong negosyo ng sindikatong ‘pastillas’ na kumilos sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula 2017 hanggang 2020. Ito ang nasukol ni Senadora Risa Hontiveros mula sa mga ebidensiyang nakalap ng Senate Committee on women, children, family relations, and gender equality hinggil sa human trafficking at raket ng pastillas gang. Sa imbestigasyon ng nasabing komite kahapon, inilatag ni Hontiveros ang mga pangalan ng BI officers “who stamped the passports of her office’s trafficked witnesses”.…
Read MorePAGBUWAG SA IATF TINABLA
IBINASURA ng Malakanyang ang panawagan ng ilang mambabatas na buwagin na ang Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Ginamit na panabla ni Presidential spokesperson Harry Roque ang sinabi ng isang opisyal ng Department of Health (DoH) na ang pagsirit ng COVID-19 cases ay dahil sa presensiya ng bagong coronavirus variants sa bansa. “Tanggapin natin o hindi, nag-mutate ang mga virus at hindi naman siguro kasalanan ng IATF na nag-mutate itong mga virus sa pamamaraan na…
Read MorePinirmahang batas ipinaalala ng solon DIGONG NAKALIMOT SA VAX COMPENSATION
IPINAALALA ng mga mambabatas sa Kamara kay Pangulong Rodrigo Duterte na kasama sa Republic Act (RA) 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 ang pagbabayad sa mga taong magkakaroon ng adverse effect sa covid vaccines. Ginawa nina House committee on constitutional amendment chairman Alfredo Garbin Jr. at ACT party-list Rep. France Castro ang nasabing paalala matapos sabihin ni Duterte na hindi siya magbabayad sa mga maaapektuhan ng bakuna. “Republic Act 11525 mandates the creation of a PHP500-million COVID-19 National Vaccine Indemnity Fund to compensate all individuals who might experience…
Read More“Who wants it can get it” approach pairalin PRIORITY SA BAKUNA PINABABASURA
PABOR ang isang lider ng Kamara na huwag nang hintaying matapos ang mga nasa priority list sa babakunahan, sa halip ay pairalin ang “who wants it can get it” approach upang mas marami ang mabakunahan. Ginawa ni Albay Rep. Joey Salceda ang pahayag dahil mula Pebrero 28 nang dumating ang unang batch ng bakuna ay umaabot pa lamang sa mahigit 309,000 ang nagpabakuna sa hanay ng medical frontliners na numero uno sa priority list ng vaccination program. Malayong-malayo pa ito sa 550,000 na dapat nabakunahan na dahil umaabot sa 1.1…
Read MoreNegosasyon sa water companies pinarerepaso CONCESSION AGREEMENT ANYARE? – SOLON
PINARE-REVIEW sa mababang kapulungan ng Kongreso ang negosasyon sa Concession Agreement ng water concessionaires dahil mistulang nakalimutan na ang nasabing usapin. Sa kanyang resolusyon, inatasan ni Deputy Speaker Bernadette Herrera ang House Committees on government enterprises and privatization at good government and public accountability na magsagawa ng imbestigasyon para alamin kung ano na ang nangyari sa negosasyon sa pagitan ng Department of Justice (DOJ), Manila Water at Maynilad hinggil sa concession agreement sa mga nabanggit na kumpanya ng tubig. “In the interest of ensuring the best services for the Filipino…
Read MoreSTANDOFF SA UNION REEFS MALABO
KUMBINSIDO ang Malakanyang na hindi magiging dahilan para maulit ang 2012 Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc o Panatag) standoff sa naispatan na Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef (Union Reefs) sa West Philippine Sea. Kaugnay ito ng natuklasang higit 200 Chinese maritime militia vessels na namamalaot sa isang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas. Batay sa report ng Philippine Coast Guard, na ipinadala sa National Task Force for the West Philippine Sea, tinatayang 220 maritime militia vessels ng Beijing ang naka-angkla sa Julian Felipe Reef noong March 7. Tiwala si…
Read MoreBAGONG KASO NG COVID-19, BUMABA SA 5,867
MAS mababa ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa huling ulat ng Department of Health (DOH) ngayong Martes. Nabatid na nasa 5,867 ang bilang ng mga bagong kaso. Mayroon namang naitalang 620 na gumaling at 20 ang pumanaw. Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 12.7% (86,200) ang aktibo, 85.4% (578,461) na ang gumaling at 1.92% (12,992) ang namatay. Nitong nakaraang linggo ay pumalo sa halos walong libong kaso ang naitala sa loob lamang ng isang araw. (JESSE KABEL) 152
Read More