STANDOFF SA UNION REEFS MALABO

KUMBINSIDO ang Malakanyang na hindi magiging dahilan para maulit ang 2012 Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc o Panatag) standoff sa naispatan na Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef (Union Reefs) sa West Philippine Sea.

Kaugnay ito ng natuklasang higit 200 Chinese maritime militia vessels na namamalaot sa isang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Batay sa report ng Philippine Coast Guard, na ipinadala sa National Task Force for the West Philippine Sea, tinatayang 220 maritime militia vessels ng Beijing ang naka-angkla sa Julian Felipe Reef noong March 7.

Tiwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na mapipigilan ng matibay na ugnayan ng Pilipinas at China na mangyari muli ang naturang insidente.

“I don’t think so po dahil mayroon po tayong malapit na pagkakaibigan. Lahat naman po ay napag-uusapan sa panig ng mga magkakaibigan at magkapitbahay, ayon kay Sec. Roque.

Samantala, ipinaubaya na ng Malakanyang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkilos sa usapin dahil abala ang gobyerno sa COVID-19 pandemic.

Kinumpirma ni Sec. Roque na naghain na ng diplomatic protest si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin noong Linggo, Marso 21. (CHRISTIAN DALE)

296

Related posts

Leave a Comment