RECTO: MEMBERSHIP NG IATF DAPAT NANG PALITAN

HINILING ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto sa pamahalaan na balasahin at palakasin ang membership ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases dahil may nakikitang senyales na nagloloko ang makinarya laban sa pandemya kaya nanganganib ang bansa. Sa pahayag, sinabi ni Recto na pawang mabilis at mapamuksa ang COVID pero mabagal at pupugak-pugak ang pagkalat ng bakuna kaya hindi lamang dapat mag-change oil kundi pati driver palitan na. “Hindi lang change oil ang kailangan, mukhang change engine na rin,” ayon kay Recto. Sinabi ni Recto na…

Read More

50 KATAO ARESTADO SA SHABU SA CAVITE

CAVITE – Bagama’t mahigpit ang ipinatutupad na general community quarantine (GCQ) at curfew hours, kaliwaan pa rin ang bentahan ng umano’y shabu na nagresulta sa pagkakadakip sa 50 hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang 11 kababaihan, sa magdamagang buy-bust operation sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-3:00 ng hapon noong Lunes hanggang ala-1:30 ng madaling araw nitong Martes sa limang lungsod at anim na bayan sa Cavite. Nanguna ang Bacoor City sa may pinakamaraming bilang ng mga…

Read More

POLICE MAJOR, 4 PA HULI SA PANGINGIKIL

ISANG police major at apat na mga tauhan ang inaresto ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) dahil sa umano’y robbery extortion sa Zamboanga City noong nakaraang Lunes. Kinilala ni PNP Officer-in-Charge Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang inaresto na si P/Major Orlyn Leyte, Officer in-Charge ng Police Station 9, Zamboanga City Police Station at apat nitong mga tauhan na pawang mga miyembro ng PS9 Station Drug Enforcement Unit, na sina PSSgt. Hegenio Salvador, PSSgt. Asser Abdulkadim, P/Cpl. Ismael Sasapan at P/Cpl. Juman Arabani. Ang mga ito…

Read More

UK, SOUTH AFRICA VARIANTS NAITALA SA NAVOTAS

INIHAYAG ng pamahalaang lungsod ng Navotas na may sampung kumpirmadong kaso ng B.1.1.7. o UK variant ng COVID-19 sa lungsod at isa naman ang mayroong B.1.351 o South African variant, ayon sa pinakahuling report ng Department of Health. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, kabilang sa mga lugar na may ganitong mga kaso ang mga barangay ng Bagumbayan South, Daanghari, Navotas East, Navotas West, NBBS Kaunlaran, San Jose at Sipac Almacen. Lahat aniya ng mga pasyente ay naka-isolate na at ang kanilang close contacts ay natukoy at naka-isolate na rin. Sabi…

Read More

6 PA PATAY SA COVID SA CAMANAVA

ANIM ang nadagdag sa COVID-19 casualty sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 22 at lumobo sa 3,667 ang active cases. Sa Caloocan, isa ang patay at 1,029 ang active cases sa nasabing araw, habang umakyat sa 16,458 ang confirmed cases. Sa bilang na ito ay 14,903 na ang gumaling at 526 ang namatay. Isa rin ang patay sa Malabon City, habang 197 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 8,451 na ang positive cases, 919 dito ang active cases. Habang 66 pasyente ang nadagdag sa…

Read More

ACTIVE COVID-19 CASES SA KAMARA, SUMIPA SA 40

UMABOT na sa 40 ang active cases ng COVID-19 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ito ang kinumpirma ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza at sinabing pawang mga empleyado pa lamang ang bilang na ito at hindi kasama sina Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez at Negros Oriental Rep. Jocelyn Limkaichong. Hindi isinama sa bilang sina Romualdez at Limkaichong dahil sa labas ng Batasan umano nagpa-COVID-19 test ang mga ito. “As of yesterday, we have 40 active cases with 6 recoveries. Hindi kasama sina Majo (Romualdez) at Congresswoman Limkaichong. At kung…

Read More

Ginamit sa Camarines Norte gun battle 75 IEDs ng NPA, GALING SA ILLEGAL MINING

NADISKUBRE ng Philippine National Police (PNP) na galing sa minahan ang ginamit na 75 improvised explosive devices (IED) ng pangkat ng New People’s Army (NPA) na nakipag-engkwentro sa mga pulis noong Marso 19. Tinukoy ni Major Gen. Albert Ignatius Ferro, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na sa small-scale illegal mining operations sa Camarines Norte nagmula ang mga materyales sa IED. Ginamit ng mga gerilya ng NPA ang IED sa pakikisagupa sa mga pulis ng lalawigan kung saan limang pulis ang namatay at dalawa ang nasugatan. Dahil sa…

Read More

GLOBE CUSTOMERS NA GUMAGAMIT NG 4G LTE LUMOBO

PUSPUSAN na ang pagkilos ng Globe tungo sa pagtamo ng #1stWorldNetwork kung saan mas maraming customers ang naka-4G LTE na ngayon. Aktibong pinoposisyon ng telco ang 4G bilang bagong pamantayan ng mobile internet sa bansa. Ang paglipat sa mas makabago at mas mabilis na 4G LTE technology ay nagresulta sa pagbaba ng bilang ng mga customer na gumagamit ng 3G technology at 3G data usage. Nagtala ang Globe ng 47.4% pagbaba sa bilang ng mga customer na gumagamit ng 3G mula Mayo 2020 hanggang Enero ngayong taon. Ang 3G ay…

Read More

HETO NA NAMAN ANG CHINA

TALAGANG hindi tumitigil si Chinese President Xi Jinping sa pag-agaw sa ating teritoryo sa West Philippine Sea dahil sa kabila ng pagkondena sa kanilang mga ilegal na ginagawa ay patuloy sila sa pananakop. Puwede nang ituring ang China bilang “modern conqueror” at isa tayo sa mga bansang puntirya dahil alam nilang wala tayong kakayahang lumaban sa kanilang military. Isa din sa posibleng dahilan bukod sa pagkontrol sa highway ng world trade ay alam nilang hindi pa nagagalaw ang yaman ng Pilipinas sa West Philippine Sea kaya gusto nilang bakuran ang…

Read More