6 PA PATAY SA COVID SA CAMANAVA

ANIM ang nadagdag sa COVID-19 casualty sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 22 at lumobo sa 3,667 ang active cases.

Sa Caloocan, isa ang patay at 1,029 ang active cases sa nasabing araw, habang umakyat sa 16,458 ang confirmed cases. Sa bilang na ito ay 14,903 na ang gumaling at 526 ang namatay.

Isa rin ang patay sa Malabon City, habang 197 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 8,451 na ang positive cases, 919 dito ang active cases.

Habang 66 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 7,241 ang recovered patients ng lungsod at 291 ang COVID death toll.

Dalawa naman ang namatay dahil sa pandemya sa Navotas City at pumanhik sa 970 ang active cases matapos na 70 ang nagpositibo at 39 lamang ang gumaling.

Umakyat na sa 7,421 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 6,230 na ang gumaling at 221 ang namatay.

Sa Valenzuela, dalawa rin ang namatay at 749 ang active cases nang 77 ang magpositibo habang 157 ang nakarekober.

Umabot na sa 11,683 ang nasapol ng pandemya sa lungsod. Sa bilang na ito, 10,634 ang gumaling at 300 ang namatay. (ALAIN AJERO)

307

Related posts

Leave a Comment