BANTA KAY MAYOR AQUINO ISINIWALAT SA PRESSCON

NAKAKUHA ng video ang PUNA ng press conference na ipinatawag noong 2018 nang ­napaslang na Calbayog City Mayor Ronald Aquino. Ang presscon ay isinagawa isang araw bago ang 2018 barangay at SK elections. Sa press conference na iyon, isiniwalat na ni Mayor Aquino ang diumano ay banta sa kaniyang buhay. Nang minsan na magtungo siya sa kanilang resort sa ­Calbayog City kasama ang kanyang mga security ay may napansin siyang 6 hanggang 7 sasakyan na nakabuntot sa kanila. Ayon pa sa alkalde nang palabas na siya sa kanilang resort ay…

Read More

HUMAN TRAFFICKING SA BI?

NAPAKALAKING katanungan ba ang isyu hinggil sa human trafficking kung mga opisyal at kawani ng Bureau of Immigration (BI) ang gumagawa ng nasabing krimen? Sigurado akong malaking kuwestiyon na magaganap ang human trafficking sa BI mismo kung ang tatanungin natin ay ang mga taong napakataas ng pagtingin sa naturang ahensiya. Pokaragat na ‘yan! Siyempre, kung mga taong malaki ang pagdududa sa BI ang kukunan natin ng opinyon ay pihadong diretsahan nilang sasabihing talamak ang human trafficking sa BI dahil naniniwala silang mayroon talagang mga opisyal at kawani sa BI na…

Read More

TRABAHO SA KAMARA SUSPENDIDO

DAHIL sa pagdami ng kaso ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila, sinuspinde ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso ang trabaho nito hanggang sa Miyerkoles, Marso 24, 2021. Ito ang memorandum na inilabas ngayong gabi ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza kasabay ng naitala ng Department of Health (DOH) na 8,019 bagong kaso ng COVID-19 nitong Lunes. “With the alarming rise in COVID-19, particularly in the National Capital Region, the House of Representatives is declaring a suspension of work operations until Wednesday, 24 March 2021,” ayon sa memo…

Read More

SPUTNIK V, PWEDE SA SENIORS

MAAARI sa mga nakatatanda o senior citizens na edad 61 pataas ang bakunang Sputnik V laban sa COVID-19. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni FDA director general Usec. Eric Domingo na base na rin ito sa mga clinical trial data na ipinakita ng Gamaleya na isinumite sa kanila. Aniya, kapag dumating sa bansa ang suplay ng Sputnik V, inaasahan nilang maibibigay ito sa mga senior citizen. Bukod dito, maaari ring ibigay ang Sputnik V sa mga may comorbidities tulad ng diabetes at hypertension. Sa kanya umanong naririnig mula kay…

Read More

PAGHARANG SA MGA PRIBADONG KUMPANYA NA BUMILI NG BAKUNA, MASS MURDER – MARCOS

IGINIIT ni Senador Imee Marcos na maituturing na ‘mass murder’ kung itutuloy ng Department of Health ang kanilang draft ng administrative order na nagbabawal sa mga kumpanya ng sin products na bumili ng bakuna laban sa vaccine. Sinabi ni Marcos na kung itutuloy ang administrative order ay nasa milyong indibidwal ang posibleng hindi mabakunahan dahil saklaw nito maging ang mga ordinaryong manggagawa. “Napipikon na ako kasi ang daming mamatay ‘pag hindi nabakunahan. Takot na takot kami, taga-Ilocos, ako we are terrified,” saad ni Marcos. Tinukoy ni Marcos ang malalaking kumpanya…

Read More

CHECKPOINTS ITINODO SA NCR PLUS

NAGLATAG ang Philippine National Police (PNP) ng mga checkpoint sa ilang lugar na kabilang sa tinawag na ‘NCR Plus’ bubbles na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan. Ayon kay PNP Officer Officer in Charge P/Lt General Guillermo Eleazar, istriktong ipatutupad ang may 20 quarantine control point na inilatag ng pambansang pulisya sa boundaries ng NCR Plus Bubble. Ito ay kasunod na rin ng kahilingan ng Department of Interior and Local Government sa PNP na magpatupad ng mahigpit na border checkpoints sa mga saklaw ng NCR Plus bubble…

Read More

Private companies papayagan nang bumili ng bakuna DOH, NTF BUTATA

(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD) TINIYAK ng Malakanyang na makabibili ng COVID-19 vaccines ang lahat ng pribadong kumpanya para sa kanilang mga empleyado. Tugon na rin ito sa mga batikos at reklamo ng ilang sektor kabilang ang mga mambabatas na nagpahayag ng pag-aalala sa diumano’y plano ng Department of Health (DoH) at National Task Force Against COVID-19 na hadlangan ang mga pribadong kumpanya na ang negosyo ay sigarilyo, infant milk formula, softdrinks o soda at alak na makabili ng sariling bakuna. Ani Sec. Roque, batay sa inamyendahang implementing rules and regulations (IRR)…

Read More

DND umalma sa China 220 MILITIA SHIPS PINALALAYAS SA WPS

PINALAGAN ng Department of National Defense at maging ng National Security Council ang panibagong panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas matapos malantad ang presensiya ng umano’y 220 militia ships sa Julian Felipe Reef. “We call on the Chinese to stop this incursion and immediately recall these boats violating our maritime rights and encroaching into our sovereign territory. We are committed to uphold our sovereign rights over the WPS,” pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana. Matapos iparating ng Philippine Coast Guard at National Task Force for the West Philippine Sea…

Read More

Suspek sa pagpatay sa mag-ama DATING PULIS, AMA NABITAG NG PNP-AKG

ISANG dating kagawad ng Philippine National Police at ama nito na may kasong two counts of murder, ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group sa lalawigan ng Camarines Sur. Ayon kay PNP-AKG director, P/Brig General Jonnel C. Estomo, dinakip sa isinagawang law enforcement operation si PO1 Brentboris Ricafranca y Cedilla, alyas “Bimbo,” dating nakatalaga sa PNP-NCRPO, Southern Police District, at ang ama nitong si Pastor Ricafranca y Oaferina, alyas “Junior,” kapwa nakatala bilang most wanted person sa Pasay City. Dahil sa facebook account ng mga…

Read More