TRABAHO SA KAMARA SUSPENDIDO

DAHIL sa pagdami ng kaso ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila, sinuspinde ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso ang trabaho nito hanggang sa Miyerkoles, Marso 24, 2021.

Ito ang memorandum na inilabas ngayong gabi ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza kasabay ng naitala ng Department of Health (DOH) na 8,019 bagong kaso ng COVID-19 nitong Lunes.

“With the alarming rise in COVID-19, particularly in the National Capital Region, the House of Representatives is declaring a suspension of work operations until Wednesday, 24 March 2021,” ayon sa memo ni Mendoza.

Dahil dito, walang session sa Kamara ngayong Martes hanggang Miyerkoles subalit magkakaroon ang mga ito ng sesyon sa Huwebes simula alas-9:00 ng umaga.

Nitong Lunes ay nagkaroon pa ng session ang mga mambabatas kung saan nilimitahan sa 40 katao na kinabibilangan ng 20 kongresista at 20 staff ang mga dumalo.

Mananatiling bukas naman ang Office of the Secretary General, Finance Department, Engineering Department at Office of the Sergeant-at-Arms/Legislative Security Bureau subalit hindi 100% operational kundi skeletal forces lamang.

Noong Huwebes, Marso 18, ay ni-lockdown ang Kamara na tumagal hanggang noong Linggo, Marso 21 dahil pa rin sa pagtaas ng kaso ng COVID-19. (BERNARD TAGUINOD)

200

Related posts

Leave a Comment