PAGHARANG SA MGA PRIBADONG KUMPANYA NA BUMILI NG BAKUNA, MASS MURDER – MARCOS

IGINIIT ni Senador Imee Marcos na maituturing na ‘mass murder’ kung itutuloy ng Department of Health ang kanilang draft ng administrative order na nagbabawal sa mga kumpanya ng sin products na bumili ng bakuna laban sa vaccine.

Sinabi ni Marcos na kung itutuloy ang administrative order ay nasa milyong indibidwal ang posibleng hindi mabakunahan dahil saklaw nito maging ang mga ordinaryong manggagawa.

“Napipikon na ako kasi ang daming mamatay ‘pag hindi nabakunahan. Takot na takot kami, taga-Ilocos, ako we are terrified,” saad ni Marcos.

Tinukoy ni Marcos ang malalaking kumpanya ng tobacco products, mga inuming alcohol, gayundin ng matatamis at infant formula.

Binigyang-diin ng senador na hindi lamang ito maliliit na kumpanya kung hindi napakalalaking korporasyon na handang magbigay ng donasyong bakuna sa publiko.

Umaasa naman si Marcos na tototohanin ni Secretary Vince Dizon ang pahayag na hindi isasama ang AO sa ilalabas na kautusan. (DANG SAMSON-GARCIA)

325

Related posts

Leave a Comment