NANANATILING epektibo ang naunang kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pagkakaroon ng presensya ng tropa ng militar sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19. Sinabi ni Department of National Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi naman binawi ang naturang kautusan. Puwede aniyang mag-request ang alinmang local government unit (LGU) ng back-up sa militar para sa pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine protocols lalo na sa ilang mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng granular lockdown. Sinabi ni Lorenzana, nakahandang umasiste anomang oras ang AFP sa mga…
Read MoreMonth: March 2021
Kaysa tamaan ng covid habang hinihintay ang ibang brand MGA SUNDALO MAGPAPATUROK NA NG SINOVAC
PATULOY na ang pagtaas ng bilang ng mga sundalong gustong magpabakuna laban sa COVID-19. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang mga dating umaayaw na magpabakuna gamit ang Sinovac, ngayon ay gusto nang mabakunahan dahil na rin sa takot sa tumataas na bilang ngayon ng mga kaso ng COVID-19. Kumbinsido si Lorenzana na sa susunod na ilang araw pa ay wala nang tututol mabakunahan sila ng Sinovac. Magkagayunman, hindi aniya nila pinagbabawalan ang mga sundalo at ilan pang mga personnel na pumili ng gusto…
Read MoreTiniyak ng Philippine Genome Center expert PINAS WALA PANG BRAZILIAN VARIANT
TINIYAK ng Philippine Genome Center expert na wala pang Brazilian variant sa Pilipinas. Ito ang iginiit ni Dr. Eva Maria Cutiongco Dela Paz, director ng health program ng UP Phil. Genome Center. Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Dr. Dela Paz na Brazilian lineage ang mayroon sa bansa at hindi covid variant nito. Ang Brazilian lineage, ani Dr. Dela Paz ay sub-type ng virus na galing sa isang common ancestor. Ang variant naman aniya ay tumutukoy sa iba’t ibang pamilya o angkan na nagsanga at nakaipon ng mutations…
Read MoreSa Pulilan-Baliuag Diversion Road BIKE-FRIENDLY LANE, BUKAS NA
PINANGUNAHAN ni Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang final inspection ng newly constructed bike-friendly lane at upgrading ng Pulilan-Baliuag Diversion Road Phase IV sa lalawigan ng Bulacan noong Biyernes. Ang pagbisita at inspeksyon ay isinagawa kasama sina Bulacan 2nd District Congressman Apol Pancho, Usec. Rafael Yabut, DPWH Region III Regional Director Rosseler Tolentino at Bulacan First District Engineering Office District Engineer Henry Alcantara. Ayon kay Villar, ang nasabing 9.6-kilometer bypass diversion road na mayroong dedicated type bicycle lanes, ay makatutulong mabawasan ang overly congested…
Read MoreRIDER SUMALPOK SA BAKOD, PATAY
CAVITE – Patay ang isang 27-anyos na rider nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang kongretong bakod sa Bacoor City sa lalawigang ito. Idineklarang dead on arrival sa St. Dominic Hospital ang biktimang si Vincent Esconde Santander dahil sa matinding pinsala sa katawan. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Francis Mark Cortez ng Bacoor Police, dakong alas-2:30 ng hapon noong Biyernes nang mangyari ang insidente habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at binabagtas ang Evangelista Road sakop ng Brgy. Banalo ng nasabing lungsod patungo sa direksiyon ng bayan ng Kawit.…
Read MoreNPA BULAGTA SA MILITAR SA QUEZON ENCOUTER
QUEZON – Isang miyembro ng rebeldeng New People’s Army ang namatay sa pakikisagupa sa militar sa bayan ng Mauban sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon. Ayon sa Mauban Police, nangyari ang engkwentro sa Barangay Lual Barrio habang nagpapatrulya ang mga miyembro ng 59th IB ng Philippine Army at nasabat ng mga ito ang hindi matiyak na bilang ng mga NPA. Tumagal ng halos 12 minuto ang palitan ng putok bago umatras ang mga rebelde patungo sa bulubunduking bahagi ng nasabing bayan. Ayon sa ulat ng miltar, isang hindi pa…
Read More4 TIKLO SA BATO SA VALENZUELA
TIMBOG ang apat na umano’y drug pusher sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Valenzuela City noong Biyernes. Ayon sa ulat, alas-10:10 ng umaga nang isagawa ang operasyon sa #108 Dulong Tangke, Malinta kung saan nasakote si David Flores, 21, at nakumpiskahan ng tatlong gramo ng shabu na P20,400 ang halaga, P500 buy-bust money at P100 bill. Alas-5:30 naman ng hapon nang dambahin si Elesio Francisco, 35, sa operasyon sa bahay nito sa Bakawan, Dulong Tangke, Malinta, at nakumpiska ang anim na gramo ng shabu na P40,800 ang halaga, P500 buy-bust…
Read More3 TIKLO SA P.5-M SHABU
ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang babae, makaraang makumpiskahan ng P.5 milyong halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Malabon City. Swak sa hoyo ang mga suspek na sina Ferdinand Viray, 49; Kenneth Abrea, 26, at Rhinna Reyes, 27, pawang ng Binangonan, Rizal. Ayon sa ulat, alas-10:00 noong Biyernes ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation sa isang nakaparadang Nissan Urvan sa Honrades St. corner Frugalidad St., Brgy. Tugatog. Dinaluhong ng mga parak ang mga suspek makaraang bentahan ng P10,000 halaga ng shabu…
Read MoreGINANG TIMBOG SA QUIAPO BUY-BUST
NATIMBOG sa inilatag na buy-bust operation ang isang 41-anyos na ginang malapit sa kanyang tirahan sa Quiapo, Manila noong Biyernes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na si Jalila Banggolo y Ayob, residente ng Barangay 384, Quiapo, Manila. Batay sa ulat ni P/Capt. Gil John Lobaton, hepe ng Station Drug Enforcement Team ng Manila Police District-Station 14, bandang alas-10:45 ng gabi noong Marso 12 nang isagawa ang buy-bust operation sa R. Hidalgo St. malapit sa Elizondo St. sa…
Read More