PINANGUNAHAN ni Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang final inspection ng newly constructed bike-friendly lane at upgrading ng Pulilan-Baliuag Diversion Road Phase IV sa lalawigan ng Bulacan noong Biyernes.
Ang pagbisita at inspeksyon ay isinagawa kasama sina Bulacan 2nd District Congressman Apol Pancho, Usec. Rafael Yabut, DPWH Region III Regional Director Rosseler Tolentino at Bulacan First District Engineering Office District Engineer Henry Alcantara.
Ayon kay Villar, ang nasabing 9.6-kilometer bypass diversion road na mayroong dedicated type bicycle lanes, ay makatutulong mabawasan ang overly congested sections ng Maharlika Highway sa magkatabing munisipalidad sa Barangay Tibag sa bayan ng Pulilan patungong Barangay Tarcan sa Baliuag.
Ang kabuuang halaga ng proyekto na nakapaloob sa Build, Build, Build program ng pamahalaang nasyunal na P922 million ang implementasyon ng konstruksyon, ay pamamahalaan ng DPWH Region 3.
Isinagawa ang groundbreaking nito noong 2015, sinimulan ang konstruksyon noong 2016 at pinasinayahan noong May 2019.
Ang alternate four-lane diversion road ay sinimulan sa Pulilan-Calumpit Road halos katabi ng North Luzon Expressway (NLEX) at ang hangganan ay sa Daang Maharlika Highway kung saan umaabot na sa 3,000 motorista ang dumaraan na rito.
Sa initial briefing ni RD Tolentino kay Sec. Villar, ang pagtatayo o konstruksyon ng Pulilan-Baliuag Diversion Road ay nagpagaan nang lubos sa araw-araw na pagbiyahe rito sa pagitan ng nasabing mga bayan at mas napalapit pa sa mga nagnanais na pumunta sa NLEX.
“Without enduring the Maharlika Highway’s busy and constricted intersections, the 9.6-kilometer Pulilan-Baliuag Diversion Road cut travel time between the towns of Baliuag and Pulilan or vice versa from 1 hour to just 30 minutes,” wika ni RD Tolentino.
Nilagyan ang magkabilang gilid ng nasabing diversion road ng bike lanes na reflectorized at metal beam guards, slope protection structures para masiguro ang kaligtasan ng mga dumaraan dito.
“The Pulilan-Baliuag Diversion Road project was nominated as Philippine’s official entry for the MINO Best Project Award – Community Road Category of the Road Engineering Association of Asia and Australasia or REAAA for the project’s social effectiveness and impact, environment friendliness and technical excellence,” pahayag ni Tolentino. (ELOISA SILVERIO)
ROAD PROJECT – Ininspeksyon ni DPWH Secretary Mark Villar kasama ang mga opisyales ng DPWH regional at provincial office ang newly constructed bike-lane at widening ng Pulilan-Baliuag Diversion Road na tinustusan ng P922 milyon ng pamahalaang nasyonal. (Kuha ni ELOISA SILVERIO)
231 
