PRESENSIYA NG MGA SUNDALO SA MGA LUGAR NA MATAAS ANG COVID CASES NANANATILI

NANANATILING epektibo ang naunang kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pagkakaroon ng presensya ng tropa ng militar sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Department of National Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi naman binawi ang naturang kautusan.

Puwede aniyang mag-request ang alinmang local government unit (LGU) ng back-up sa militar para sa pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine protocols lalo na sa ilang mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng granular lockdown.

Sinabi ni Lorenzana, nakahandang umasiste anomang oras ang AFP sa mga LGU at pulis upang mas mahigpit na maipatupad ang health and safety protocols sa layuning mapigilan ang pagkalat ng virus.

Aniya, dati nang rumonda ang ilang military trucks sa Metro Manila lalo na noong kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at bitbit ng mga ito ang loudspeaker upang ipanawagan sa publiko na maging ‘homeliner’ o manatili sa bahay. (CHRISTIAN DALE)

195

Related posts

Leave a Comment