DUTERTE NABAKUNAHAN NA

NAGPABAKUNA na ngayon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa COVID-19. Si Health Secretary Francisco Duque III ang nagbakuna kay Pangulong Duterte ng Sinopharm COVID-19 vaccine, bakunang gawa ng China. Saksi naman si Senador Bong Go sa pagbakuna sa pangulo na 76 taong gulang na. Sa kaliwang bahagi ng braso nagpaturok ng bakuna ang Chief Executive. Dahil dito, matitigil na ang pagtatanong ng publiko kung kailan magpapabakuna ang pangulo na isa na ring senior citizen. (CHRISTIAN DALE) 113

Read More

Pagkilala kay Cito Dayrit bilang lider ng sports

BAWAL magkasakit sa panahon ng pandemya, ayon sa marami. Ang sabi ko naman, ang pumanaw sa gitna ng pandemyang dala ng COVID-19 ay isang ­kakilakilabot na pangyayari. Gaya ng pagpanaw ng isang manlalaro sa gitna ng basketball court, o sa ibabaw ng parisukat na lona sa MGM Grand Arena. Kung ang pagkamatay ay kalunos-lunos sa isang 23 anyos, mas nakalulungkot sa isang 70 taong gulang. Si Celso “Cito” Dayrit, matagal nagsilbing atleta at lider ng sports bilang Pangulo ng Philippine Olympic Committee at commissioner ng Philippine Sports Commission, ay pumanaw…

Read More

SO SINADYA?

ISANG political observer ang nagdududa sa China na pinagmulan ng coronavirus disease 2019. Itinuturing na sila ngayon bilang ground zero dahil halos wala na raw COVID-19 doon sa ngayon. Sabi niya, ang populasyon ng China ay 1.4 Billion. Ang hirap isipin kung papaano na-contain agad ng kanilang gobyerno ang virus na ito na unang sumabog sa Wuhan City. Alam natin na matindi ang censorship sa China. Bawal magsabi ng totoo dahil sinuman ang gagawa nyan, may paglalagyan sila kaya lahat ng mga isinusubo sa atin na impormasyon ay pawang kabutihan…

Read More

ONLINE REGISTRATION SA NATIONAL ID ‘DI MA-ACCESS?

MARAMING natanggap na reklamo ang PUNA sa online registration ng National Identification ng Philippine Statistics Authority (PSA). Nitong nakaraang Abril 30, 2021, Biyernes ay inilunsad ng PSA ang online registration para sa Philippine Identification System (PhilSys). Marami ang sumubok dahil gusto nilang magkaroon ng national ID dahil nabubuwisit na sila na tuwing may transaksyon sila sa iba’t ibang tanggapan lalo na sa gobyerno ay dalawang government issued ID ang hinihingi sa kanila. Buti man lang sana kung pagkapirma nila ng form ay makukuha nila agad ang kanilang ID. Siyam-siyam ang…

Read More

NAPAHIYA SI “DANNY SPUTNIK”

SA buong Calabarzon, hindi malaking palaisipan kung bakit hindi nakasama sa tinawag na “National Capital Region (NCR) Plus” ang Batangas at Quezon, samantalang malaki rin ang suliranin ng dalawang lalawigan hinggil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang nakasama lang sa NCR Plus na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified ECQ (MECQ) ay Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan hindi bahagi ng Calabarzon. Dahil diyan, hindi nakasama sa P22.9 bilyong ayuda ang Batangas at Quezon. Sa pangyayaring ito, napansin ng media ang dobleng dagok na tumama sa Quezon kung saan…

Read More

Bwelta kina Carpio at Del Rosario PINOY NILALAGAY SA PANGANIB SA WPS

DAPAT nang itigil nina Retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at dating Foreign Secretary Albert del Rosario ang ginagawa ng mga itong panlilihis at paglalagay sa panganib sa mga Filipino gamit ang kanilang “illegal” statements ukol sa West Philippine Sea (WPS). Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay tugon sa patuloy na pambabatikos nina Carpio at del Rosario sa maingat at kontroladong pagtugon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng WPS. Hindi naman kaila sa lahat na kinikilala ng pangulo ang ‘territorial and maritime claims’…

Read More

Hamon ng solon sa FDA-DOH KONEKSYON SA BIG PHARMAS ILANTAD

HINAMON ni Deputy Speaker Rodante ang mga health official lalo na ang mga nasa Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) na ilantad kung sino sa mga ito ang may koneksyon sa malalaking pharmaceutical companies para magkaalaman na. “Why shouldn’t FDA and DOH officials undertake disclosures for the public to see who among them have links with Big Pharma (Merk, Pfizer, Biocore, etc) i.e., funding of projects, trips/studies sponsored, research grants and the like,” ani Marcoleta. “Going after the doctors is like killing the messengers,” ani Marcoleta.…

Read More

Bayanihan 3 umusad na sa Kamara P2K NA LANG AYUDA KADA PINOY

(BERNARD TAGUINOD) INAPRUBAHAN na sa committee level sa mababang kapulungan ng Kongreso ang Bayanihan 3 at inaasahang pagtitibayin ito sa plenaryo pagbalik ng mga mambabatas sa kanilang regular session sa Mayo 17. Hindi nangailangan ng mahabang oras ang House committee on social services na pinamumunuan ni Rep. Alfred Vargas at committee on economic affairs ni Aklan Rep. Teodorico Haresco Jr., para aprubahan ang iba’t ibang panukalang batas na nagtutulak ng Bayanihan 3 o Bayanihan to Arise as One Act. “With the Bayanihan 3 approved at committee level, and with the…

Read More

ESPERON IGNORANTE SA WPS – MATULA

BINATIKOS ng Federation of Free Workers (FFW) ang maling impormasyon ni Secretary Hermogenes Esperon Jr. hinggil sa West Philippine Sea (WPS) na pumabor sa China. Ayon sa pangulo nitong si Atty. Jose Sonny Matula, malaking panlilinlang ang pahayag ng national security adviser na si Esperon na hindi kailanman pinahintulutan ng administrasyong Duterte na bakuran ng China ang ilang islang parte ng Pilipinas. Ani Matula, malinaw ang impormasyon ng alkalde ng Pag-asa Island na nakuha na ng China ang Sandy Clay Island dahil nabakuran na ito. Isinusog pa ni Matula, pinatunayan…

Read More