420 PASAWAY HULI SA CALAMBA

0

LAGUNA – Umabot sa 420 indibidwal ang nadakip sa police checkpoints sa Calamba City dahil sa paglabag sa minimum health protocol mula alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-9:00 ng gabi noong Mayo 14, 2021 habang nasa ilalim pa ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang lalawigan.

Ayon sa ulat ni Laguna Police Provincial Director, P/Col. Serafin Petalio II kay Regional Director, P/BGen. Eliseo Cruz, kabilang sa mga nahuli sa police checkpoint ay mga hindi nagsusuot ng face mask at face shield.

Gayunman, ang nahuling mga indibidwal ay hindi kinasuhan kundi pinabalik lamang sa pinanggalingan nilang lugar.

Sinabi ni Petalio, “The people’s observance of the minimum health protocols is also a personal responsibility. We are here to enforce the law to ensure protection of public health, but we greatly appreciate if you do not wait us to keep on intervening or stopping you just to remind you to wear your personal protective equipment against COVID-19”.

Matatandaan, iniutos kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad na hulihin ang mga indibidwal na hindi sumusunod sa health protocol tulad ng hindi pagsusuot ng face mask at face shield.

Ang lalawigan ng Laguna ay nasa ilalim ng general community quarantine with heightened restrictions mula Mayo 15 hanggang 31. (CYRILL QUILO)

Read More

RIDER PATAY SA JEEP AT MOTORSIKLO

0

CAVITE – Patay ang isang construction worker nang makasalpukan ang isang jeep at bumangga pa sa motorsiklo ng isang staff nurse sa Trece Martires City noong Biyernes ng gabi.

Isinugod sa City of Gen. Trias City Medical Center ang biktimang si Elmer Dalida, 35, binata, ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Ayon sa ulat ni P/SMSgt. RR Tall ng Trece Martires City Police, dakong alas-5:30 ng hapon nang mangyari ang insidente.

Galing ang biktima sa Manggahan area sakay ng kanyang motorsiklo patungo sa direksiyon ng Trece Martires City habang palabas naman ng City of Gen. Trias Doctors Medical Center ang Toyota jeep na may plakang DRK 795 na minamaneho ni Gerry Reginaldo Amoroso, 36, tricycle driver, nang magsalpukan ang kanilang sasakyan.

Bunsod nito, nagpagewang-gewang ang motorsiklo ng biktima kaya bumangga ito sa minamanehong motorsiklo ni Alva Shiela Bencito, 33, staff nurse ng nabanggit na ospital.

Isinugod sa nasabing ospital ang bikima ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas. (SIGFRED ADSUARA)

Read More

ASSAULT SUSPECT TIMBOG SA MAYNILA

0

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 42-anyos na lalaki sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong ‘direct assault upon agent or person in authority’ sa Mandaluyong City.

Inirekomenda ng korte ang pyansang P12,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na kinilalang si Remil Santos, binata, jobless, ng Coronado St., Barangay Hulo, Mandaluyong City.

Batay sa ulat nina P/Major Geuel Capuz ng Intelligence Section, at P/Lt. Renato Ramento na isinumite kay P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., station commander ng MPD-Sta. Ana Police Station 6, bandang alas-7:30 ng gabi noong Biyernes nang arestuhin ang suspek sa Pedro Gil St., sa Sta. Ana, Manila.

Nabatid sa report ng pulisya, isang impormante ang nagbigay ng tip sa tanggapan ni Mirando hinggil pagkakadiskubre sa kinaroroonan ng suspek.

Bunsod nito, tinungo ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng suspek at inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Eduardo Cruz Solangon Jr., presiding judge ng MTC-Branch 98 ng Mandaluyong City. (RENE CRISOSTOMO)

Read More

Mga tomador nakaiskor ALAK PWEDE NA SA MALABON

0

SA kabila ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban muna ang pagdiriwang ng mga pista, pihadong parang Pasko ng Pagkabuhay ang nadama ng mga lasenggo sa Malabon City simula ngayong araw, Mayo 15, makaraang payagan nang muli ang pagbebenta ng alak sa lungsod, alinsunod sa Executive Order No. 21-05-14-012.

Gayunpaman, tanging mga establisiyementong may business permit ang pinapayagang magbenta ng alak.

Maaaring magbenta at uminom ng alak sa Business Permit and Licensing Office (BPLO)-registered establishments hanggang alas-9:00 ng gabi at hindi hihigit sa dalawang bote ang pwede kada customer.

Bawal pa ring uminom ng alak sa gilid ng mga kalsada at iba pang katulad na pampublikong lugar.

Gayunman kahit wala na ang absolute liquor ban, mahigpit pa ring ipatutupad ang curfew hours mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga alinsunod sa ordinansa, kasama ang mga patakaran ng IATF at lokal na pamahalaan sa ilalim ng general community quarantine with heightened restrictions. (ALAIN AJERO)

Read More

7 DAGDAG SA COVID DEATHS SA 3 CAMANAVA CITIES

0

PITONG COVID-19 patients ang binawian ng buhay sa Caloocan, Malabon at Navotas noong Mayo 14, nabatid sa health offices ng nasabing mga lungsod.

Ayon sa ulat, apat ang patay sa Caloocan City at 1,390 ang active cases. Pumalo na sa 29,130 ang total confirmed cases sa lungsod at sa nasabing bilang ay 26,908 na ang gumaling at 832 ang namatay.

Umakyat naman sa 426 ang COVID death toll sa Malabon City matapos na dalawa ang naitalang sumakabilang buhay dahil sa coronavirus.

Bukod dito, 58 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 12,769 ang positive cases sa siyudad, 307 dito ang active cases.

Habang 43 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at pumanhik na sa 12,036 ang recovered patients ng Malabon.

Isa naman ang namatay sa Navotas City at 182 ang active cases sa lungsod makaraang 16 ang nagpositibo at 29 ang gumaling.

Sumampa na sa 10,689 ang confirmed cases sa lungsod, at sa bilang na ito ay 10,160 ang nakarekober habang 347 ang namatay.

Wala pang inilalabas na COVID-19 cases update ang Valenzuela City habang isinusulat ito. (ALAIN AJERO)

Read More

BAYANIHAN 3, DAPAT UNAHIN NG KAMARA SA PAGBUBUKAS NG SESYON-ROBES

0

ISINULONG ngayon ni San Jose Del Monte City Rep. Florida Robes ang pagpapasa sa panukalang Bayanihan 3 na dapat aniyang bigyan ng prayoridad ng Kongreso sa pagbubukas ng sesyon sa Lunes, Mayo 17, 2021

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Robes na marami pang nararapat na isagawang pagtulong sa mga nawalan ng trabaho at sa mga nagsarang kompanya na resulta ng pandemya, lalu na ang patuloy na pagbagsak ng ekonomiya na nagreresulta ng pagurong ng kabuhayan ng bansa.

“We have yet to recover. In the meantime, unemployment is up, the economy is down. We are in recession. The Bayanihan 3 or House Bill 8628 filed by our Speaker Lord Allan Velasco will provide much needed assistance to our fellow Filipinos still in need of help at this time,” pahayag pa ni Robes.

Ito aniya ang dahilan kaya’t inihain niya ang House Resolution No. 1718 upang ipahayag ang buong pakikiisa ng lahat ng miyembro ng Kamara sa pagpapasa ng naturang panukala.

Magbubukas sa Lunes, Mayo 17, 2021 ang sesyon ng Kongreso na tatagal hanggang Hunyo 4, 2021 na panahon ng sine die adjournment.

Una nang inihain ni Velasco ang House Bill 8628 na kilala bilang An Act Providing for Additional Mechanisms to Accelerate The Recovery and Bolster the Resiliency of the Philippine Economy, Providing Funds Therefor and For Other Purposes o ang Bayanihan 3 na naglalayong pagkalooban ng karagdagang pampasigla ang ekonomiya upang matulungan ang bansa na matugunan ang tinatarget ng pagbangon ngayong taon.

Iminumungkahi ng panukala ang paglalaan ng P108 bilyong pisong karagdagang social amelioration o ayuda sa mga apekdatong mamamayan; P100 bilyon sa pagbangon ng mga mga apektadong sektor; P52 bilyong tulong na pansahod sa mga manggagawa; P70 bilyon sa pagbangon ng sektor ng agrikultura, P30 bilyong internet allowance sa mga mag-aaral;P30 bilyon sa mga nawalan ng trabaho; P25 bilyon sa pagbili ng gamot at bakuna laban sa Covid-19 at P5 bilyon sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng mga nagdaang bagyo at pagbaha.

Nakasaad naman sa inihaing resolusyon ni Robes ang katagang “there is a need to respond to the continuing challenges brought on by the pandemic especially since there are pervading difficulties in the procurement of vaccines for Covid-19 that prevent the country from carrying a full vaccination program for at least 75 percent of the population to achieve herd immunity.”

“The members of the House of Representatives should unite themselves once again to pass this important and much-needed piece of legislation to address the continuing challenges of the pandemic that threatens to derail the government’s recovery efforts,” dagdag pa ng kongresista. (CESAR BARQUILLA)

Read More

Local officials mananagot PAGDARAOS NG PIYESTA BAWAL PA

0

BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga local government official na papayag na magdiwang ng Kapistahan sa kanilang lokalidad.

Tiniyak ng pangulo na mananagot ang mga ito kapag pinayagan na magdaos ng Kapistahan sa kanilang lugar na maaaring maging dahilan ng pagkalat ng COVID-19.

Sa kanyang Talk To The People, sinabi ng pangulo na ang guidelines o alituntunin na ibinaba ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 response ay mahigpit na ipatutupad.

Ang paalala ay inihayag ng pangulo matapos nitong aprubahan ang pinaluwag na quarantine restrictions sa Metro Manila at kalapit-lalawigan subalit “with heightened restrictions” simula ngayong linggo habang ang ibang bahagi ng bansa ay nasa ilalim naman ng mas relaxed na modified general community quarantine.

“Nakikiusap ako, there are a lot of fiestas which you would like to hold, the problem is there is also the consequence which you should be mindful of,” ang paliwanag ni Pangulong Duterte.

Nagbabala rin ang pangulo na pananagutin niya ang mga lokal na opisyal lalo na ang mga barangay chairman kapag may nangyaring paglabag sa COVID-19 health protocol. (CHRISTIAN DALE)

Read More

TRAVEL BAN SA OMAN, UAE HANGGANG MAY 31

0

INANUNSYO ng Malakanyang na bawal pumasok sa bansa ang lahat ng mga byahero na magmumula sa Oman at United Arab Emirates (UAE) o iyong may travel history sa dalawang bansa sa loob ng 14 na araw na nauna nang dumating simula “0001H of May 15, 2021 until 2359H of May 31, 2021” sa rekomendasyon na rin ng Department of Health at Department of Foreign Affairs.

“Passengers already in transit from the abovementioned countries and all those who have been to the same within 14 days immediately preceding arrival to the Philippines, who arrive before 0001H of May 15, 2021, shall not be subject to the above restriction, but shall nevertheless be required to undergo stricter quarantine and testing protocols, i.e. the observation of a fourteen-day facility-based quarantine period upon arrival, notwithstanding a negative Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) result,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Samantala, ang lahat ng umiiral na travel restrictions sa mga pasahero na magmumula sa India, Pakistan, Nepal, Bangladesh at Sri Lanka ay extended hanggang 2359H ng Mayo 31, 2021.

Kailangan namang tiyakin ng Department of Transportation na ang lahat ng airlines ay nabigyan ng direktiba na huwag payagan ang boarding of passengers na bawal pumasok sa bansa alinsunod sa travel restrictions na ipinataw ng Office of the President at IATF resolutions maliban na lamang kung bahagi ang mga ito ng repatriation efforts ng national government. (CHRISTIAN DALE)

Read More

Wala namang solusyon – Duterte OPOSISYON PURO DAKDAK

0

KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko at oposisyon dahil sa pagpapalutang ng maraming usapin kabilang na ang West Philippine Sea, sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Pinasaringan ni Pangulong Duterte ang oposisyon na puro dakdak sa halip na magsuhestiyon kung paano makakakuha ng pondo para gamiting ayuda at tumulong na mapataas ang bilang ng mga hospital bed habang ang coronavirus infections “might go out of control and spread like a wildfire.”

“Maghanap sila ng issue ng dagat? Ano bang problema nito, raising so many issues, nonsense and trivia, just because they want to be heard?” ang tanong pangulo.

Nabuhay ang pagtatalo ng Maynila at Beijing nitong Marso matapos na mamataan ang 200 Chinese ships na nakahimpil sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.

Personal namang nakausap ni Pangulong Duterte si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naiparating ng pangulo ang kanyang pag-aalala tungkol sa mga barko ng China sa Julian Felipe Reef.

Tiniyak naman umano ng ambasador ng China na mga mangingisda lamang ang nasa Julian Felipe Reef na sumilong dahil sa masamang panahon.

Naniniwala si Sec. Roque na walang kontrobersiya rito dahil hindi naman aniya ipinipilit o ipinaglalaban ng China na mananatili sa Julian Felipe Reef ang mga Chinese vessel.

Naging malinaw naman aniya na nakahanda ang pangulo na protektahan ang teritoryo ng bansa.

Nanindigan din aniya ang pangulo sa pagkapanalo ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal noong 2016 kung saan pinawalang saysay ang claim ng China sa West Philippine Sea.

Umaasa na lamang si Roque na sa lalong madaling panahon ay lilisanin na ng mga natitira pang Chinese vessels ang Julian Felipe Reef sa bahagi ng West Philippine Sea sa Palawan. (CHRISTIAN DALE)

Read More