Pagbabakuna tuloy-tuloy 202M VACCINE DOSES BIBILHIN NG PINAS

(CHRISTIAN DALE) MULA sa inisyal na 148 milyon ay puntirya na ngayon ng Pilipinas na makakuha ng 202 million doses ng COVID-19 vaccines. Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na target ng bansang bumili ng 158 million doses at tumanggap ng dagdag na 44 million doses mula sa COVAX Global vaccine sharing facility matapos tumaas ang produksyon ng bakuna. Ito’y kasunod na rin ng pagtupad ng World Health Organization at COVAX Facility sa commitment nito, pagbabahagi ng mayayamang bansa ng sobrang bakuna nila at pakikipag-negosasyon ng gobyerno sa vaccine…

Read More

MAGKAPATID NA RIDER PATAY NANG MA-SANDWICH NG SASAKYAN

PATAY ang magkapatid na magkaangkas sa motorsiklo matapos na ang kanilang sinasakyan ay maipit sa pagitan ng truck at shuttle bus sa Sta. Rosa, Laguna, Huwebes ng umaga. Kapwa dead on the spot sina Israel Blanquisco Hadi, 26, na siyang nagmamaneho ng motor at ang backrider nito na si Christian Blanquisco Hadi. Batay sa report ng Sta Rosa Police, bandang alas-7:30 ng umaga, magkakasunod na tumatakbo ang tatlong sasakyan sa Tagaytay-Sta Rosa road kung saan nauuna ang Elf truck kasunod ang motorsiklo at nasa hulihan ang shuttle bus. Huminto umano…

Read More

RIDER BUMANGGA SA 2 SASAKYAN NAGULUNGAN, PATAY

CAVITE – Patay ang isang motorcycle rider nang magulungan ng isang Isuzu Elf nang okupahan ang kabilang linya ng kalsada matapos ntiong mabangga ang sinunsundang dalawang sasakyan sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Isinugod sa Binakayan Hospital ang biktimang si Jay Maano Puerto, nasa hustong edad, dahil sa malubhang sugat sa katawan ngunit binawian ng buhay. Ayon sa ulat ni Pat. Troadio Balitaosan Jr., ng Kawit Police, dakong alas-8:20 ng ng gabi nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Covelandia Road, sakop ng Brgy. Congbalay,…

Read More

BANGKA NA MAGHAHATID NG BAKUNA LUMUBOG

QUEZON – Lumubog ang isang bangka na may kargang mga ide-deliver na COVID-19 vaccine matapos na ito ay sumabit sa isang kongkretong poste na nasa gitna ng tubig sa bayan ng Real sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Nailigtas naman ang walong sakay nito at nasagip din ang lalagyan ng mga bakuna at nailipat sa ibang bangka. Batay sa report ng Real Police, bandang alas-7:00 ng umaga nang lumubog ang bangka na pag-aari ng Department of Agriculture ng bayan ng Polillo, Quezon, hindi pa kalayuan sa pantalan ng Real.Dadalhin…

Read More

2 COVID VARIANTS NAKAPASOK SA LAGUNA

LAGUNA – Nakapasok na sa lalawigan ng Laguna ang UK at South African variant ng COVID-19, partikular sa San Pablo City. Ayon kina City Health officer, Dr. James Lee Ho at San Pablo City Anti-COVID Task Force health officer, Dr. Mercydina Abdona Mendoza-Caponpon, nakarekober na ang mga nagkasakit habang naka isolate naman ang ilang naka-close contacts nito. Naipadala ang mga sample ng mga pasyente sa Philippine Genome Center, UP Research Institute for Tropical Medicine noong Marso at Abril habang nitong nakaraang linggo lamang nakumpirma ang resulta ng dalawang variant. Samantala,…

Read More