PNP hinimok ng solon MAMAMAYAN PROTEKTAHAN HINDI ARMASAN

0

BAGO pa man ikonsidera ang pag-aarmas sa civilian “volunteers” para maawat ang paglaganap ng krimen, dapat ipakita muna ng Philippine National Police (PNP) na kaya nitong protektahan ang publiko, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Ayon kay Lacson na namuno sa PNP taong 1999 hanggang 2001, dapat maging mas mahigpit ang PNP sa pag-isyu ng Permits to Carry Firearms Outside Residences (PTCFORs) sa mga sibilyan kabilang na ang mga senador, kongresman at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.

“The PNP should make it a point first to show that it is efficient, professional, and competent to protect civilians on the streets from malefactors – including those with unlicensed guns and irresponsible gun holders that make them a threat – before it issues PTCFORs to deputize civilian ‘volunteers’ as force multipliers,” paliwanag ni Lacson sa panayam ng Teleradyo.

“Otherwise, the public would wonder if the PNP is that helpless to ask for help from civilians,” dagdag ng mambabatas. “Besides, we do not want guns to end up with those prone to road rage and similar incidents.”

Sinang-ayunan din ng mambabatas ang pagsasailalim ng Ehekutibo sa masinsinang pag-aaral ang nabanggit na ideya.

“I am glad there is some reconsideration and further study on the matter. That is the beauty of public discourse on an issue,” ayon kay Lacson.

Sa panawagang mas mahigpit na proseso para sa PTCFOR, binalikan ni Lacson ang naging patakaran bilang PNP Chief, kung saan lahat ay sumasailalim sa pagsusulit at pagsusuri, walang pinapalampas.

Inihalimbawa niya ang namayapang si Sen. Miriam Santiago, na tumulay pa sa asawang si Narciso “Jun” Santiago Jr. upang ipakiusap na mabigyan ito ng PTCFOR nang hindi na nagtutungo ng personal sa Kampo Crame para sumailalim sa gun safety seminar at ibang uri ng pagsusulit. Tugon ni Lacson, kailangan pa rin gumawa ng “personal appearance” ang senadora.

“She ended up complying with all the requirements, and even corrected some grammatical items in the written exam. So everyone benefited from it,” kuwento ni Lacson.

Sumailalim din umano sa sistemang kanyang pinairal ang noo’y Congressman at namayapang si dating Pangulong Benigno Aquino III.

“I told him he could go to Camp Crame where he will get the needed assistance. But we should follow one standard. After that we became friends, and when he joined the Senate in 2007, we even became close,” pagbabalik-tanaw ni Lacson.

Tanging si dating Pangulong Joseph Estrada umano ang hindi sumailalim sa umiiral na proseso bilang Commander-in-Chief ng sandatahang lakas at may hinaharap na posibleng banta sa seguridad.

“Aside from that instance involving the Commander-in-Chief, we were very strict. Out of some 300,000 previously granted PTCFORs, we issued only a little over 1,000 permits under my watch until President Erap was ousted in January 2001,” banggit pa ni Lacson. (ESTONG REYES)

Read More

Malapit kina Galvez, Dizon sapat ang suplay? MAY PALAKASAN SA BAKUNA – SOLON

0

INAKUSAHAN ng isang mambabatas na nagkakaroon ng palakasan sa distribusyon ng COVID-19 vaccines dahil ang malalapit umano kina vaccine czar Carlito Galvez at testing czar Vince Dizon ang nakakakuha ng sapat na bakuna.

Sa press conference kahapon ni Iloilo Rep. Janette Garin, ito umano ang dahilan kaya maraming lugar sa bansa ang hindi nakakakuha ng sapat na bakuna taliwas sa equal distribution na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Yes. Nagkakaroon ng palakasan. Eh kasi tatawag ka, umiikot at papasyal sa iyo si Secretary Dizon, papasyal sa ‘yo si General Galvez magkakaroon ka ng bakuna at kung hindi mapuntahan ang lugar mo goodbye ka na lang, maghintay ka ng bakuna,” ani Garin.

Inamin ni Garin na isa siya sa tumawag kay Galvez para magbigay ng sapat na bakuna sa kanilang distrito sa Iloilo dahil parami ng parami ang kaso ng COVID-19 subalit sinagot umano ito ng heneral ng “maghintay ka”.

Hindi aniya siya tutol na buhusan ng bakuna ang mga lugar na mas marami ang kaso ng COVID-19 subalit kailangang bigyan din ng sapat na supply ang mga lugar na walang gaanong kaso upang maiwasan magkaroon ng surge.

Kinuwestiyon din ng mambabatas kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa bakunado ang lahat ng health care workers at katiting pa lamang umano sa mga senior citizen ang protektado sa COVID-19.

Base aniya sa datos mula mismo sa IATF, 32.3% sa mahigit 1.7 million health care workers ang hindi pa fully vaccinated habang 6.8% pa lamang sa 9.8 million senior citizens ang nakatanggap na ng dalawang bakuna.

Mula Pebrero 28 nang magsimulang dumating ang COVID-19 vaccines, sinabi ni Garin na umaabot na sa halos 18 million doses ang natanggap ng Pilipinas kasama na ang mga donasyon mula sa COVAX facility ng WHO.

Gayunpaman, sa report aniya ng IATF, 10,065,414 pa lamang ang naibabakuna kabilang na ang 7,534,128 na nakakuha ng first dose at 2,527, 286 ang naka-second dose na.

Dahil dito, 8 milyon aniya ang hindi nagagamit na bakuna na posibleng inimbak lang sa mga refrigerator dahil hindi alam ng mga vaccinator kung magkakaroon ng tuloy-tuloy na supply.

Kasabay nito, kinastigo rin ng mambabatas ang IATF lalo na si Galvez dahil tila wala umanong ginagawa ang mga ito para kalampagin ang mga drug manufacturer na ideliber na ang biniling bakuna ng local government units (LGUs) at private sector. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

Press freedom sa pagsiwalat ng mga tiwali sa gobyerno kinatigan ng SC ‘IDOL’ RAFFY ABSWELTO SA LIBELO

0

WALANG kasing halaga ang kalayaan sa pamamahayag, o press freedom, ipinunto ng Supreme Court (SC).

Ipinaliwanag ng mataas na korte sa desisyon nitong iabsuwelto si Columnist Raffy “Idol” Tulfo ng Abante Tonite na hindi madidiskubre ng publiko ang mga katiwalian at korapsyon ng mga opisyal at kawani ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kung walang press na nagbabantay at nagsisiwalat laban sa kanila.

Hindi rin maitutuwid ang kanilang mga pagkakamali at pagkukulang, patuloy ng mataas na korte.

Binanggit ito ng mataas na korte sa desisyon nito hinggil sa kasong libelo laban kay Tulfo at iba pa patungkol sa serye ng kanyang birada sa kanyang kolum na “Shoot to Kill” sa Abante Tonite hinggil sa ilegal na mga gawain ni Atty. Carlos So ng Bureau of Customs (BOC).

Sinampahan ni So ng kasong libelo si Tulfo at iba pang personalidad ng Abante Tonite noong 1999 sa Pasay City Regional Trial Court.

Nanalo ang labing-apat na kaso ni So.

Umapela si Tulfo sa Court of Appeals (CA) kung saan pumabor ito sa desisyon ng mababang korte.

Inakyat ni Tulfo ang mga kaso sa Korte Suprema.

Kamakailan, tinapos at naglabas ng desisyon ang ikatlong dibisyon ng Korte Suprema hinggil sa mga kasong libelo kung saan pinawalang sala nito si Tulfo at iba pa.

Ipinaliwanag ng ikatlong dibisyon na: “the prosecution failed to prove that petitioner Tulfo acted with malice, or with reckless disregard in determining the truth or falsity of the imputations”.

“We regard the vital role that the media plays in ensuring that the government and its officials remain true to their oath in carrying out their mandates in a manner prescribed by law…Nevertheless, the constitutionally protected freedoms enjoyed by the press cannot be used as a shield to advance the malicious propagation of false information carried out by unscrupulous entities to injure another’s reputation,” patuloy nito.

Ayon sa desisyon ng mataas na hukuman: “Petitioner Tulfo reported the alleged illegal activities of Atty. So in the exercise of his public functions. Our libel laws must not be broadly construed as to deter comments on public affairs and the conduct of public officials…Petitioner Tulfo should be acquitted”.

Nilinaw at idiniin ng nasabing desisyon na ang bawat prosekyusyon hinggil sa libelo “must undergo the rigorous and exacting standard of ensuring that it does not violate the fundamental right to free speech and the press.”

Ipinaalala rin ng mga mahistrado na hindi magtatagumpay ang kasong libelo hangga’t hindi napatutunayan ng mga abogadong nagtatanggol sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan na binatikos ng press na mayroong “malisya” ang banat, o atake, ng mga mamamahayag.

Mahalagang elemento ang malisya ng sumulat ng artikulo at kolum upang ang “criminal case for libel against critics of a public officer’s exercise of official functions cannot prosper”. (NELSON S. BADILLA)

Read More

Oil companies 20 years nang nagpapakasasa- solon PRESYO NG LANGIS SA PINAS, OVERPRICED

0

NANINIWALA ang isang mambabatas sa Kamara na posibleng overpriced ng bilyon-bilyong piso ang mga produktong petrolyo sa bansa sa nakaraang 20 taon.

Ito umano ang posibleng dahilan kaya tinututulan ng mga kumpanya ng langis na idetalye ang kanilang gastos at kita sa bawat litro ng kanilang mga produkto.

Kasabay nito, hinamon ni House deputy minority leader Carlos Zarate si Energy Secretary Alfonso Cusi na tutukan ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa dahil nakadaragdag ito sa paghihirap ng mga consumer sa gitna ng pandemya sa COVID-19.

“For 20 years the consumers could have overpaid billions of pesos in overpriced fuel. Worse, these also led to price increases of other products using fuel. Its about time we put an end to this,” ani Zarate.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil tinutulan ng mga kumpanya ng langis ang kautusan ng Energy Department na i-unbundle ang presyo ng kanilang mga produkto.

Base sa DOE’s Circular No. DC 2019-05-0008, inaatasan ang mga kumpanya ng langis na idetalye ang kanilang gastos at kita sa bawat litro ng kanilang mga produktong petrolyo para malaman ng mga tao kung tama o hindi ang kanilang binabayaran.

Gayunpaman, tinutulan ito ng mga kumpanya ng langis kaya nagdududa si Zarate na posibleng itinatago ng mga ito ang katotohanan at nag-o-overprice ang mga ito mula nang ipatupad ang oil deregulation law, 20 taon na ang nakararaan.

“For more than 20 years after the oil deregulation law, the government does not know the actual cost of fuel and is therefore not capable of determining predatory pricing or overpricing. This is the tragic folly of deregulation,” ayon pa sa mambabatas.

Dahil dito, kailangang igiit umano ni Cusi ang kanilang kautusan para maproteksyunan ang mga consumer lalo na’t mula Enero 2021 ay P11.75 ang itinaas ng presyo ng gasolina, P9.90 sa diesel at P8.41 sa kerosene. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

PAGTAKBONG VP ‘NOT BAD IDEA’ KAY DUTERTE

0

(CHRISTIAN DALE)

MALAKI ang posibilidad na ang “unfinished business” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa loob ng kanyang six-year term bilang halal na pangulo ng bansa ang mag-udyok dito para sumabak siya sa vice presidential race sa 2022 national elections.

Ito’y matapos na magpahayag si Pangulong Duterte na bukas siya sa ideya na tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo ng bansa sa halalan sa susunod na taon.

Ani Sec. Roque, ang “unsolved drug problem at corruption” sa pamahalaan ang ilan lamang sa mga dahilan para makumbinsi ang chief executive na sundin ang panawagan ng publiko na sumabak siya sa halalan sa susunod na taon.

“Meron po siyang unfinished business pagdating po sa droga, pagdating po sa korapsyon,” ayon kay Sec. Roque.

Ani Sec. Roque, naniniwala kasi si Pangulong Duterte na hindi naman “bad idea” na tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo.

Magkagayon man, ang pagtakbo ng pangulo sa vice presidential bid ay depende sa panawagan na tumakbo siya sa sa pagka-pangalawang pangulo.

“Ang sinabi naman niya eh kinukonsidera niyang tumakbo only if there is space for him. Kung wala naman po eh okay din naman po,” ayon sa kalihim.

Ang desisyon aniya ni Pangulong Duterte ay depende sa presidential candidate na susuportahan niya sa susunod na eleksyon.

“Ang isang nakikita niyang problema kung siya ba ay tatakbo ng VP ay baka kontra-partido sila ng presidente at hindi rin niya magagawa ‘yung unfinished business niya,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Matatandaang, noong Mayo 31 ay may nabuong resolusyon ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan, na hinihikayat si Pangulong Duterte na sumabak sa 2022 vice presidential derby at malaya itong makapamili ng standard bearer ng partido sa 2022 national elections.

Bakuna bago pulitika

ITO ang tugon ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa pagsusulong ng kanilang kapartido sa Go-Duterte tandem sa 2022 elections.

Sinabi ni Go na sa ngayon, nakatutok siya sa pagseserbisyo at pagtugon sa pandemya dahil kung hindi matutugunan ito, baka wala nang pulitikang pag-usapan.

Ayon kay Go, nasabihan na niya si Energy Secretary Alfonso Cusi na huwag na muna siyang isama sa usapin at sa halip ay unahin na lang ang mga interesadong kapartido.

Binigyang-diin ni Go na sa ngayon ay hindi siya interesado dahil mas maraming bagay ang dapat unahin tulad ng pagtiyak na mabakunahan ang lahat ng mga Filipino para makamit ang herd immunity sa COVID-19. (ESTONG REYES)

Read More

2 MWP NG MALABON, NALAMBAT SA RIZAL

0

NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang tinaguriang no. 2 most wanted person ng Malabon City matapos masakote ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa kanyang pinagtataguan sa bayan ng Baras sa lalawigan ng Rizal.

Kinilala ni NPD District Special Operation Unit (DSOU) head, P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang arestadong suspek na Gian Carlo Padua, 31, ng Pineapple Road, Brgy. Potrero, Malabon City.

Sa report ni P/Lt. Col. Dimaandal kay NPD director, P/BGen. Jose Hidalgo Jr., nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago ang suspek sa isang lugar sa Baras, Rizal na naging dahilan upang agad bumuo ng team ang DSOU, sa pangunguna ni P/Lt. Melito Pabon.

Kasama ang NDIT-RIU NCR, RID-NCR, DID-NPD, HPG-NPD at mga tauhan ng Baras Police, agad tinungo ng mga awtoridad ang pinagtataguan ng suspek sa Southville 9, Pinugay, Baras, Rizal na nagresulta sa pagkakaaresto kay Padua.

Ayon kay P/Lt. Col. Dimaandal, si Padua na isa ring DILG MWP na may patong na halaga sa ulo, ay miyembro ng notoryus na Limos carnapping crime group.

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ni Hon. Josien N. Rodel, presiding judge ng RTC Branch 293 ng Malabon City sa kasong paglabag sa RA 10833 (The New Anti-Carnapping Law of 2018), walang inirekomendang piyansa, at paglabag sa Article 308 ng RPC (theft) na inisyu ni Hon. Ma. Ofelia Salgado Contreras-Soriano ng MTC Branch 55. (FRANCIS SORIANO)

Read More

KAGAWAD NILIKIDA NG TANDEM

0

NORTH COTABATO – Patay ang isang kagawad makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek dahil umano sa away sa lupa sa Purok 4, Brgy. Bual Sur sa bayan ng Midsayap sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Parocan Luntayan Dilangalen, 51-anyos, walang asawa at kagawad ng Brgy. Bual Sur.

Sa report ni Midsayap OIC chief of police, Lt. Col. Rolly Oranza, ang biktima ay sakay ng kanyang motorsiklo ngunit pagsapit sa nasabing lugar ay dinikitan ng riding in tandem at pinagbabaril pasado alas-5:00 ng hapon noong Martes.

Isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit hindi umabot nang buhay.

Away sa lupa ang nakikitang motibo ng mga pulis hinggil sa insidente. (BONG PAULO)

Read More

5 HIJACKERS PATAY SA ENCOUNTER

0

PATAY ang limang kalalakihang hinihinalang mga hijacker mula sa isang organized crime group, nang masabat ng mga tauhan ng Regional Highway Patrol Group (RHPG)-Cordillera at Tuba Municipal Police Station (MPS) sa Taloy Sur, Marcos Highway, Tuba, Benguet nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon kay P/Capt. Marnie Abellanida, tagapagsalita ng Police Regional Office Cordillera, patay sa encounter ang limang hijacker nang matunton ng mga tauhan ng HPG kasunod ng hot pursuit operation na ikinasa ng mga pulis matapos nilang matanggap ang flash alarm dahil sa pag-hijack sa isang wing van truck na may plakang ADH 3116, sa La Trinidad, Benguet.

Sa huling impormasyong nakalap ng HPG, tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Marcos Highway sakay ng kulay abuhin na sports utility vehicle na walang plate number.

Nang masabat ng mga alagad ng batas ang mga suspek ay tinangkang pahintuin ang mga ito ngunit sa halip na huminto ay pinaputukan ang mga awtoridad kaya nagkaroon ng engkuwentro.

Wala namang nasugatan sa hanay ng pulisya.

Kaugnay nito, kasalukuyan pang bineberipika ng RHPG-Cordillera at Tuba MPS ang pagkakakilanlan ng mga suspek dahil dalawa rito ay nakasuot ng uniporme ng pulis at may mga PNP (Philippine National Police) ID habang ang isa pa ay nakuhanan ng NBI (National Bureau of Investigation) ID.

Bukod sa mga ID ay nakuha rin sa encounter site ang apat na short firearms at isang long firearm. (JESSE KABEL)

Read More

DRUG DEN NABUWAG NG PNP-ZAMBALES

0

“WE will blaze our own trail,” pahayag ni Zambales Provincial Director P/Col. Romano V. Cardiño makaraang madakip ng kanyang mga tauhan ang anim hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa umano’y drug den sa Iba, Zambales.

Noong Martes, Hunyo 29, 2021, dakong 12:05 ng madaling araw, sa Gomez Compound, Purok 4, Brgy. Sta. Barbara, Iba, Zambales, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Iba MPS (lead unit), PDEU-Zambales PPO at PIU Zambales PPO, alinsunod sa PDEA coordination control number 10004-062021-0811 na ipinarating kay PDEA RO3 Agent Michael Montalbo na may petsang Hunyo 29, 2021 na ang covered area of operations ay buong Zambales.

Sa pamamagitan ng undercover, nakabili ang team ng isang sachet ng shabu kapalit ng P1,000 buy-bust money mula sa suspek na si Reynante Patano y Cudal, high value targe individual.

Makaraan ito ay tumuloy ang mga awtoridad sa hinihinalang drug den sa Brgy. Sta. Barbara, Iba, Zambales.

Sa nasabing lugar ay naaktuhan ng mga pulis ang iba pang mga suspek habang bumabatak ng umano’y shabu.

Kinilala ang iba pang mga arestado na sina Mark Kevin Calimlim y Payumo, Romnic Gomez, Arturo Gomez y Landero, may-ari umano ng compound na kinaroroonan ng drug den; Prima Sumampil y Ventura, at Ronielyn Soriano y Mose.

Ayon sa intelligence reports, ang mga suspek ay mga miyembro ng Buela drug group na nag-o-operate sa Zambales area.

Ang mga suspek ay pansamantalang nakapiit sa Iba MPS lock-up cell at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Read More