Upang maibsan ang mga pasakit na dulot ng baha — Citizen BBM “ITULOY ANG NAUDLOT NA SPILLWAY PROJECT”

MARIING ipinanawagan ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa gobyerno ang muling pagkonsidera sa naudlot na spillway project ngayong nahaharap na naman sa pagbaha ang buong Kalakhang Maynila sanhi ng sunod- sunod na mga pag-ulan. Kanyang tinukoy ang naudlot na Parañaque Floodway na inaasahan sanang maging daluyan ng umaapaw na tubig mula sa lawa ng Laguna patungo sa karagatan ng Manila Bay. Ang nasabing spillway project ay isa sa apat na floodway project noon ng kanyang ama na hindi na itinuloy ng mga sumunod na administrasyon. Sa kanyang Facebook…

Read More

Paglabas ng minors binawi NCR IBINALIK SA MAHIGPIT NA GCQ

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ibalik ang National Capital Region (NCR) sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” simula Hulyo 23, 2021 hanggang Hulyo 31, 2021. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kapareho rin ang IATF rules na susundin nang isailalim ang NCR sa GCQ “with heightened restrictions” kamakailan. Nasa ilalim din ng GCQ “with heightened restrictions” ang mga probinsiya ng Ilocos Norte at Ilocos Sur, na dati ay nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ)…

Read More

DOKTOR ITINUMBA SA COTABATO

NORTH COTABATO – Patay ang isang doktor matapos pagbabarilin ng ‘di pa kilalang gunman habang nagdya-jogging malapit sa pampublikong paaralan sa Poblacion ng bayan ng Pikit sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Dr. Robert Cadulong Al Haj, dating municipal health officer sa bayan ng Pagalungan at Datu Montawal sa lalawigan ng Maguindanao, bago nagretiro. Nagmamay-ari rin ito ng isang pribadong ospital sa bayan ng Pikit. Ayon kay Police Major Pangandigan, hepe ng Pikit Municipal Police, batay sa mga nakasaksi, sakay ng motorsiklo ang mga suspek…

Read More

Mamamayan buo ang tiwala sa PNP-PRO5 GRANADA SA ILOG ITINURO SA PULIS

NAGPARATING ng kanyang taos pusong pasasalamat si P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director ng PNP-PRO5, sa publiko sa muli nitong pagpapakita ng suporta sa pulisya sa pamamagitan ng pagpapaabot ng impormasyon sa mga nangyayari sa kanilang lugar gaya nang nadiskubreng granada. Dakong alas-11:00 ng tanghali noong Hulyo 21, 2021 nang makatanggap ng report mula sa Punong Barangay na si Lino Lumbao ang himpilan ng Virac MPS hinggil sa umano’y natagpuang granada ng dalawang mangingisda sa ilog ng Barangay Palnab Del Norte. Agad na tinungo ng mga kawani ng istasyon, kasama…

Read More

SOTTO SA DOH: PAGKALAT NG DELTA VARIANT, AGAPAN

KINALAMPAG ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang Department of Health (DOH) upang maglatag ng mga hakbangin upang maagapan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19. Sinabi ni Sotto na dapat handa ang mga policy-maker at health experts sa posibilidad ng pagtaas ng kaso. “Handa na ba ang ating gobyerno kung sakaling magkaroon ng surge ng COVID-19 cases na dulot ng Delta variant? May mga nakahanda na bang response measures? Handa ba ang ating mga healthcare facilities at workers sa pangyayaring ito? Mahalagang maramdaman ng ating mga kababayan na…

Read More

3 TULAK TIKLO SA BUY-BUST OPS NG PNP-PRO5

TATLONG hinihinalang tulak ng ilegal na droga na kumikilos sa Virac, Catanduanes ang nadakip sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga tauhan ng PNP-PRO5 at nakumpiskahan ng 70 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P476,000 ang street value. Sa ulat na ibinahagi ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, ang tatlong nadakip, kabilang ang dalawang kapwa itinuturing na regional level high value target, ay naaresto sa inilatag na buy-bust operation sa Brgy. Palnab del Norte, Virac, Catanduanes noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Norlina Aiza Chio y…

Read More

PETISYON KONTRA MEGA VAX SITE SA NAYONG PILIPINO IBINASURA

NABIGO si dating Boac, Marinduque Mayor Pedrito Nepomuceno sa petisyon nito na kumukwestyon sa pagtatayo ng COVID-19 mega vaccination center sa loob ng Nayong Pilipino sa Parañaque City. Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon “due to insufficient form and substance’. Sa ‘writ of kalikasan petition’ ni Nepomuceno, sinabi niya na apektado ang nasa 500 puno sa Nayong Pilipino property sa pagtatayo ng vaccination site kaya dapat pigilan ang pagputol sa mga ito. Hindi rin umano sumailalim sa Environmental Impact Analysis ang proyekto na mandatory at walang Environmental Compliance Certificate…

Read More

RAPE SUSPECT NADAKMA NG PNP-PRO5 SA SORSOGON

NATUNTON ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 sa inilunsad na law enforcement operation sa Brgy. Piot, Sorsogon City ang isang 21-anyos na suspek sa panggagahasa sa lalawigan ng Masbate. Ayon sa ulat na ibinahagi ni PNP-PRO5 Regional Director P/Brig. Gen. Jonnel C. Estomo, bandang alas-1:30 noong Miyerkoles ng hapon nang mahuli sa manhunt operation sa Brgy. Piot, Sorsogon City ang suspek na si Johndel Samson, walang asawa, construction worker, at residente ng Sitio Kopo, Brgy. Centro sa bayan ng Uson sa lalawigan ng Masbate. Sa datos na isinumite…

Read More

33 TULAK NALAMBAT SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P142,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska at nadakip ang 33 hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng madaling araw. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Christian Nel Cuevas ng Bacoor City Police Station, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation sa Brgy. Aniban 2, Bacoor City, na nagresulta sa pagkakaaresto kina Johardy Jose, 46; Vilam Amoyang, 47, at Christopher Binsol, 47, pawang residente ng Brgy. Anba 2, Bacoor City. Nakumpiska sa mga…

Read More