2 MERCHANDISER NA-HIT AND RUN, 1 PATAY

QUEZON – Isa ang patay habang isa ang kritikal matapos mabiktima ng hit and run ng isang van ang dalawang merchandizer ng isang supermarket habang magkaangkas sa motorsiklo sa intersection ng Lucena City noong Linggo ng gabi. Dead on the spot ang nagmamanehong si Tristan Cabana Millares, 34, habang walang malay na isinugod sa ospital ang backrider nito na si Jhodiel Caballero Cansanay na matinding napinsala ang ulo at katawan. Ayon sa Lucena City Police, nangyari ng insidente sa intersection ng Gomez St. at Quezon Avenue dakong alas-11:00 ng gabi.…

Read More

P1.6-M CASH, ALAHAS NILIMAS NG KAWATAN

CAVITE – Tinatayang mahigit P1.6 milyong halaga ng cash at alahas ang natangay ng akyat-bahay sa isang bahay sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Dumulog sa tanggapan ng Magallanes Police ang biktimang si Luis Ersamo, 61, ng Gulod, Brgy. Urdaneta, Magallanes, Cavite. Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na hinihinalang miyembro ng akyat-bahay gang. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Armando Perez ng Magallanes Police Station, umalis ng bahay ang pamilya Ersamo upang dumalo ng kasal sa isang kakilala sa Magallanes town proper. Dakong alas-2:00…

Read More

Tatanggap ng first dose ng bakuna kailangan pumila ‘WALK-IN’ INAWAT SA MALABON

TANGING second dose ang itinurok at hindi nagbakuna ng first dose sa Malabon City kahapon. Mahigpit ding ipinagbawal ang walk-in vaccination, ayon sa Pamahalaang Lungsod. Samantala, magpapatuloy ang pagbabakuna ng 2nd dose ng ibang brand ng bakuna sa Fishermall Malabon at Oreta Sports Complex kaya’t kung naka-schedule para sa 2nd dose sa dalawang vaccination sites ay pinayuhang pumunta lamang sa nasabing sites. Sa kabilang dako, nagsimula nang mamahagi ng cash allowance para sa special education (SPED) students ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas. Aabot sa 375 benepisyaryong Persons with Disabilities (PWD)…

Read More

DELIVERY NG SULAT AT PARSELA PINABILIS

INALIS na ng Philippine Postal Corporation ang “notification cards” na 75 taon nang ginagamit, para mas mabilis, ligtas at maginhawang matatanggap ng publiko ang kanilang sulat at parsela sa pamamagitan ng door to door delivery service. Ito ang ibinalita ni Postmaster General Norman Fulgencio, nang iulat nito na dapat tanggalin ang ganitong gawain upang hindi na maging sanhi ng pagkaantala o delay ng serbisyo na minsan ay inaabot ng dalawa hanggang tatlong buwan bago makarating sa pinadadalhan ang sulat at parsela. Dagdag pa nito, dahil sa mabilis at maginhawang serbisyo,…

Read More

Boga inilako sa talipapa GUNRUNNER TIKLO SA UNDERCOVER

SWAK sa karsel ang hinihinalang gun runner makaraang bentahan ng baril ang isang undercover cop sa buy-bust operation sa Malabon City. Kinilala ang arestadong suspek na si Richard Banal, 31, ng Kadiwa 4, Brgy. San Roque, Navotas City. Ayon sa ulat, may nagnguso sa mga parak na walang kiyemeng nagbebenta umano ang suspek ng baril sa gilid ng Malabon Public Market sa F. Sevilla St., Brgy. Tañong kaya’t dagling isinagawa ng operasyon kung saan isang pulis ang umaktong buyer. Nang matapos transaksyon ay dinaluhong ng mga operatiba ang suspek at…

Read More

ISIP NG MGA BOTANTE KINOKONDISYON SA SURVEY

NAGPAALALA ang isang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa mga botanteng Filipino na huwag basta maniniwala sa naglalabasang mga survey hinggil sa iboboto nilang susunod na mga lider ng bansa sa 2022. Inihayag ni Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, layon lamang ng mga survey na maimpluwensyahan ang isip ng mga botante lalo na kung kabilang sa mga tanong ang “preferred candidates”. “I hope we don’t believe in these surveys. It only conditions our minds,” bahagi ng homily ni Pabillo sa…

Read More

Nang-umit sa supermarket KAHERA, KASABWAT NA LOLA TIMBOG

ARESTADO ang isang 22-anyos na kahera at kasabwat umano nitong isang 66-anyos na lola makaraang mabuking ang tangkang ipuslit na dalawang kahon ng grocery items mula sa isang supermarket sa Malate, Manila noong Linggo ng hapon. Nahaharap sa kasong qualified theft si alyas Maymay, at ang vendor na si Lola Marian, kapwa residente sa Baseco Compound, Port Area, Manila. Batay sa ulat ng Manila Police District-Station 9, bandang alas-3:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa isang supermarket sa Adriatico St., sa Malate. Ayon sa ulat ng pulisya, nagkunwari ang…

Read More

CONCEPCION GANG MEMBER PATAY SA PNP-PRO5

NAPASLANG ng mga tauhan ni ni PNP-Police Regional Office 5 Director Jonnel C. Estomo ang isang miyembro ng Concepcion organized crime syndicate sa ikinasang law enforcement operation sa Brgy. Libtong, Libon, Albay. Ayon kay P/Brig. General Estomo, target ng police operation ang napatay na si Ernanny Maraño Concepcion, isang hardcore member ng Concepcion criminal group na kumikilos sa Bicol Region, Calabarzon at maging sa Metro Manila. Armado ng warrant of arrest, sumalakay sa Barangay Libtong ang pinagsamang puwersa ng Region Special Operation Unit 5; Regional Police Drug Enforcement Unit 5;…

Read More

JA Trofeo Bonfiglio SINGLES, DOUBLES WINALIS NI EALA

DOBLE-PANALO si Filipina tennis sensation Alex Eala sa katatapos lang na JA Trofeo Bonfiglio sa Milan, Italy. Nagreyna ang 16-anyos na Pinay sa girls Singles title Linggo ng gabi matapos talunin si Nikola Bartunkova ng Czech Republic, 6-3, 6-3, sa kanilang finals match-up. Nauna rito, wagi rin siya at kapartner na si Madison Sieg ng United States sa girls Doubles noong Sabado ng gabi. Dinomina nina Eala, 16, at Sieg, 18, ang nakalaban sa finals na si Lucija Ciric Bagaric ng Croatia at katandem nitong si Sofia Costoulas ng Belgium,…

Read More