JA Trofeo Bonfiglio SINGLES, DOUBLES WINALIS NI EALA

DOBLE-PANALO si Filipina tennis sensation Alex Eala sa katatapos lang na JA Trofeo Bonfiglio sa Milan, Italy.

Nagreyna ang 16-anyos na Pinay sa girls Singles title Linggo ng gabi matapos talunin si Nikola Bartunkova ng Czech Republic, 6-3, 6-3, sa kanilang finals match-up.

Nauna rito, wagi rin siya at kapartner na si Madison Sieg ng United States sa girls Doubles noong Sabado ng gabi.

Dinomina nina Eala, 16, at Sieg, 18, ang nakalaban sa finals na si Lucija Ciric Bagaric ng Croatia at katandem nitong si Sofia Costoulas ng Belgium, 6-4, 4-6, 13-11.

Ang latest victory ni Eala ay pang-anim na kampeonato na niya– dalawa rito ay Grand Slams at apat ay JA titles.

Noong nakaraang buwan lang ay nanalo rin ang teen tennis sensation sa 2021 French Open girls doubles kapareha naman si Russian Oksana Selekhmeteva.

180

Related posts

Leave a Comment