CAVITE – Tinatayang mahigit P1.6 milyong halaga ng cash at alahas ang natangay ng akyat-bahay sa isang bahay sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.
Dumulog sa tanggapan ng Magallanes Police ang biktimang si Luis Ersamo, 61, ng Gulod, Brgy. Urdaneta, Magallanes, Cavite.
Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na hinihinalang miyembro ng akyat-bahay gang.
Ayon sa ulat ni P/SSgt. Armando Perez ng Magallanes Police Station, umalis ng bahay ang pamilya Ersamo upang dumalo ng kasal sa isang kakilala sa Magallanes town proper.
Dakong alas-2:00 ng hapon nang bumalik ang mag-asawa sa kanilang bahay subalit napansin nilang bukas ang pintuan nila sa likurang bahagi habang pwersahan ding sinira ang bintana ng master’s bedroom kung saan nawawala ang mahigit P1.6 milyong halaga ng pera at alahas.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. (SIGFRED ADSUARA)
216 