PINALAGAN ng Malakanyang ang pahayag ng mga kritiko ng administrasyong Duterte na “too late” na ang Pilipinas sa pagpapatupad ng travel ban sa Indonesia na napaulat na may maraming kaso ng COVID-19 sa nakalipas na mga araw. “Hindi naman po too late ‘yan kasi meron naman po tayong datos ng mga dumarating na mga pasahero galing Indonesia,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. “Unang-una wala po tayong turismo at wala rin po tayong business visas except for the long-term investor’s visas na in-issue natin,” dagdag na pahayag nito. Nauna rito,…
Read MoreMonth: July 2021
Mga mangingisda ginagatasan CORRUPT MARITIME OFFICIALS BINIRA
KUMBINSIDO ang Partido Manggagawa (PM) na maling-mali na gawin regular na kuhaan ng buwanang “kita” ng ilang corrupt na mga opisyal ng Philippine National Police-Maritime Region 1 (PNP-Maritime Region 1) ang mga mangingisda. Naniniwala rin ang PM, ayon sa tagapagsalita nitong si Wilson Fortaleza, na nararapat parusahan ang mga korap na opisyal ng PNP-Maritime Region 1, ngunit ilagay ito sa tamang proseso. Ang pahayag ni Fortaleza ay pagpapakita ng suporta sa mga mangingisdang inabuso at patuloy umanong hinuhuthutan ng mga pulis. Ang pahayag ng lider-manggagawa mula PM ay nakaangkla sa…
Read MoreP3.2-M CASH, ALAHAS NATANGAY NG AKYAT-BAHAY
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P3.2 milyong cash at alahas ang natangay ng hinihinalang mga akyat-bahay sa bahay ng isang investor sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Dumulog sa pulisya ang biktimang si Avelino Pelayo, binata, isang investor/financier, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ernesto Angue Jr. ng Gen Trias City Police Station, dakong alas-2:00 ng hapon noong Sabado, nagtungo ang pamilya Pelayo sa Pansol, Laguna para mag-swimming ngunit pagbalik nila dakong alas-7:00 gabi nang nadiskubreng nawawala ang…
Read More3 WANTED RAPE SUSPECTS NASAKOTE NG PNP-PRO5
“THERE is more. Not more to do but more to be,” ani PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo matapos ang sunod-sunod na pagkakaaresto ng kanyang mga tauhan sa tatlong wanted rape suspects sa kanilang nasasakupan nitong nakalipas na linggo. Unang nahulog sa bitag ng PRO5 Malilipot Municipal Police Station si Jerome Barcelo Gonzales, alyas “Rhon” ng Gonzales St., Barangay 4 sa bayan ng Malilipot, Albay, nahaharap sa five counts ng rape dahil panggagahasa sa isang alyas “Connie” sa Bacoor City, Cavite. Si Gonzales ay dinakip ng mga tauhan ni P/Col.…
Read MoreIkinasa ng #BrigadangAyala kasama ang TESDA LIVELIHOOD TRAINING SA MGA BIKTIMA NG BAGYO
KASADO na ang livelihood training ng #BrigadaAyala ng Ayala Group para sa dalawang komunidad sa Cagayan bilang tulong ng kumpanya sa mga pamilyang naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo noong nakaraang taon. Sa pakikipagtulungan sa Technical Education and Skills and Livelihood Authority (TESDA), bumuo ang Ayala Foundation at AC Energy ng disaster resiliency livelihood program na naglalayong magbigay ng libreng training para sa 300 na inang pinadapa ng bagyong Ulysses. Lilinangin ng programa ang cookery, baking, at pastry skills ng inisyal na 50 ina mula sa bayan ng Lal-lo at Buguey,…
Read MoreOFW NAGSUMBONG NG RAPE PARA MAKAUWI SA PILIPINAS
SUNUD-SUNOD na sumbong mula sa mga OFW ang ating natanggap nitong linggo. Kabilang dito ang sumbong na ipinarating ni Norhata Bidul, sa pamamagitan ng volunteer advocate na si Zean. Ayon kay Norhata, duma-ting siya sa Riyadh, Saudi Arabia upang magtrabaho bilang kasambahay. Hindi siya naging mapalad sa kanyang una at ikalawang amo, kaya siya ay inilipat sa ikatlong employer. Halos wala siyang natanggap na suweldo mula sa kanyang mga naging amo. Sa unang amo, tatlong buwan siyang hindi pinasuwedo, samantalang sa ikalawang amo ay siyam na buwang hindi siya sumahod.…
Read More400 bahay natupok LOLO NATUSTA SA SUNOG SA DAVAO
NORTH COTABATO – Namatay ang isang 76-anyos na lolo nang ma-trap sa nasusunog na bahay habang umabot sa 400 kabahayan ang natupok sa nasabing insidente sa Dumalag 1, Barangay Matina Aplaya, Davao City, noong Sabado ng hapon. Kinilala ang biktimang si Reynaldo Salinas, residente ng nasabing lugar. Ayon sa ulat mula kay Senior Fire Officer 3 Ramil Gillado, tagapagsalita ng BFP Region 11, tinatayang umabot sa P2.6 milyon ang danyos ng sunog na nagsimula sa bahay ni Aida Maceda bandang alas-5:00 ng hapon. Mahigit sa 400 kabahayan ang naabo kabilang…
Read More2 INUTAS SA TRICYCLE
QUEZON – Dalawang hindi pa kilalang lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mapatay habang sakay ng tricycle sa Lucena City noong Sabado ng gabi. Kapwa wala nang buhay at may mga tama ng bala nang madiskubre ang dalawang biktima sa nakaparadang tricycle sa Barangay Ibabang Dupay dakong alas-11:45 ng gabi. Nasa driver seat ang isa habang nasa passenger side naman ang isa pang biktima. Ayon sa Lucena police, nakarinig ang mga residente ng sunod-sunod na putok sa lugar at nang mag-usisa ay bumulaga sa kanila ang wala nang buhay na mga…
Read MoreBANGKAY NG ‘ADIK’ ISINAKO, ITINAPON
CAVITE – Hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang bangkay ng isang ‘di nakilalang lalaki na nakasilid sa sako sa Imus City nitong Linggo ng madaling araw. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng bangkay na isinilid sa sako at karton saka tinalian ng duct tape at electrical wire. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Mark Anthony Salvador ng Imus City Police Station, dakong alas-4:00 noong Linggo ng madaling araw nang makatanggap ng tawag ang tanggapan ng Imus CPS hinggil sa natagpuang bangkay ng isang lalaki na nakasilid sa sako sa Daang NIA, Brgy. Medicion…
Read More