Cusi pinanumpa bilang party president PACQUIAO SINIPA SA PDP-LABAN

PINATALSIK ng ruling party, Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban), si Senador Manny Pacquiao bilang party president at inilagay si Energy Secretary Alfonso Cusi bilang kapalit nito. “I will live by the oath I took,” ayon kay Cusi, matapos siyang panumpain ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, tumatayong party chairman. Ang pagkakalagay kay Cusi bilang party president ay matapos ideklarang bakante ang posisyong inuupuan ni Pacquiao. Si Pacquiao na kasalukuyang nasa Estados Unidos para maghanda sa kanyang title boxing fight laban kay Errol Spence, ay napatalsik naman mula sa kanyang posisyon…

Read More

BODY CAMS SA MGA PULIS, DAGDAG PROTEKSYON DIN

NANINDIGAN si Senador Win Gatchalian na dagdag gabay upang matiyak na mapapanatiling maayos na ipinatutupad ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga tungkulin ang pagsusuot ng video recording devices kapag nagpapatupad ng search at arrest warrants. “Bilang pangunahing protektor ng mga sibilyan, kinakailangang matibay at walang pagdududa ang integridad at karakter ng mga kapulisan lalo na sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin,” saad ni Gatchalian. Ikinalugod ni Gatchalian ang desisyon ng Korte Suprema sa pagpapatupad ng mga panuntunan sa tamang paggamit ng body cameras ng mga pulis…

Read More

PIMENTEL SINISI NI DUTERTE SA PAGTALAGA KAY PACQUIAO SA PDP LABAN

SINIGURO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nananatili ang pagkakaisa sa mayorya ng mga miyembro ng PDP-Laban. Sa talumpati ng pangulo sa National Assembly ng Ruling Party sa Clark, sinabi nito na kung anoman ang nangyayaring hindi pagkakaunawaan sa PDP- Laban ay walang ibang dapat sisihin kundi si Executive vice chairman Koko Pimentel. Kinastigo ng pangulo ang naging bahagi ng pagpapalakad ng batang Pimentel sa ruling party at isa na rito ang pagtatalaga kay Senador Manny Pacquiao bilang acting president. Aniya, hindi niya mapagtanto at hindi niya alam kung ano…

Read More

RIDER BUMANGGA SA POSTE, PATAY

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 24-anyos na rider nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang konkretong poste sa sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Bonifacio Atis, stay-in na trabahador sa Mon Petit Farm Inc. sa Brgy. Buck Estate, Alfonso. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Dante Baje ng Alfonso Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo ngunit habang binabagtas ang kalsada sa kahabaan na sakop ng Brgy. Bilog ng naturang bayan dakong alas-9:00 ng gabi nang mawalan ng kontrol…

Read More

LOLA NALIGO SA DAGAT, NALUNOD

BATANGAS – Lumulutang na natagpuan ang bangkay ng isang 72-anyos na lola na posibleng nalunod habang naliligo sa tabi ng dagat sa Barangay San Miguel sa bayan ng Bauan sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa Brgy. San Miguel ang Bauan MPS hinggil sa natagpuan sa tabing dagat na bangkay ng biktima na kinilalang si Maria Ligaya Balitaan y Evangelista, residente ng Aplaya ng Bauan. Nabatid sa salaysay ng kaanak, hindi na nakabalik sa kanyang bahay ang biktima makaraang magpaalam na maliligo sa dagat…

Read More

IBAYONG PAG-IINGAT IBINABALA VS DELTA VARIANT

UPANG hindi magaya sa India, nagbabala si Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, dating Joint Anti-COVID Task Force commander, na mas maging maingat ngayong kumpirmado nang may ilang kaso ng delta variant sa Pilipinas. “The detection of the Delta variant in the country serves as a warning to all of us against complacency,” wika ni P/Gen. Eleazar kasunod ng pahayag na mas paiigtingin ng pulisya ang kanilang mandato na ipatupad ang health and safety protocols na inilatag ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.…

Read More

7 LAGLAG SA DRUG BUST SA VALENZUELA

PITONG hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang dalawang babae, ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City noong Biyernes. Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, P/Lt. Joel Madregalejo ang arestadong mga suspek na sina Roy Hubilla, 45, welder; Jimmyboy Yumul, 38; Noel Villafranca, 33; Fortfred Bangan, 33; Daniel Quijano, 23; Aireen Macaraeg, 24, at Jheannewhyne Dela Cruz, 22-anyos. Ayon sa ulat ni SDEU investigator P/SMS Fortunato Candido kay Valenzuela City Police chief, P/Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong alas-12:40 ng madaling araw…

Read More

6 NALAMBAT SA TUPADA SA VALENZUELA

ANIM na sabungero ang nasakote matapos salakayin ng pulisya ang isang tupadahan sa Valenzuela City. Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) head, P/LT. Col. Jay Dimaandal ang mga arestado na sina Michael Juguilon, 37; Valentin Nicolas, 69; Melchor Torrefiel, Jaime Padua, Alvin Lopez, 47, at Jun Ramos, 32-anyos. Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Dimaandal kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Jose Hidalgo Jr., nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU ng report mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na tupada sa Purok 4, Brgy. Mapulang Lupa.…

Read More

PEACE AND ORDER BUMUTI SA WAR ON DRUGS – PNP

INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar na gumanda ang peace and order situation sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa pinaigting na anti-criminality at war on drugs. Ayon kay P/Gen Eleazar, “Sa kabila ng mga kritisismo at sari-saring alegasyon, hindi maipagkakaila na mas gumanda ang peace and order situation sa ating bansa. Hindi ito sabi-sabi o gawa-gawa lamang dahil ang inyong PNP ay may mga datos na nagpapakitang mahigit sa 60 porsyento ang ibinaba ng krimen sa nakalipas na…

Read More