PACMAN PACK-UP NA SA BOKSING

TAPOS na sa boksing si eight-division world champion Manny Pacquiao. Sa halip, itutuloy na niya ang pagkandidato bilang ­pangulo sa 2022 national elections. “Boxing career ko? Tapos na ‘yong boxing career ko,” pag-amin ni Sen. Pacquiao sa “Toni Talks” ni TV host at singer-actress Toni Gonzaga. “Tapos na kasi matagal na rin ako sa pagboboksing at ‘yong pamilya ko laging nagsasabi na tama na. Nagtuloy-tuloy lang ako kasi passionate ako sa sports na ito.” Dagdag niya, susuporta na lamang siya sa iba pang mga boksingero upang magkaroon muli ng boxing…

Read More

ADELAIDE NI KAI SOTTO SALUDO SA MGA PINOY

MALAKI ang pasa­salamat ng Adelaide 36ers sa ­matinding suporta sa kanilang bagong recruit na si 7-foot-3 Kai ­Zachary Sotto ng Filipino community sa Australia. “A massive thank you to the Filipino Communities Council of Australia for welcoming Kai on the weekend!” Post ito ng Adelaide 36ers sa kanilang social media account kasama ang mga larawan ni Sotto sa naganap na meet & greet sa community. “Kai enjoyed ­meeting and spending time with the community & we can’t wait to see ­everyone again as we get ­closer to #NBL22!” Nagpasalamat din…

Read More

Panalo sa 2021 U.S. Open Pool PINAGPASA-DIYOS NI BIADO

Ni ANN ENCARNACION IPINANALANGIN ni 2021 U.S. Open Pool champion Carlo Biado ang final game niya laban kay Aloysius Yapp ng Singapore. Kwento ng 37-anyos at ­dating golf caddie-turned billiard player na si Biado, humingi siya ng tulong sa Diyos noong lumamang si Yapp, 4-8, sa final match-up nila. “Nanalangin po ako noong time na iyun kay Lord na sana mabigyan ako ng isa pang chance at sign para magawa ko ang dapat kong gawin para sa kanya. Iniisip ko na ­kapag ­nagkaroon ng chance ay ­ga­gawin ko na maging…

Read More

NAPABAYAANG MGA BANGKAY SA QUEZON HOSPITAL, INIIMBESTIGAHAN NA

MAKARAANG mailathala sa Saksi Ngayon ang ­reklamo ng mga Quezonian kaugnay ng umano’y kapabayaan ng mga opisyal ng Quezon Medical Center (QMC) sa Lucena City sa nakatambak at nangangamoy nang mga bangkay ng mga namatay dahil sa pandemya, ay kaagad nang kumilos ang Department of Health ng Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon (DOH-Calabarzon), upang ito’y maimbestigahan. Mismong si DOH-­Cala­bar­zon Director Eduardo Janairo ang nagkumpirma sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, na mayroon na silang isinasagawang imbestigasyon ukol sa ­reklamo ng mga Quezonian. Paliwanag ni Director Janairo, marahil kaya nabalam ang pagdispatsa sa mga bangkay…

Read More

BATUHAN NG PUTIK

SIMULA na ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Oktubre kaya naman umiinit na ang pakikipagbangayan ng mga politiko sa posible nilang makakalaban sa eleksyon sa Mayo 2022. Kanya-kanyang batuhan ang mga ito ng putik at maraming mga baho ang nakakalkal, maging ang personal na buhay. May mga politikong maging ang hitsura ng kanilang mga katunggali ay nilalait at nawawala na sa paksa na kanilang pinagtatalunan. Naungkat maging sa social media ang tungkol sa brief, buhok at pagiging mataba ng kanilang posibleng makakalaban sa pwestong kanilang pinupuntirya sa eleksyon.…

Read More

Mindanao local officials nagsama-sama SUPORTA KAY MARCOS PINATIBAY

PATULOY na lumalakas ang suporta kay dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. patunay ang paglahok ng local officials mula sa Mindanao sa panawagan na siya ang kanilang maging presidential candidate para sa May 2022 national elections. May kabuuang 1.5 milyong miyembro sa buong bansa, ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na ang ideolohiya ay mula pa sa legendary federalists na sina Pedro Paterno at Trinidad Pardo de Tavera ng Partido Pederal, ay nagpasa ng resolusyon sa kanilang hybrid national convention sa Tupi, South Cotabato na nag-eendorso kay dating Senador Marcos…

Read More

VOTER REGISTRATION PALALAWIGIN NG KAMARA

PINAGTIBAY sa plenaryo ng mababang kapulungan ng Kongreso ang panukala na nag-aatas sa Commission on Elections (Comelec) na palawigin ang deadline sa pagpaparehistro ng mga botante sa 2022 election. Sinuportahan ng buong Kongreso ang House Resolution (HR) 2231 para sa isang buwang ekstensyon ng voter registration lalo na’t marami pa ring Filipino ang hindi nakakapagparehistro dahil sa pandemya. Unang itinakda ng Comelec na hanggang September 30 na lamang ang pagpaparehistro ng mga first time voter at maging ang mga natanggal sa listahan dahil hindi nakaboto sa nakaraang dalawang eleksyon. Subalit…

Read More

Honasan nagisa sa Senado PASILIDAD NG DICT PINAHIRAM SA DITO

GINISA ni Senador Imee Marcos si dating Senador Gregorio Honasan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pagpapahiram ng pasilidad ng ahensiya sa Dito Telecommunity nang walang bayad o libre. Sa ginanap na pagdinig ng Senado sa panukalang badyet ng DICT para sa 2022 nitong Lunes, ipinalutang ni Marcos ang report ng Commission on Audit (COA) na pumupuna sa DICT sa pagpapahiram ng pasilidad nito sa Dito nang walang bayad. “There’s also an issue regarding the DICT lending facilities for free to Dito [Telecommunity]. What facilities were leased,…

Read More

DUTERTE INUUNA PAMBU-BULLY

MULING gumanti ng banat si Senador Richard Gordon kay Pangulong Rodrigo Duterte na tinawag nitong “bully” kasabay ng paghamon sa Punong Ehekutibo na gawin na nito ang kanyang ‘worst’ laban sa kanya. “Quite frankly, Mr. President, you are boring. Di ako natatakot sa inyo. Di po ako duwag. Do your worst, as you did with the ABS-CBN. Do your worst like what you did to senator who was elected by the people,” saad ni Gordon sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa iregularidad sa paggamit ng pondo…

Read More